00:00At patuloy po ang paghanda sa posibleng efekto ng Bagyong Inday,
00:03kabilang na ang mga barangay ng madaling bahain sa Metro Manila.
00:07Isang lalaki naman ang naitalang nasawi sa Mindanao,
00:10sa gitna po ng matinding pagbaha sa maraming lugar doon.
00:14Ating saksiha!
00:20Nagnistulang dagat na ang kalsadang ito sa Talayan, Maguindanao del Sur
00:24dahil sa halos magdamag na pagulan.
00:29Lampas tao ang inabot ng pagbaha sa barangay Tambunan 1,
00:32ang mga pinilit na makatawid sa mataas na tubig,
00:35nakasuot na ng life vest.
00:39Sa parehong barangay, stranded sa bahang ilang graduating students
00:42kasama ang kanila mga magulang.
00:45Nirescue sila ng mga sundalo at dinala sa paaralan
00:47para makadalo sa graduation ceremony.
00:51Abot buhod naman ang baha sa ilang lugar sa Maguindanao del Norte.
00:55Maraming motorista ang stranded.
00:59Gumamitan ng lubid ang mga tauhan ng PDRRM o Maguindanao
01:02para ilikas ang mga naipit sa numaragasang bahang.
01:06May git-apat na raang pamilya sa buong probinsya ang inilikas.
01:11Rumagasari ng baha sa barangay Baluan sa Palimbang Sultan, Kudarat.
01:15Ayon sa mga residente, bukod sa malakas na ulan,
01:18nagpabahari ng pag-apaw ng katabing sapa.
01:22Sa bayan ng Kalamansig, nalubog sa tubig, pati ilang paaralan.
01:26Pilit nang isinasalban ang mga guro ang mga gamit sa loob ng mga silid.
01:31Sa Pigkawayan, Kotabato, tumirik ang ilang sasakyang nagtangkang tawiri ng binahang kalsada.
01:37Pinasok din ng tubig ang mga bahay.
01:40Bumigay naman ang kahoy na ekstensyon ng tulay na ito sa may tong saranggani.
01:45Ayon sa uploader ng video, dati nang may sira ang tulay pero lalo pang napinsala ng mga pagulan kahapon.
01:52Malawak din ang naranasang pagbaha sa Malaybalay City Bukidnon.
01:56Abot-tuhod ang baha sa ilang lugar.
01:59Isang residente ng barangay Managok ang naitalang nasawi.
02:02Naano din siya sir kaya yung ipugos, nga kwaon ang itubuhay nga mananap na baka, wala na niya makaya ang
02:12karan sa tubig.
02:13Ayon sa pag-asa, habagat na pinalalakas ng Bagyong Inday ang nagpaulan sa ilang bahagi ng Mindanao.
02:20Suspendido ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat sa ilang bahagi ng Davao Region, kabilang ang mga cargo vessel at maliliit
02:28na bangka.
02:29Pinaiiwas din munang lumayag ang maliliit na sasakyang pandagat sa Iloilo.
02:34Nagahanda na rin ang iba pang lugar sa bansa sa posibleng epekto ng bagyo, kabilang ang barangay Rojas District sa
02:40Quezon City, kung saan itong martes lang ay mabilis na tumaas ang baha dahil sa thunderstorms.
02:46Sa Batanes, nanguhan ang sako-sakong buhangin ng mga residente para ilagay sa bubong ng kanila mga bahay.
02:53Pabigat ang mga ito para hindi matangay ang mga bubong sakaling pumagupit ang malalakas na ulan at hangin.
02:59Nagsagawa na rin ang preemptive evacuation sa bayan ng Itbayat.
03:03Namataan na ang mga malalakas na alon sa dagat na sakop ng probinsya.
03:08Ganyan din ang sitwasyon sa Dilasag Aurora.
03:11Inililipat na ng mga mangingisda ang kanila mga bangka sa matataas na lugar.
03:15Naghahanda na rin para sa posibling epekto ng bagyo ang iba't ibang lugar sa Ilocos Norte.
03:21Sa Agdangan, Quezon, nasagi pang tatlong mangingisda, matapos masira ang kanilang bangka sa gitna ng masamang panahon sa Tayabas Bay.
03:29Ako si Vona Kinong, inyong Saksi!