00:00Hiniling ng kampo ni Congressman Martin Romualdez na mag-inhibit ang Office of the Ombudsman
00:06sa pag-iimbisiga sa kanya kaugnay sa issue sa flood control projects.
00:11Sa sulat ng mga abugado ni Romualdez sa Office of the Ombudsman,
00:15may runaan nilang pre-conceived position si Ombudsman Jesus Crispin Remulia
00:21sa mga issue laban sa kongresista, batay sa mga nauna niyang pahayag,
00:26tila nagpasyanaan nila si Remulia na i-prosecute si Romualdez para sa plunder
00:32kahit wala pang nasisimulang preliminary investigation.
00:36Bukod kay Ombudsman Remulia, may mga pahayag din anila si Assistant Ombudsman Mico Clavano
00:42gaya ng pagtawag nito kay Romualdez bilang Master Plunderer bago pa man natapos ang imbistigasyon.
00:50Sa mga yan at iba paumanong public statement,
00:53hinatulan na agad ng Office of the Ombudsman si Romualdez na guilty sa plunder
00:59bago pa man siya sampahan ng kaso.
01:01Hiniling ng kampo ni Romualdez na mag-inhibit ang ombudsman sa preliminary investigation.
01:08Dapat daw ipahawak ito sa opisina hindi mababahira ng anilay bias o prejudgment.
01:15Nauna na itinanggi ni Romualdez na may kinalaman siya sa budget insertions at anomalya sa flood control projects.
01:22Hindi rin anya siya papayag maging scapegoat o sangkalan ng mga dapat talagang managot.
01:29Sinusubukan pa namin kunin ang pahayag ng Office of the Ombudsman pero wala pa silang tugok.