00:00Inaresto na si Sen. Rodante Marcoleta sa kasong Plunder na nagkakahalaga ng 75 million pesos.
00:09Nauna ng hiningi ni Marcoleta na i-dismiss ang kaso pero ang sabi ng Sandigan Bayan kanina,
00:16nakakita sila ng probable cause sa kasong isinampan ng ambudsman na nakatutok si Maki Pulido.
00:26Nang magpunta si Sen. Rodante Marcoleta sa Sandigan Bayan pasado alas 8 ng umaga,
00:32handa na pala ang warrant of arrest laban sa kanya para sa kasong Plunder.
00:36Kaugnay ito ng pagtanggap niya ng 75 million pesos mula kay dating Congressman Mike Defensor
00:41at dalawang ibang individual noong January 2025 para sa kanyang senatorial campaign.
00:47Hindi niya ito idineklara sa kanyang statement of contributions and expenditures
00:51dahil nakuha daw niya ito bago pa ang simula ng campaign period kung kailan hindi pa siya itinuturing na kandidato.
00:59Pero giit ng ombudsman, hindi rin niya ito idineklara sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth.
01:06At masyado raw malaking halaga para ituring na simpleng regalo lang, lalot nakaupo siya noon bilang kongresista.
01:14Mag-isang dumating si Marcoleta para sa pagdinig sa inihain niyang motion to quash o pagbasura ng kasong Plunder.
01:20Kasabay nito ang mosyon na huwag munang mag-issue ng warrant of arrest.
01:24Pero sa hearing, sinabi ng mga hukom ng Sandigan Bayon 3rd Division na biyernes pa ng gabi, handa ang warrant
01:30of arrest.
01:31Hindi lang daw ito inilabas dahil pa weekend na.
01:34Maliban kay Marcoleta, ipina-aresto rin ang korte ang tatlong kapwa akusado niya,
01:38kabilang si dating Congressman Mike Defensor.
01:41Ayon sa mga hukom, pinagpuyata nila ang mga dokumento at ebidensya at nakitaan nila ito ng probable cause
01:48o posibilidad na may naganap na krimen kaya nag-issue na ang korte ng warrant.
01:52Ganun pa man, pag-aaralan pa rin daw ng korte ang motion to quash na inihain ni Marcoleta.
01:57Let me stress, yung warrant of arrest does not constitute a determination of guilt.
02:05Hindi pa guilty yan.
02:07All the accused continue to enjoy the constitutional presumption of innocence
02:14until their guilt is proven beyond reasonable doubt.
02:19Pagkatapos ng hearing, dinala muna si Marcoleta sa opisina ng Clerk of Court ng 3rd Division
02:27of Arrest. Doon na siya sinundo ni na Interior Secretary John Vic Remulia
02:31at PNP Chief Melencio Nartates Jr. para dalhin sa Camp Crame para sa booking process.
02:37Paglabas ng korte, nagbigay ng pahayag si Marcoleta.
02:40Ako ay personal na nagpunta dito sa Sandigang Bayan dahil yung aming motion to quash
02:47at saka yung kalakip na motion to defer the issuance of a warrant of arrest
02:54ay kinalendar nila kagad for hearing.
02:57Itong ganito nga sa umagang ito.
03:02Ngayon, napakabendang indikasyon yun na umiral ang ating mga batas.
03:08Ang sabi ng Sandigang Bayan,
03:10meron na silang determination of probable cause.
03:14Kaya sila nag-issue ng warrant of arrest.
03:17Iga lang natin yun.
03:19Kaya meron naman kaming motion to quash, pinagbigyan naman yun.
03:22At alam ko naman, yun ay bibigyang daan pa rin.
03:26Pagpunta ko rito, inaasahan ko na lahat ang mga prosesong gagawin ng korte.
03:31Kagaya ng sinabi ko sa inyo, ako ay hindi magtatago.
03:35Aharapin ko ang batas, ang asunto,
03:39sangayon sa pagkakaintindi ko sa mga batas natin.
03:42Kaya kailangan pong duma ng proseso.
03:46Pagkaaresto kay Marculeta,
03:48nagpost sa Facebook ang kapwa-akusado niyang si dating congressman Mike Defensor.
03:52Kami na lumalaban sa korupsyon,
03:54ang nauna pang nakulong sa isang kasong walang batayan.
03:57Bago magtanghali, sinabi ni Secretary Remulia na inaresto na rin si Defensor
04:02at negosyanteng kapwa-akusadong si Joseph Espiritu
04:05habang magkasama sila sa isang coffee shop sa Quezon City.
04:08Pero sa isa pang Facebook post,
04:10sabi ni Defensor, sumuko sila, hindi inaresto.
04:14Matapos ang booking process sa Camp Crame,
04:16binala na si na Defensor at Espiritu sa Sandigan Bayan para sa return of warrant.
04:21Iniutos din ng korte na idetene ang dalawa
04:24sa BJMP Male Dormitory sa Payatas, Quezon City.
04:27Sa aming pong pagkakakulong,
04:29ay hindi na po kami makakapagsalita sa korupsyon.
04:32Nababahala raw ang korte sa mga kumakalat na maling impormasyon.
04:36Kaya't sa pambihirang pagkakataon,
04:37ay nagbigay sila ng pahayal.
04:41Iginiit ni Associate Justice Carl Miranda,
04:43chairperson ng 3rd Division,
04:45magkakaopinyon lang ang korte sa pamamagitan ng kanilang desisyon
04:48matapos ang masusing pag-aaral sa kaso.
04:51The judiciary does not decide cases based on political affiliation,
04:58public opinion, public pressure,
05:01or the passions of the moment.
05:04Again, the judiciary,
05:06the courts decide this matters only according to our constitution,
05:13the law and the evidence presented by the party.
05:17And its role is to ensure that no person is above the law.
05:23The court has no politics.
05:25Guided only, sorry for the third time, the constitution.
05:30Umapela rin si Miranda sa publiko na magtiwala sa judicial process.
05:33To the general public,
05:36I just want to say this,
05:39do not fear,
05:41do not be anxious,
05:43because the court,
05:45ang kudikatura,
05:47is here
05:47to provide a peaceful forum
05:51for the resolution of disputes
05:53inside the courtroom
05:56and not in the streets.
05:58Nag-issue rin ang Sandigan Bayan 3rd Division
06:00ng Hold Departure Order
06:01laban kay Marculeta
06:03at iba pang akusado.
06:04Makipulido na katuto,
06:0624 oras.