Skip to playerSkip to main content
Nilinaw ng Ombudsman na hindi pa rin magagalaw ng mga nasa likod ng flood control scandal ang kanilang mga asset at bank account kahit expired na ang freeze order sa mga ito.
Humirit din ang ombudsman na iinit pa ang pagpapanagot sa mga sangkot!
Nakatutok si Saleema Refran.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nilinaw ng Ombudsman na hindi pa rin magagalaw ng mga nasa likod ng flood control scandal
00:06ang kanilang mga asset at bank account kahit expired na ang freeze order sa mga ito.
00:13Humirit din ang Ombudsman na iinit pa ang pagpapanagot sa mga sangkot.
00:18Nakatutok si Salim Arefran.
00:22Kasabay ng pag-init ng panahon, iinit rin daw ang pagpapanagot sa mga nasa likod ng flood control scandal.
00:28Ngayong tag-init, iinit, tinasabi ko sa inyo. Marami, marami yan, marami susunod yan. Itong tag-init, iinit.
00:37Tumanggi na si Ombudsman Rimulya na magbigay ng detalye sa mga gumugulong ng investigasyon
00:42at kung may makakasuhan muli sa kontrobersya sa flood control projects at kickbacks.
00:47I-tay na lang natin pag na-file na, bago namin sabihin sa inyo, yung mga bagay-bagay na bumabalot
00:57sa isang pagkilos ng Office of the Ombudsman.
01:00Araw-araw nandito kami, araw-araw kinakausap namin ng mga kailangang kausapin, nag-case meeting kami.
01:07Every day, every day, every working day, minsan pati halde nag-uusap-usap kami.
01:12Sa ngayon, nire-review na ng Ombudsman ang resolusyon ng Department of Justice para sa mga reklamang graft at mauversation
01:19laban kay Sen. Joel Villanueva.
01:22Submitted for resolution naman sa DOJ ang reklamang plunder at graft laban kinadating Congressman Zaldico,
01:29dating DPWH Secretary Manuel Bunuan at Sen. Gingoy Estrada,
01:33habang extended ang preliminary investigation para sa plunder complaint laban kay dating Sen. Bong Revilla.
01:39Sa Ombudsman, gumugulong na ang preliminary investigation para sa magkapatid na si Benguet Representative Eric
01:46at dating Act CIS Representative Edvik Yap.
01:49Nilinaw naman ang Ombudsman na hindi pa rin magagalaw ng mga sangkot sa FUD Control Controversy
01:54ang kanila mga assets at bank accounts kahit napaulat na nag-expire na ang mga freeze orders sa mga ito.
02:01May mga nilabas na kasing asset preservation order habang dininig ang mga forfeature case para sa mga ari-ariang ito.
02:09We hit them where it hurts at yun yung pera nila na nakuha nila doon sa FUD Control.
02:14Ayon sa Anti-Money Laundering Council o AMLAC,
02:17tatlong petition for provisional asset preservation na ang kanilang naihain sa Manila RTC.
02:23Dalawang provisional asset preservation order na ang nilabas para sa pangangalaga ng korte
02:28sa mga assets na mga nasasakop na individual.
02:31Pauna pa lang daw ito sa mga petisyong kanilang ihahain
02:34para ma-recover ang mga pondong sangkot sa korupsyon.
02:38Para sa GMA Integrated News, Sanima Rafra, Nakatutok, 24 Oras.

Recommended