Skip to playerSkip to main content
  • 8 months ago
Paghingi ni PBBM ng emergency powers para suspendihin ang excise tax sa langis, pinag-aaralan na ng Senado | ulat ni Louisa Erispe

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://thao.funnymoment.net/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://thao.funnymoment.net/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Prioridad din ang Senado na talakayin ang panukalan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na suspindihin ang excise tax sa
00:07langis.
00:07Si Luisa Irispe sa detalye.
00:12Pinag-aaralan na ng Senado ang plano ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na humingi ng emergency powers para suspindihin
00:21ang excise tax ng langis.
00:23Ayon kay Senate President Vicente Soto III, prioridad nilang mapag-usapan ang panukala.
00:29Katunayan, nakikipag-usap na si Soto kay Executive Secretary Raf Recto para sa pagpasa ng batas hinggil dito.
00:36We'll be reviewing it as I said earlier. Over the weekend, yung office ko at saka office ni Executive Secretary,
00:43nag-apalitan kami ng information and their proposals.
00:49So we will be studying it. I will forward it to the Committee on Ways and Means, Committee on Finance,
00:55discuss it.
00:56And hopefully we'll be able to come up with something that would be able to address the would-be problems
01:03that we will be encountering.
01:05Ayon naman kay Soto, sa oras na makuha nila ang proposal mula sa Pangulo, tulad ng ibang panukalang batas,
01:12dadaan din ito sa third reading sa plenaryo. At may tatlong araw bago ito mapasa, maliba na lang kung gagawin
01:18itong urgent ng Pangulo.
01:20Gayon pa man, pipilitin umano ng Senado na mapasa ang panukala bago mag-adjourn ng Kongreso ngayong Marso.
01:27It will have to go to the three readings unless it is declared an emergency.
01:36Therefore, we'll do away with the three-day rule. But again, depende sa mga pag-uusapan namin.
01:42But given there are just two weeks before the break, sir, SP, kaya pa ba yun?
01:47Kaya naman yun. Huwag talagang emergency eh. Kaya yan.
01:52Pero may request.
01:53Si Senate President Pro Temporay Pan Filolaxo naman, pabor din na maipasa ang emergency power sa Pangulo.
02:00Anya, ang tututol dito, malinaw na ayaw lang ibsan ang paghihirap ng mga Pilipino dahil sa presyo ng krudo.
02:07Kahit naman sa Sen. Risa Hontiveros, nakikitang reasonable ang nais na ito ng Pangulo.
02:13Pero para sa kanya, maaaring hindi ito sapat.
02:16Dapat raw magpasa na rin ang Kongreso ng emergency supplemental budget.
02:22Pinag-aaralan pa namin yung request na yan for emergency powers.
02:25Pero reasonable siya kahit sa ilang ibang mga sitwasyon.
02:28Halimbawa yung una nang ipinanawaga na tungkol sa tariff setting powers na ilipat o ibalik across branches of government.
02:41Pero kahit pa, aksyonan yan ang paborable ng Senado.
02:45Yung emergency powers para sa kasalukuyang sitwasyon, hindi pa po yun sapat.
02:5052.8 billion pesos raw ang kailangang pondo para sa emergency supplemental budget.
02:5612 billion dito mapupunta sa transport sector.
03:002.8 billion para sa agricultural subsidy.
03:03At 38 billion naman para sa pagpapauwi ng mga OFW.
03:07Sapat na raw ito para punan ang posibleng krisis dahil sa langis sa loob ng isang taon.
03:13At kung magtutuloy-tuloy ang disruption sa global oil supply dahil sa gera,
03:19kailangan nang saluhin ang gobyerno ang napipintong economic shock mula sa tumitinding oil crisis.
03:27Ang panawagan natin ngayon ay simple at hindi tingi-tingi.
03:33Kailangan ng pag-usapan, ihanda at ipasa ang isang emergency supplemental budget package
03:41na sa estima ng aking opisina ay aabot ng 52.8 billion pesos.
03:48Naniniwala naman ng Senadora, may sapat na mapagkukuna ng pondo para sa supplemental budget.
03:54May pwede bang pagkuna ng pondo para sa supplemental budget?
03:59Oo.
03:59Nandyan ang tinatayang 70 billion pesos mula sa discontinued flood control projects noong 2025.
04:09Mayroon ding 2.5 billion pesos na pondo for farm machinery.
04:14Pwede tayong kumuha sa 17.5 billion pesos na pondo para sa pag-host at pag-chair ng Pilipinas sa
04:23ASEAN 2026 Summit.
04:26Kung sakali naman anya, pipilitin din nila itong maipasa bago matapos ang Marso.
04:31Samantala, pinasisilip din naman ang mga Senadorang umanay na nanamantala sa pagtaas ng presyo ng langis.
04:38Si Espesoto, ang tanong, may reserve pa. Bakit agarang nagtataas ng presyo?
04:44The authorities should look into these players who are abusing or using it already.
04:53Sabi ni Presidente, if I recall it right, there was, I think, or there is, there is at least two
05:02to three months na reserve.
05:04So, bakit sasamantalahin ang iba?
05:06Si SP Pro Temporary Lakson naman, hinimok ang publiko na magsumbong sa Philippine National Police at LGU
05:13sa mga gasolinahan o operators na nananamantala.
05:17Anya, pwedeng kasuhan ang mga ito ng hoarding and profiteering at hindi patas o deceptive sales practice.
05:25Si Sen. Sherwin Gatchelia naman, kinukon din na ang umanay gara palang taas presyo
05:29tulad ng kamakailang napabalita na umabot sa 105 pesos kada litro sa diesel
05:35at 90 pesos naman sa kada litro ng gasolina.
05:38Malinaw, pinapahirapan lang nito ang mga tsuper, manggagawa at ordinaryong Pilipino.
05:45Pinaiimbestigahan niya ito sa Department of Energy upang masampahan ng karampatang kaso.
05:50Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.

Recommended