Skip to playerSkip to main content
Naihain na sa Secretary-General ng Kamara ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.


Ayon sa mambabatas na nag-endorso ng reklamo, nai-refer na rin ‘yan agad sa tanggapan ng House Speaker.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naihain na sa Secretary General ng Kamara ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:07Ayon sa mambabatas na nag-endorso ng reklamo, na-refer na rin yan agad sa tanggapan ng House Speaker.
00:14Nakatutok si Darlene Kai.
00:18Official ng tinanggap ng Office of the Secretary General ng Kamara ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:26Private Complainant ang Grupong Bayan o Bagong Alliance ng Makabayan na inendorso ng mga kongresista ng Makabayan Block.
00:32Sinapit na namin at nandiyan na si Secjen Garafil at nireceive na ng kanyang opisina personal na inabot namin ang complaint sa kanya.
00:47So wala nang duda rito. Filed and received by the Office of the Secretary General.
00:53At ang malinaw na nakasaad sa rules ay the Secretary General shall immediately refer to the Speaker.
01:04So yun ang inaasahan natin ngayon. Natanggap niya na.
01:08Hindi tinanggap ng Office of the Secretary General noong nakaraang linggo ang nasabing reklamo
01:12dahil wala raw authorized na tumanggap nito dahil nasa ibang bansa noon si House Secretary General Chelloy Garafil.
01:19Sabi ni Tinio, matapos tanggapin ang kanilang reklamo, agad naman daw itong inirefer ng Office of the Secretary General sa tanggapan ni House Speaker Bojidi.
01:28Base kasi sa Rules of Procedure and Impeachment Proceedings ng Kamara,
01:31kailangang immediate o agad-agad ang pag-refer sa Speaker ng isang impeachment complaint.
01:36Pagkatapos nito ay kailangang isama ng Speaker ang verified impeachment complaint sa order of business sa loob ng sampung session days
01:43at saka ire-refer sa Comerion Justice sa loob ng tatlong session days.
01:48Dahil nagbalik na ang session ng Kamara, tumatakbo na rin ang pagbibilang ng mga araw para mangyari ang mga yan.
01:53We insist that the second impeachment complaint must be included in the order of business
01:59at hindi magamit na may first impeachment complaint na para ma-activate na yung one-year bar
02:05and hindi makonsider yung second impeachment complaint.
02:07Ika-didis may araw ng grupo kung hindi ma-isama ang inihain nilang impeachment complaint
02:11dahil meron daw doon mga argumentong wala sa naunang impeachment complaint na inihain ng abogadong si Andre De Jesus.
02:17Obviously, magiging malinaw na maniobra yun kung mag-iitsapuera sila ng aming complaint o iba pang complaint na maaari pang dumating.
02:31So, malinaw na paborito sa presidente pagkaganon.
02:38Lalo pa at sinasabi na yung naunang complaint ay somehow or other associated din daw sa Malacanang.
02:44So, talagang magdududa ka at malinaw na paglapastangan ito sa constitutional process ng impeachment
02:53at pagpapanagot sa presidente.
02:57Kaya dapat hindi mangyari yun.
03:01Nauna ng itinanggi ni De Jesus at ng Malacanang na sinadyang pagsasampa ng umano'y malabnaw na impeachment complaint.
03:07Bukod sa grupong bayan, nagtangkarin at nabigo ang ilang dating opisyal ng gobyerno
03:12na maghain ng impeachment laban sa Pangulo dahil wala nga si Secretary General Garafil noong nakaraang linggo.
03:18Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na kunin ang panig ni Garafil.
03:22Nauna nang sinabi ng Malacanang na handa ang Pangulo sa mga reklamo
03:25at malakas ang loob niyang wala siyang nilabag na anumang batas.
03:29Ang presidential son naman na si House Majority Leader Sandro Marcos
03:33hindi raw sasali sa anumang diskusyon o debate kaugday sa impeachment complaints
03:37na kinakaharap ng kanyang ama.
03:40Ito ay para raw pangalagaan ng integridad ng Kamara.
03:43Para sa GMA Integrated News, Darlene Kain nakatutok 24 oras.
03:49Samantala, kani-kanina lamang ay formal nang na-refer sa House Committee on Justice
03:54ang dalawang verified impeachment complaint laban kay Pangulong Marcos.
04:03Samantala, kani-kanina lamang ay formal nang na-refer sa House Majority Leader Sandro Marcos

Recommended