Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pag may po sa paghina ng piso laban sa dolyar at sa naitalang 7.2 inflation rate nitong Abril,
00:07kausapin po natin si Dr. John Paolo Rivera,
00:10ang Senior Research Fellow ng Philippine Institute for Development Studies o PIDS.
00:14Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
00:17Ay, magandang umaga po at salamat sa pag-imbita sa amin dito.
00:20Papaanan niyo po ilalarawan ang estado ng ating ekonomiya ngayong naitala nga po
00:23itong pinakamataas na inflation rate sa loob ng tatlong taon
00:27ayon sa Philippine Statistics Authority.
00:30So ang ating ekonomiya ngayon ay nakakaranas ng mga tinatawag nating supply side shock
00:36na nanggagaling sa oil price shocks na mula sa tensyon sa gitnang silangan.
00:43So ang ekonomiya natin ngayon ay nakakaranas ng mga transport post increases,
00:48pagbilis ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pagkain
00:51at ang paghina ng piso laban sa dolyar na nagpapalala ng ating tinatawag na import post.
00:57So sa madaling salita, merong pressure na tumaas ang presyo ng mga bilihin sa darating na mga buwan.
01:06Mas mataas yung inflation sa bottom 30% income household at nasa 8.5%.
01:13Sinasabi ho na talagang maraming nalilito dyan.
01:16Kung maaari ho sana pakipaliwanag lang sa ating mga manonood ito.
01:20Sige, yung efekto kasi ng inflation o yung bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin,
01:24hindi kasi ito pantay sa bawat segment o bawat sangay ng ating lipunan.
01:30Lalo, ito ay mas tinatamaan nito yung mga nasa bottom 30% na mas mabilis yung pagtaas ng presyo sa
01:38kanila
01:38dahil ito ay relatibo sa kanilang kinikita.
01:42So kapag mahalang langis, tumataas ang pamasahe, tumataas ang presyo ng pagkain,
01:47na kanilang pangunahing, ito yung pinaka-component ng kanilang budget.
01:52Kasi yung ating mga nasa bottom 30%, 60% to 70% mga kanilang budget ay nasa pamasahe, nasa pagkain.
01:59So kapag ito ay sabay-sabay na tumataas, sila talaga yung tumatanggap ng presyo o yung blow sa ekonomiya nitong
02:06inflation na ito.
02:07Sa inyo pong projection, hanggang kailan pa yung ganito pong sitwasyon sa inflation?
02:12Yung inflation po kasi nasa dabanggit ko nga kanina na ito ay tinatawag nating supply driven.
02:17So hanggat hindi gumagaan ang sitwasyon sa gitnang silangan, hanggat hindi natatapos yung gera sa lugar na yun,
02:24patuloy yung disruption sa pagdaloy ng supply ng langis sa ating bansa.
02:30E karamihan sa industriya dito sa ating bansa ay nakadepende sa langis.
02:33So hanggat hindi yun lumuluwag, patuloy yung banta ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin sa mga susunod pa
02:41nating mga buwan hanggang siguro sa buong 2026.
02:43At ito pa yung issue ng patuloy po na paghina ng piso kontra dolyar.
02:49Ilang beses na ho nag all-time low ang ating pera.
02:52Ano ho ang inyong nakikita dito? Ano pang projection natin dyan?
02:57Ang projection natin dito kasi patuloy yung paglakas ng US dollar globally,
03:02tapos yung global uncertainty pa natin,
03:05pinupwersa nito yung mga investor, yung mga tao na piliin ang US dollar kumpara sa peso,
03:12kaya humihina ang ating piso.
03:14So hanggat patuloy itong kaguluhan sa ating international economy,
03:19ang preference would be sa US dollar dahil ito ay tinatawag na safe haven kumpara sa piso.
03:24So hanggat hindi ito natatapos, patuloy ang banta sa paghina ng ating salapi,
03:30ka-activate na nito yung pressure sa ating inflation.
03:34At papaano nyo ikukumpara sa ibang currency sa Southeast Asia,
03:37yung paghina ng piso kontra dolyar naman?
03:41Masasabi natin dyan, hindi ito purong domestic crisis.
03:45Hindi ito limitado lamang sa Pilipinas dahil karamihan sa mga emerging market,
03:51lalo na ating mga karatig bansa, ay nakakaranas din ng ganitong klaseng pressure.
03:55Dahil nga, tayo ay nasa isang integrated na ekonomiya, nasa global na ekonomiya,
04:00lahat tayo ay apektado.
04:01Depende na lamang ito kung sinong ekonomiya o sinong salapi,
04:05ang pinakamabilis ng paghina laban sa US dollar.
04:08I see. At sa lagay po ng ating ekonomiya sa ngayon,
04:11kailangan na bang maging mas aktibo po ang ating gobyerno sa pagpapalakas ng piso kontra dolyar?
04:17Baka may mga sugestyon o hakbang na ho kayong gustong iparating sa kanila?
04:21Ang nire-recommenda po natin sa kadahilan niya na hindi sapat ang epekto ng tinatawag nating monetary policy
04:29o yung patuloy na pagbabago o pagtaas, pagbaba ng ating interest rate na kinokontrol ng ating Banko Central ng Pilipinas.
04:35Ang masabi po natin na kailangan po itong tulungan ng tinatawag nating fiscal policy
04:40dahil ang paggalaw ng interest rate ng Banko Central ay nagagalaw lamang niya, naapektuhan lamang niya yung demand.
04:48Pero kasi ang issue natin ngayon ay supply-driven na maaaring magkaroon ng mga intervention mula sa ating pamahalaan
04:55katulad ng pagbibigay ng ayuda, pagbaba ng excise tax o ng VAT
05:00upang pansamantalang maibsan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin para sa mga bottom na 30% ng ating populasyon.
05:07Kapag ito po ay nagsabay, maaaring maibsan yung bigat na nararamdaman natin ngayon pagdating sa mga presyo ng bilihin.
05:14Maraming salamat po sa inyong oras na ibinahagi sa Balitang Hali, sir.
05:19Maraming salamat din po.
05:20Yan po naman si Philippine Institute for Development Studies Senior Research Fellow, Dr. John Paulo Rivera.

Recommended