00:00Maygit ang panaraang gasolinahan na ang nagsara sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
00:05Batay po yan sa monitoring ng PNP.
00:08At para naman matyak ang supply ng langis,
00:10pinayagan muna ng DOE ang pag-import ng mas murang klase ng petrolyo,
00:14bagamat mas nakapagdudulot ito ng polusyon.
00:17Saksi si Mav Gonzalez.
00:22Sa gitna ng gyera sa Middle East,
00:25siniguro ni Pangulong Bongbong Marcos na may sapat na supply ng langis sa bansa.
00:29Ayon sa Department of Energy, may supply pa tayo ng langis hanggang Abril.
00:33May required sila na 15 days, pero ang capacity nila siguro 40, ano?
00:41So they have to replenish every 40 days, let's say.
00:44So we have more than enough time to order the next batch.
00:51Para masiguro ang supply ng langis sa bansa,
00:54pansamantalang pinayagan ng DOE ang pag-import ng Euro 2 petroleum products.
00:59Pero ang pwede lang gumamit nito ay yung mga sasakiyang gawa noong 2015 o mas luma pa.
01:04Mga traditional jeepney, power plants, generators, at marine at shipping industry.
01:10Mas mura pero mas mataas ang emisyon ng Euro 2 kumpara sa Euro 4 na standard ngayon sa Pilipinas.
01:16Mataas ang sulfur content ng Euro 2 kaysa sa Euro 4.
01:19Ang mas mataas na sulfur content, mas nakakadumi at nakakasira ng makina.
01:25Mas nakakapagdulot din ito ng polusyon.
01:27Pero dahil sa anilay extraordinary circumstances sa Middle East na nakaapekto sa petroleum markets,
01:33hinakailangang magpatupad ng temporary regulatory measures para masiguro ang sapat na supply.
01:39At magkaroon ng akses sa mas maraming uri ng produktong petrolyo.
01:42Pero sa tingin ng energy expert na si Atty. Noel Baga, bagaman makakatulong ito sa supply ng langis,
01:49hindi ito sapat, lalo't patuloy pa rin sumisirit ang presyo ng produktong petrolyo.
01:54Very helpful ito sa oil industry natin para mas may leeway ang ating oil companies na mag-import ng oil.
02:01Even though dirtier oil siya, pero para may leeway siya na mas marami siyang ma-import para sa energy security.
02:06Ngunit hindi sapat ito para i-address ang oil crisis.
02:10Ayon sa Center for Energy Research and Policy o SERP,
02:13nasa 60 araw ang reserba ng langis ng Pilipinas,
02:17higit na mas mababa sa reserba ng ibang bansa sa Asia.
02:20Tulad ng Japan, na 250 days ang reserba ng langis.
02:24Mungkahi ng SERP, dapat magkaroon ng Strategic Petroleum Reserve ang Pilipinas,
02:28tulad noong 1970s hanggang 1980s na pinapatakbo ng Philippine National Oil Company.
02:35Mas maganda rao kung nasa pang isang taon ang reserba.
02:38Napaka-thin margin lang noong 60 days.
02:41Mas mabuti talaga kung meron tayong Strategic Petroleum Reserve na i-establish yung gobyerno
02:46para meron tayong mas pang matagalan na supply ng langis.
02:50It will be established by the government at kung may oil crisis,
02:53pwedeng ibenta ng gobyerno yung langis na ito at subsidized prices,
02:57ang mababang halaga sa taong bayan.
03:00Si Sen. Cheese Escudero,
03:01naghainan ang panukalang batas na layong magtayo ng sariling crude oil tank storage facility ang gobyerno
03:08para maging panangga sakaling magkaroon ng geopolitical crisis,
03:12magkaproblema sa supply o magkaroon ng biglang pagtaas ng presyo.
03:16Sa ilalim ng panukala,
03:18kayang mag-imbak ng pasilidad ng supply na pang 90 hanggang 180 days na pangangailangan ng buong bansa.
03:24Sa gitna naman ang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa,
03:28lumabas sa monitoring ng PNP sa mahigit 14,000 gas stations na mahigit 400 gas stations na ang nagsara.
03:35Dinirekta na po natin ito sa Department of Energy para sila po ang mong determine
03:39kung ang natural pagsasara ng 400 may kaugnayan sa possible hoarding na nasabi mga gas stations.
03:45Sabi ng PNP, may dalawang kaso ng naisan pa,
03:49hoarding at profiteering sa magkahihwalay na lugar sa Eastern Samar.
03:52Ayon sa PNP, nagmumonitor sila bilang bahagi ng kanilang paghahanda
03:57kung magkaaberya sakaling magka-oil crisis.
04:00Para sa GMA Integrated News, ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.