00:26Darlene Hay
00:31Pia tahimik pa rito sa labas ng Senado pero asahan daw yung mahigpit na siguridad bukas unang araw ng impeachment
00:37trial ni Vice President Sara Duterte.
00:40Ngayon pa nga lang meron ng mga nakapuesto na mga barikada dito.
00:43Samantala, ang Senado na umuupo bilang impeachment court ay naghanda raw sa mga posibilidad na pwedeng mangyari bukas.
00:54Ngayong bisperas ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, nakahanda ng mga barikada sa labas ng gate ng Senado.
01:02May nakapaskil na abiso ng mga isasarang kalsada.
01:05Mula alas 7 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi, sarado ang parehong north at southbound lanes ng Jocno Boulevard
01:11mula Seaside Boulevard hanggang Atang De La Rama Street.
01:13Handa na rin magsilbing impeachment court ang Senado para sa day 1 ng paglilitis sa Vice.
01:19Sabi ni Senate President Sherwin Gatchalian, layo nilang maging simple at madaling maunawaan ng publiko ang paglilitis.
01:27Asahan niyang mareresol ba bukas ang mga isyong lumabas sa pre-trial conference at pagkatapos lumabas ang pre-trial order,
01:33kasama kung ano ang gagawin sa selyadong kaho ng Bureau of Internal Revenue o BIR,
01:38na naglalaman ng tax returns ng Vice at asawan nitong si Atty. Manase Scarpio.
01:44Iko-consolidate lahat ng mga desisyon na yan. At I don't want to pre-empt, lalo na Senate President tayo.
01:51So I'll leave that to the discussion.
01:53Nasa atin pa yung kahon ngayon, in custody ng Senado. Pero ebidensya kasi yan eh.
01:59At dapat yung mga ebidensya na sa custodya yan ng prosecution or defense.
02:04Si Sen. Bam Aquino, pabor na isa publiko yan.
02:07Magpa-file po tayo ng motion to release all presented evidence to the public.
02:12Muling sinabi ni Sen. Ping Laxon na hindi saklaw ng impeachment court ang pagpapasya sa estado ng selyadong kaho ng
02:19BIR.
02:20Senate President ang otomatikong umuupo bilang presiding officer sa ilalim ng rules ng Senado.
02:25Pero pwede siyang palitan sa boto ng mayorya base sa inamiendahang rules noong June 3.
02:30Pinalutang ni Laxon ang pangalan ni Sen. Cheez Escudero na posibleng maging presiding officer.
02:35Kung masusundan natin yung mga dokumentong iniissue, tayo yung pumipirma as presiding officer.
02:41Yung pre-trial instructions, pre-trial order, pati yung summons na pinirmahan natin para iimbitahan si Vice President Sara Duterte.
02:54Meron nga rin doong proviso na ang majority ay depende kung anong sitwasyon, pwede rin silang pumili ng iba.
03:04Bukas, inaasahan ang opening statements ng prosecution at defense.
03:08Actua trial will be on Tuesday. So yun naman rin ay napag-usapan rin.
03:13So sa Tuesday, mag-uumpis sa magpatawag ng mga testigo, maririnig yung mga testigo.
03:19Doon rin natin makikita yung mga ebidensya ang ipipresenta.
03:22Sabi ni Gatchalian, inaasahan niyang walang boycott na magaganap kahit nasampulang ang dumalo sa kokos na ginawa kaugnay sa impeachment.
03:29Importante may quorum.
03:30So, but ako nakikita ko mag-attend naman ang lahat kasi nga parte toto ng ating trabaho.
03:40Hindi binanggit ni Gatchalian kung nag-abisong dadalo ang nagtatagong si Sen. Ronald Bato de la Rosa.
03:46Binubuno naman ni Sen. Jingoy Estrada ang ipinataw sa kanyang preventive suspension dahil sa kinakaharap na kasong plunder at graft.
03:53Pinagahandaan ng Senado ang lahat ng posibilidad kabilang ang posibleng paglalabas ng arrest warrant laban kay Sen. Rodante Marcoleta na
04:02may kasong plunder sa Sandigan, Bayan.
04:04Ayoko ipre-empt yung mangyayari no, unclear naman kay Sen. Marcoleta dahil nga nasa korte to at mayroon pang remedy
04:11siya.
04:11Hanggang kanina, walang abiso ang bisay kung dadalo siya bukas.
04:15Bukas sa publiko ang impeachment trial.
04:17Sa session hall, 61 seats ang ilalaan para sa general public na personal na susubaybay sa paglilitis.
04:24Alas dos ang hapon kanina binuksan ng registration para dyan.
04:27Nakalatag na rin ang siguridad sa palibot ng Senado.
04:30May inaasahan din mga kilos protesta ng mga taga-suporta at kritiko ng BICE tulad ng tindig Pilipinas na isa
04:37sa mga nagsampa ng impeachment complaint sa BICE.
04:40Bilang isang opisyal na hinalal ng napakaraming milyon-milyong Pilipino, sana ipaliwanag niya sa wakas itong mga anomalya.
04:47Sana ikwento niya na maayos yung kanyang panig para magkaroon po tayo ng malinaw na hatol dito sa mga kaso
04:52niya.
04:57Pia para sa mga motorista, sa Makapagal Boulevard muna yung alternatibong daanan tuwing may impeachment trial kagaya bukas.
05:05Para naman, doon sa mga lalawak sa kilos protesta, bawal na pong mag-rally sa harap ng gate ng Senado.
05:11Papayagan na lang kayo sa southbound ng Jocno Boulevard kung saan ako nakatayo ngayon.
05:15Yan ang latest mula rito sa Pase City, balik sa Yopia.
05:19Maraming salamat, Darlene Kai.