00:00Hinilin ng company dating House Speaker Martin Romualdez na mag-inhibit ang Office of the Ombudsman
00:05sa pag-iimbestiga sa kanya kagnay sa issue sa flood control projects.
00:09Sa sulat ng mga abogado ni Congressman Romualdez sa Office of the Ombudsman,
00:13mayroon na anilang preconceived position si Ombudsman Jesus Crispin Remulia
00:18sa mga issue laban sa kongresista batay sa mga naon na niyang pahayag.
00:22At tila nagpasya naan nila si Remulia na usigin si Romualdez para sa plunder
00:27kahit wala pang nagsisimulang preliminary investigation.
00:30Bukod kay Ombudsman Jesus Crispin Remulia,
00:34may mga pahayag din anila si Assistant Ombudsman Nico Clavano
00:37gaya ng pagtawag nito kay Romualdez bilang master plunderer
00:41bago pa man natapos ang investigasyon.
00:45Lumalabas sa mga pahayag na yan at iba pa umunong public statement,
00:49kinatulan na raw agad ng Office of the Ombudsman si Romualdez
00:52na guilty sa plunder bago pa man siya sampahan ng kaso.
00:55Kiniling ng kampo ni Romualdez na maghibit ang Ombudsman
00:58sa preliminary investigation
01:00at dapat daw ipahawak ito sa opisinang
01:03hindi mababahira ng anilay bias or prejudgment.
01:07Nauna nang itinanggi ni Romualdez na may kinalaman siya
01:10sa budget insertions at anomalya sa flood control projects.
01:14Hindi rin anya siya papayag na maging scapegoat
01:16o sangkalan ng mga dapat talagang managot.
01:19Sinusubukan pa namin makuha ang pahayag ng Office of the Ombudsman
01:22pero wala pa silang tuguan.