00:00May mga hakbang na raw na inilatag ang Grab Philippines matapos hindi makatanggap ng ayuda mula sa gobyerno ang ilan
00:07nilang partner drivers.
00:08Ayon sa Grab Philippines, kumakalap na sila ng impormasyon para sa revalidation ng mga pangalan at inihahanda ang posibleng pagsusumitim
00:16muli nito.
00:17Nakatoon daw sila sa pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno para mabigyan ng ayuda ang mga kwalifikadong beneficiaryo.
00:23Anila, kaisa sila ng gobyerno sa pagprotekta sa mga naghahanap buhay kasabay ng pagtitiyak na may masasakyan ng publiko.
00:30Naunang sinabi ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na may mga hindi na isumiting pangalan ang
00:38ilang transport network company
00:39dahil mabibisto raw na sobra-sobra umano sa pinayagan ang bilang ng kanilang partner drivers.