Skip to playerSkip to main content
  • 6 months ago
E-Transport Loan Program, inilunsad ng DTI at SBCorp.; mas magaan at pinadaling pagbabayad, ipatutupad sa naturang loan program

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://thao.funnymoment.net/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://thao.funnymoment.net/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinadaling pautang para sa malinis na pakinabang.
00:03Ito ang hatid ng bagong e-transport program ng Department of Trade and Industry sa mga chuper at operator ng
00:10pampublikong transportasyon.
00:12Ang benetisyon niyan alamin sa sentro ng balita ni Jeremy Piscano.
00:19Inilunsan ang Department of Trade and Industry at Small Business Corporation
00:23ang 2 bilyong pisong e-transport loan program para tulungan ng mga nasa Transport Network Vehicle Services
00:31o TNBS Driver and Operator na makalipat sa paggamit ng electric vehicles.
00:37Ngayon din ang mga nagnanais pumasok sa sektor, ngunit hindi makayanan ng paunang gastos.
00:42Ayon sa DTI, tugon ito sa kasalukuyang hamon sa mataas na halaga ng langis
00:47at bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:51na maglatag ng mga programang agad na makatutulong sa mga Pilipino sa panahon ng hamon.
00:57Layunin ang programa na mapalakas ang modernisasyon sa transport sektor,
01:02mapababa ang pagdepende sa inaangkat na langis
01:05at mapalawak ang akses ng maliliit na operator at negosyante sa mas malinis na teknolohiya.
01:11Ang importante is those that want to shift from regular vehicles to electric vehicles,
01:17it will be easy for them. Basta may mga loans tayo para sa kanila.
01:22So easy payment, easy accessible also na loans.
01:26Sa ilalim ng programa, maaaring makahiram ng hanggang 1.5 milyong pesos
01:31para sa bawat electric minibus at hanggang 3 milyong piso ang bawat borrower
01:37para sa TNBS na sasakyan na maaaring hulugan hanggang limang taon.
01:42May option din sa grace period na 0, 6 o 12 buwan,
01:47kasama ang hanggang isang taong palugit sa pagbabayad
01:50para mas makabangon at makapagsimula ang mga naghiram.
01:54Ayon sa SB Corp., ang interest rate ng programa ay 1% kada buwan batay sa diminishing balance.
02:01Paglilinaw ng DTI, ang pautang ay para sa mga TNBS driver at operator
02:06na affiliated sa mga transport network company at hindi para sa transport network company mismo
02:13bilang bahagi ng pagtutulak ng pamahalaan sa mas inclusive at sustainable na transport modernization.
02:20Positibo naman na tanggap ng mga nasa transport sector,
02:23lalo na sa panahong matagal ng pinapasan ng mga operator at driver
02:27ang taas-bawa sa presyo ng mga produktong petrolyo.
02:31Sa panahon na ito na crisis tayo, hindi lang sa ating bansa, ang mga mundo yung crisis ngayon sa petroleum
02:36product,
02:36ito na yung pagkakatong mag-switch na tayo sa e-vehicle.
02:40At matagal na lang itong pinag-uusapan,
02:43nagkaroon kami ng pagpupulong with Secretary Banoy
02:45at ito rin yung utos ng ating Pangulong BBM na mag-switch na tayo sa e-vehicle.
02:51At ito nga ang pagkakatong.
02:52Minigyan diin ng DTI na hindi lamang ito tungkol sa pagpapalit ng sasakyan,
02:57kundi pagbibigay rin ng mas predictable na operating costs
03:00at mas matatag na pagkakakitaan para sa mga nasa transport sector.
03:06Kasabay nito, itinutulak din ang mas malawak na pangmatagalang binipisyo ng paglipat sa electric vehicles.
03:13So paglinipat mo ang transport from oil to another source which is electric,
03:19hindi na tayo kailangan mag-import ng ganong karaming langis.
03:23And we are so dependent on that.
03:27And so ito yung, this is not only for transport, this is also for national security.
03:32Jeremy Piscano, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.

Recommended