00:02Mula sa kanyang bahay kung saan siya ipinagluksa,
00:06inilabas alas 9 kaninang umaga ang mga labi ni Chris Lawrence Fabian.
00:11Siya ang grade 10 student na humarang sa pinto ng classroom
00:14sa gitna ng pamamaril sa kanilang paaralan noong June 22.
00:19Kaya hindi nasaktan ang kaklase sa silid.
00:24Pero ang kabayanihan, naghihintay pa rin ng kustisya.
00:27Panawagan niya ng kanyang pamilya habang nakaputing t-shirt
00:31na may nakasulak na Justice for Chris Lawrence Fabian.
00:35Pagdating sa St. Roche Parish,
00:40sinaluduhan ang labi ni Lawrence ng mga kasamahang Boy Scouts.
01:19Naging emosyonal ang mga dumalo sa final viewing ng mga labi sa simbahan.
01:31Lalo sa simenteryo, kung saan nagsagawa rin ng tribute o pagsaludo ang Boy Scout of the Philippines.
01:38May his death, we continue to inspire the Filipino youth.
01:45Bumuhos ang luha ng pamilya ng mamaalam kay Chris Lawrence.
01:48I love you, Lawrence! I love you!
01:52Pahalikan amin!
01:54Naihatid man sa huli niyang hantungan.
01:56Hindi nagtatapos ang panawagan ng mga magulang ni Lawrence.
02:00Magulang po ang dapat managot kung hindi ang 14-year-old.
02:03Dahil hindi po biro ang ginawa niya.
02:06Nakapatay po siya ng tatlo.
02:09Nakadisgrasya po ng maraming istudyante.
02:11Sana naman po makipag-cooperate kayo para po naman mabigyan ng hustisya yung mga anak namin.
02:20May panawagan din ang kanyang ina kay Pangulong Bongbong Marcos.
02:25Hustisya po, hustisya.
02:27Mr. President, para naman po, tumulong naman po kayo para hustisya po sa mga bata.
02:35Sana po mabigyan niyo ng pansin dahil kayo na po yung nakakataas.
02:41Bukas naman ang libing ng isa pang biktima ng pamamaril na si Ayesa Nicole Dazo.
02:47Samantalang sa Huwebes, ang libing ng pangatlong biktima na si Joyan C. Separa.
02:53Mula sa GMA Regional TV, Niko Sireno, Nakatuto 24 Horas.