Skip to playerSkip to main content
  • 4 months ago
Ang P85 wage hike sa Metro Manila ay 'historic,' ayon sa DOLE, dahil ito raw ang pinakamataas na dagdag-sahod sa kasaysayan ng NCR.

Pero matapos ang inflation at walang humpay na taas-presyo ng mga bilihin, sapat pa kaya ang halagang 'yan para matustusan ang pangangailangan ng pamilyang may 5 miyembro?

Panoorin ang report ni Bernadette Reyes.

Category

🗞
News
Transcript
00:0085 pesos kada araw ang dagdag sa sahod ng minimum wage earners sa Metro Manila.
00:07Tinatayang 1.1 million na mga manggagawa ang makikinabang dito.
00:12At may dagdag pa raw na 1.9 million na workers ang posibleng tumaas din ng sahod dahil sa wage
00:18adjustment.
00:19Ayon sa Department of Labor and Employment, ang 85 pesos na dagdag sahod ang pinakamalaking umentong naaprubahan sa NCR.
00:28Bago nito, 50 pesos ang pinakamataas na wage hike sa NCR at ipinatupad ito noong July 2025.
00:36Ang bigaya ng 85 pesos na umento, hahatiin sa dalawa.
00:41Sa July 19, 2026 ang unang tranche.
00:46At sa January 20, 2027 naman ang ikalawa.
00:49Ang 695 pesos per day na arawang sahod ng non-agricultural workers magiging 755 pesos sa July 19.
00:59At tataas sa 780 pesos pagdating ng January 20 sa susunod na taon.
01:06Madaragdagan din ang daily wage na mga nasa agriculture sector.
01:09Mga natatrabaho sa retail at service establishment na hindi hihigit sa 15 ang tauhan.
01:16At ng manufacturing firms na hindi hihigit sa 10 ang tauhan.
01:21Mula sa 658 pesos, magiging 718 pesos per day ang kanilang bayad sa July 19.
01:29At 743 pesos per day pagdating ng January 20 sa susunod na taon.
01:35Marami pong basihan yung inflation, yung pagtaas ng presyo ng kuryente, yung katpagtaas ng bilihin,
01:42at yung kakayahan ng mga manggagawa natin na magkaroon ng isang disenteng pamumuhay dito po sa Metro Manila.
01:49Kung tutuusin kumpara sa ibang ASEAN countries, hindi naman kulelat ang Pilipinas pagdating sa minimum wage high.
01:56Pero sabi ng ilang labor groups, kung inflation at taas ng presyo ng mga bilihin ang basihan ng dole,
02:02dapat mas mataas pa ang umento sa sahod, lalo tahatingin pa yan sa two gifts.
02:08Sapat nga ba ang 85 pesos na wage high para sa pamilyang may limang miyembro?
02:15Ayon sa Kilusang Mayo 1, ilang beses nang tumaas ang presyo ng langis.
02:21Sumabay pa ang dagdag singil sa kuryente at pagmahal ng mga bilihin.
02:25Kaya ay sinusulong ng KMU ang 1,200 pesos na National Daily Wage.
02:31Ang 780 pesos daw kasing inanunsyo ng dole, malayo sa 1,305 pesos na alagang anilay na kabubuhay.
02:43Batay sa pag-aaral ng Ibon Foundation as of May 2026,
02:48ang isang pamilyang may limang miyembro sa Metro Manila,
02:51nangangailangan ng 1,279 pesos kada araw on average para mamuhay sila ng disente.
02:59As of April 2026, lumalabas na ang national average na gastos kada araw ng isang pamilya
03:06nasa 554 pesos para sa pagkain,
03:10halos 88 pesos sa tubig, kuryente at gas,
03:14halos 68 pesos sa transportasyon,
03:17nasa 43 pesos sa iba panggastusin,
03:19at mahigit 28 pesos sa pang-araw-araw na pangangailangan sa eskwelahan.
03:25Dito pala ang ubus na ang bagong 780 pesos na minimum wage.
03:31Paano na raw kaya ang iba pang dapat bilhin?
03:34Batay rin sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2023,
03:40NCR ang may pinakamalaking average annual family expenditure
03:44o halagang ginagastos ng isang pamilya kada taon.
03:47Umaabot ito ng mahigit 385,050 pesos o katumbas ng 1,054 pesos kada araw.
03:57Malayo yan sa 780 pesos na bagong minimum wage sa Metro Manila.
04:02Sa pagdinign ng House Committee on Labor and Employment,
04:05isinusulo ng labor groups at ng ilang mambabatas
04:08ang umento sa sahod na 200 pesos hanggang 1,200 pesos kada araw.
04:14At napapanahon, makatwiran at makatarungan ang panawagang itaas
04:19ang minimum na sahod sa 1,200 nationwide.
04:24Bakit 1,200 nationwide?
04:26Ito ang tunay na halaga ng nakabubuhay na sahod araw-araw na manggagawa.
04:33Ayon sa Human Rights Watchdog na Amnesty International,
04:36ang living wage ay ang minimum nakita na kailangan ng isang manggagawa
04:40para matungunan ang kanya mga pangunahing pangangailangan.
04:43Ang sapat na sahod dapat nakukuha sa karaniwang working week
04:47at hindi sa labis na pagkayod,
04:49dahil ang pagkakaroon ng sapat na sahod ay bahagi ng karapatang pantao.
04:54Ako si Gunadette Reyes para sa GMA News.

Recommended