• 8 months ago
Kasabay ng pagtaas ng presyo ng krudo, may mga ulat din ng umano’y overpricing at hoarding ng ilang gasolinahan. Ano ang sinasabi ng batas laban sa mga nananamantala sa gitna ng krisis? Alamin ang sagot ni Atty. Gaby Concepcion sa Ask Atty. Gaby.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, simula na ngayong araw ang big-time oil price hike.
00:05Pero kahapon may 55 gasolinahan ng nauna.
00:10Kaya naman, in-issuean sila ng show cost order
00:13para ipaliwanag kung bakit hindi dapat kanselahin
00:16ang kanilang certificate of compliance.
00:19Samantala, marami na rin ang nagpakarga ng maaga
00:23kaya ang ilang gas station naubusan na raw ng supply.
00:26Nagpa-apaalala ang DOE na mahigpit na ipinagbabawal ang hoarding.
00:32Ang ibang mga kapuso natin, napapaisip rin na baka kahit na may supply,
00:38sinasabing out of stock para intayin ang pagtaas ng presyo.
00:43Ang usapin na yan, tatalakayin natin ngayon.
00:46Ask me, ask Attorney Gabby.
00:55Attorney, ano ba ang sinasabi ng batas sa mga taong nananamantala
00:59sa panahon ng krisis tulad nitong problema ngayon sa presyo at supply ng gasolina
01:05at sa susunod, baka mga presyo na rin ng bilihin.
01:09Well, of course, sa ngayon ang talagang binabantayan at kinatatakutan ng mga tao
01:14ay ang pagtaas ng presyo ng gasolina dahil nga sa mga pangyayari sa Middle East.
01:20Although wala tayong magagawa sa pagtaas ng mga presyo,
01:23dahil nga sa Republic Act 8479 o ang Oil Deregulation Act
01:28na pinapayagan na ang presyo ng gasolina ay madidikta ng market forces.
01:33Pero meron pa rin batas ang Batas Pambansa No. 33
01:38na pinagbabawal ang ilang mga illegal o manipulative practices
01:42tulad ng hoarding, profiteering, predatory pricing or anti-competitive rules.
01:49Kaya't narinig natin sa balita na ang Department of Energy ay nakakapag-monitor
01:54at nakakapag-issue ng cease and desist orders
01:57kung may hinala silang may iligal na nagaganap.
02:01So ang mga nabanggit natin ang mga batas ay specific para sa gasolina
02:05at iba pang petroleum products.
02:08Para naman sa ibang bilihin, meron tayong Republic Act 7581
02:12o ang Price Act na ipinagbabawal ang mga gawain tulad ng hoarding,
02:17profiteering at pananamantala sa basic commodities sa panahon ng krisis.
02:22Take note na sa ilalo ng Price Act, hindi po kasama ang gasolina dito.
02:26Ang covered ay ang LPG at kerosene na considered as basic commodities.
02:32Ang LPG at ang kerosene daw kasi ay kailangan para sa pang-araw-araw
02:37para mabuhay ang mga tao, ginagamit para makapagluto at makakain.
02:42Ang gasolina, although napaka-importante para sa transportasyon ng mga tao,
02:47hindi naman daw considered essential for survival.
02:50Kaya malinaw sa panahon ng krisis, hindi pinapayagan ng batas
02:54ang pagsasamantala sa presyo at supply ng mga produktong kailangan ng publiko.
03:00Pero mukhang hindi natin mapipigilan nga ang pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel.
03:06Kaya't sa ganitong panahon, kailangan tayong umakto ng angkop
03:10sa pangangailangan, conserve energy and gasoline.
03:13Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip.
03:20Huwag magdalawang isip, ask me, ask Atty. Gabby.
03:43Thank you. O sige na.

Recommended