00:00Malaki naman ang pasasalamat ng ilang tricycle drivers sa kagayan matapos makatanggap ng cash assistance
00:05na layong maibsa ng empekto ng patuloy na pagsipa ng presyo ng langis.
00:10Yan ang ulat ni Dina Villacampa ng Radyo Pilipinas, Tugigaraw.
00:16Pamamasada ng tricycle ang isa sa pinagkakakitaan ng mga residente dito sa lungsod ng Tugigaraw.
00:22Sa katunayan, isa ito sa economic driver ng Tugigaraw.
00:26Dahil sa laki ng bilang ng tricycle, kabi-kabila ang gasolinahan na ipatayo rito, may motor parts, mga repair shop
00:35at mga kainan.
00:36Ngunit, ang dating masiglang pamamasada ng mga tricycle driver naging limitado na sa biglang taas presyo ng produktong petrolyo.
01:00Kaya naman, ganun na lamang kanilang pasasalamat na isa ang tricycle driver sa mamibigyan ng cash relief assistance.
01:08Limang libong piso rin ang kanilang natanggap mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD
01:14sa ilalim ng Assistance to Individual in Crisis Situation o AIX.
01:19Salamat na rin po sa naibigay niyo sa amin na tulong.
01:23Dahil kung hindi dito, wala din kami ganong kinikita ngayong mam.
01:29Kaya biglang nagbigay kayo ng ayuda na ito.
01:35Maggamit namin ng mga ilang araw sa pamilya namin sa pangaraw-araw.
01:39Ang lokal na pamalan na Tuguegaraw City naman, ramdam ang hirap na mga tsyoper.
01:45Kaya matapos ang tulong mula sa national government,
01:48ay maglalaan din sila ng pondo para sa tulong pinansyal sa mga tricycle driver at iba pang mga sektor sa
01:54lungsod.
01:54This is the subsidy given by the national government.
01:58And sa local government unit naman po, through the leadership of Ma'am Mayla Rosario Estinque,
02:04ay magbibigay din tayo ng 1,000 na fuel subsidy after this.
02:10Probably next week ay will work out na namin yung mekanizam upang sa ganun ay may release na rin natin
02:15yung 1,000 na fuel subsidy from the local government.
02:19Batay sa record ng Tricycle Regulatory Unit ng LGU,
02:23mayigit sa 7,800 ang rehestrado at may prangkisa na tricycle na umiikot sa lungsod.
02:29Ibig sabihin, ganitong karaming pamilya din ang umaasa sa pamamasada.
02:33Sa ngayon, isinusulong na sa City Council ang panukalang taas-pasahe sa tricycle sa lungsod.
02:40Mula rito sa Tuguegrao City para sa Integrated State Media,
02:44Dina Villacampa ng Radio Pilipinas, Radio Publiko.