00:00Patay sa lalaki sa Paranaque matapos gilitan at pagsasaksaki ng kanyang kumpare.
00:05Ang krimen isinagawa habang naka-Facebook Live ang biktima.
00:10Mga kapuso babala, sensitibo ang inyong mapapanood.
00:13Saksi si Jomer Apresto.
00:22Naglalaba habang naka-Facebook Live ang isang lalaki sa labas ng tinutuluyan niya
00:27sa Silverio Compound, Barangay San Isidro, Paranaque City noong May 28.
00:31Pero maya-maya, sumulpot ang isa pang lalaki at ginilitan ang naglalaba.
00:39Pilit itong inilaga ng biktima na sinubukang sipain ang lalaki palayo.
00:43Pero ilang ulit din siyang inundayan ang saksak nito sa iba't ibang bahagi ng katawan.
00:48Nalaglag pa ang patalim ng sospek pero may binunot siya na isa pang patalim sa tagiliran.
00:54Dito niya ulit pinagsasaksak ang biktima bago tumakas.
00:57Nakatayo at nakapaglakan pa ang biktima hanggang sa humandusay siya.
01:06Kwento ng pinsa ng biktima, nakausap niya pa ito at nakapagpadala pa ng pera sa kanila
01:11ilang oras lang bago mangyari ang krimen hanggang sa napanood nila ang Facebook Live.
01:15Pagtingin namin sa live cell, doon talaga namin ang ito.
01:21Maraming sobrang sakit.
01:25Wala siyang ako nang sinagsang yung pinsa nyo.
01:36Nakatanggap din daw sila ng tawag mula sa isang doktor.
01:39Dok, buhayin mo, Dok.
01:41Ang mamatay siya.
01:42Sabi na kung pupunta kayo, hindi nang nyo madatnan na buhay.
01:47Nakaburol na ngayon ang biktima.
01:49Hinihintay pa ang opisyal na autopsy report.
01:50Pero ayon daw sa mga doktor na nakausap ng pamilya ng biktima,
01:54saksak sa tagiliran na tumagos sa puso,
01:56ang ikinamatay niya.
01:58Sa isang hot pursuit operation na tuntun kahapon ng Paranaque Police,
02:02ang 34-anyos na sospek sa barangay Singkamas, Makate City.
02:06Base sa investigasyon ng polis siya,
02:08magkumpare ang sospek at biktima,
02:10pero dati na raw may alitan ng dalawa.
02:12Bago mag-new year ng 2024,
02:16nagkapangabot na ito.
02:18Magkapitbahay ito eh.
02:19So malamang nagkakaparinigan
02:22at may mga...
02:24Yung incidente, hindi pa rin naayos.
02:27Na-recover ng polis siya ang kutsilyong ginamit ng sospek.
02:29May isang kutsilyo na na-recover doon sa scene
02:33at yun din ang nakita ng mga witness na gamit na pansaksak ito.
02:39Ayon sa kaanak ng sospek,
02:41blanco rin sila kung ano ang dahilan ng krimen.
02:44Kumontak siya sa akin para sabihin na susuko siya.
02:47Tapos nag-inquire ako sa kakilalang polis kung ano yung tamang proseso.
02:52Tapos ayon, ginaid namin siya.
02:54Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang sospek
02:56na maharap sa reklamong murder.
02:58Inaalam pa ng polis siya kung dati nang may kaso ang sospek.
03:01Humingi naman ang patawan ng kaanak ng sospek
03:03sa naulilang pamilya ng biktima.
03:05Handa rin daw silang makipagtulungan.
03:06Handa naman po kaming magbigay
03:08kung ano pong makakayanan namin.
03:10Handa, nakikiramay po kami
03:11kasi kilala naman po namin yung tao.
03:13Ako si Jomer Apresto
03:15ang inyong saksi.