00:01Dahil nga po sa hanging habagat na pinalalakas ng Bagyong Inday,
00:05nalubog sa baha ang ilang bahagi ng Maguindanao del Sur,
00:08kasunod ng malakas na buhos ng ulan doon.
00:14Kabilang sa mga binaha, ang Datodumpao Banawg Elementary School sa bayan ng Ampatuan.
00:20Pinasok ng baha ang ilang classroom doon.
00:22Ang ilang gamit inilagay sa matataas na pwesto.
00:25Pinalawig ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur ang class suspension.
00:30Ngayon pong araw.
00:31Sa barangay Tambunanuan sa Talayan, lampas tao ang baha.
00:35Pinasok na rin ang baha ang ilang bahay.
00:38Naipit sa baha ang ilang graduating student kasama ang kanilang mga magulang.
00:43Nirescue at hinatid sila ng mga sundalo sa kanilang graduation ceremony.
00:47Sa iba pang bahagi ng Talayan, nagmistulang ilog ang mga kalsada.
00:52Naging pahirapan tuloy ang biyahe ng mga motorista.
00:59Sa barangay ni Tuan, sa bayan ng Parang Maguindanao del Norte,
01:02nagmistulang namang ilog ang isang kalsada roon dahil sa baha.
01:06Ilang residente ang nirescue.
01:08Maraming motorista rin ang stranded.
01:10Nagdulot din ang pagbagal ng daloy na trapiko ang baha.
01:14Sa iba pang bahagi ng probinsya, tuloy-tuloy ang rescue operations sa mga na-trap sa baha.
01:22Naipit sa mga na-trap sa baha.