- 4 months ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:01Yung!
00:11Kahit inawat na, hindi tinigilan ng dalawang lalaki ang pangbubugbog sa isang motorcycle rider sa Marikina.
00:19Ayon sa polisya, pasahero ng rider ang babaeng sumisigaw at umaawat.
00:24Base sa embesigasyon, biglang hinarang ng umanoy lasing ng magkaangkas na lalaki ang rider.
00:29Kalaunan, naaresto ang nanakit na suspect.
00:32Nakadetain siya at nahaharap sa reklamong physical injury at malicious mischief.
00:37Wala pang pahayag sa media ang suspect.
00:40Pinagpapaliwanag din ang Land Transportation Office o LTO ang mga taong sangkot sa gulo.
00:45Ang sagupaan ng ating mga sundalo at Coast Guard ng China sa Ayungin Shoal noong 2024 na ulit ngayong araw.
00:53Dalawang sundalo natin ang nasaktan.
00:55Kinundinan ng ating gobyerno ang pangaharas ng China.
00:58Pero sagot ng Chinese Embassy, may video sila na patunay na Pilipinas ang nagsimula ng gulo.
01:04May report si Jonathan Andap.
01:10Walang humpay ang hampasan ng sagwan at baton sa videong ito ng AFP na nakunan kinin ng umaga sa Ayungin
01:17Shoal.
01:17Ang mga sundalo ng Philippine Navy sa maliit na rubber boat, Dehado,
01:21sa mas malaking motorboat na sakayang walong tauhan ng China Coast Guard.
01:25Sa gitna ng hampasan na sira ang rubber boat ng Navy, napuruhan pa sa ulo ang isa nating sundalo.
01:31Ayon sa AFP, nabingyan ito at isa pang nasaktang sundalo ng first aid.
01:36Pinag-aaralan kung kailangan silang i-medevac o medical evacuation.
01:40Dalawang tropa natin na injured.
01:42Yung isa required four stitches sa kanyang ulong, almost two inches yung haba ng kanyang sugat.
01:47Yung isa naman may mga galos, may mga bruises sa kanyang braso.
01:51Sapagkat sinasaga niya ang hampas na kanila.
01:54Ayon sa AFP, galing sa barko ng China Coast Guard na may bow number 21560,
01:59ang mga CCG personnel.
02:01Sakay ng rigid hull inflatable boat, inikutan nila at kinuna ng litrato at video
02:06ang BRP Sierra Madre na outpost ng Navy sa Ayungin Shoal.
02:10Dalawang rubber boats, sakay ang ating mga sundalo ang dineploy para itaboy ang China.
02:14Gate ng AFP, kalmado at hindi confrontational ang ating pagpapaalis.
02:19Pero sino unang nang hampas?
02:21Yung China Coast Guard personnel.
02:23Makita naman natin sa video, marami siyang humahampas.
02:26We're purely defensive.
02:28Na pangsanggal lang para huwag na siya matamaan.
02:31Aggressive actions at assault ang tawag ng AFP sa ginawa ng China Coast Guard
02:36na nagpahamak sa ating mga sundalo.
02:38At nagpalala sa sigalot sa West Philippine Sea.
02:41Panawagan ng AFP sa China, itigil ang iligal, agresibo at mapandin lang na kilo sa West Philippine Sea.
02:47At sumunod sa 2016 Arbitral Award na nagpatibay sa karapatang pandagat ng Pilipinas
02:53na rin sunod sa international law.
02:55Sabi ng ating Department of Foreign Affairs,
02:56anumang karahasan laban sa ating mga tauhan ay hindi katanggap-tanggap.
03:00Ang Chinese Embassy naglabas ng video ngayong gabi
03:03para patunayang ang mga sundalong Pinoy ang nang-udyok at unang nang-atake.
03:08Pero sa artikulo ngayong araw ng Global Times, isang state-owned newspaper ng China.
03:13Sinabi ng China Coast Guard na habang nagsasagawa raw sila ng routine patrol sa Ren Aijiao,
03:19ang tawag nila sa Ayungin Shoal.
03:21Nag-deploy ng dalawang rubber boat ang BRP Sierra Madre,
03:24na tinawag nilang Illegally Grounded Vessel No. 57.
03:29Sa kabila raw ng mga babala nila,
03:31matulin at walang habas daw na lumapit ang mga bangka ng Pilipinas
03:35sa kanilang patrol vessel paraan nila ipalibutan at banggain
03:38mga Pinoy raw ang unang nanghampas gamit ang sagwan at patpat.
03:43Dagdag nila, binabaligtad ng Pilipinas ang istorya.
03:47Nanawagan sila sa Pilipinas na itigil ang ating umanong pangihimasok,
03:51panguudyok at pagpapakalat ng maling impormasyon.
03:54Noong June 17, 2024,
03:56mas malala ang ginawang pangaharas ng China Coast Guard
03:58sa resupply mission noon.
04:01May dalapang palakol ang isang CCG personnel.
04:04Armado rin sila ng patalim na pinangsaksak sa mga bangka ng ating tropa.
04:08Nanungkit sila ng itim na bag sa bangka ng Pilipinas.
04:11Laman ng mga baril at cellphone ng mga sundalo.
04:14Gumamit pa sila ng laser na pangsilaw at tear gas.
04:17Sa gitna ng panggigipit ng China,
04:19naputulan ng hinlalaki
04:21si seaman first class underwater operator Jeffrey Facundo.
04:25Pati medevac sa kanya noon,
04:27pahirapan dahil sa pangaharas ng China.
04:30They don't speak of what the Chinese Communist Party has been saying,
04:35that they are for the peaceful rise of China.
04:39Their actions on the ground show otherwise.
04:42Jonathan Andal, GMA News.
04:45Bago ngayong gabi, walang face-to-face classes
04:47sa public and private schools bukas, July 21,
04:50sa Pateros, mula preschool hanggang senior high school.
04:53Via alternative mode of learning muna ang mga klase.
04:56Ayon sa lokal na pamahalaan,
04:58bunsod yan ng mga kumakalat na bomb threat sa social media.
05:01Yan din ang dahilan,
05:02kaya suspendido ngayong araw ang klase
05:04sa Pateros National High School
05:07at Pateros Elementary School.
05:09Patuloy ang koordinasyon ng LGU sa polisya,
05:12school heads, district supervisors,
05:14at parents, teachers association
05:16para ma-verify at masuri ang sitwasyon.
05:26Day 7 ng impeachment trial
05:29ni Vice President Sara Duterte.
05:30Taugnay sa reklamong unexplained wealth.
05:33Ipinasabpina ng impeachment court
05:35ang bank records at tax records ng BICE
05:37at asahong si Atty. Manassez Carpio.
05:40Hindi naman kasamang pinasasabpina
05:42ang mga dokumento sa ilang foreign currency accounts
05:44at ilang korporasyon.
05:46May report si Ian Cruz.
05:51Kailangan mula sa unang araw
05:53ng paglingkod ng isang lingkod bayan,
05:55yung kanyang final nasal
05:57and lahat ng mga kinita niya
05:59ay makita natin.
06:00Ang tanong namin,
06:02saan ba dito yung relevant or material?
06:05Kasi lahat na po ng records,
06:07hiningi eh.
06:08Ang tagisan ng opinion
06:09at legal na basihan
06:11kung dapat bang ipasubina
06:13ang bank records
06:13ng magkasawang Vice President Sara Duterte
06:16at Atty. Manassez Carpio
06:18mula 2007 hanggang 2021.
06:21Dinuldukan ngayon
06:22impeachment court presiding officer
06:24Cheese Escudero.
06:25The court finds
06:26that the requested documents
06:28meet the requirements set forth above.
06:30They are reasonably described,
06:32readily identifiable,
06:34prima facie relevant,
06:35and material to relegations
06:36under Article 2.
06:37Pagdidiin ang impeachment court,
06:39hindi talaga maihiwalay
06:40ang bank accounts na mag-asawa.
06:42Pero tanging peso,
06:43denominated bank records lang
06:45ang saklaw ng Sabina.
06:47Foreign currency deposits
06:49are governed by
06:49Republic Act No. 6426,
06:52particularly Section 8,
06:53which recognizes only one exception
06:56to confidentiality,
06:57the written permission
06:58of the depositor.
07:00So far as the request
07:01covers foreign currency deposits
07:02of the respondent,
07:03her spouse,
07:04separately or jointly,
07:05as well as the corporation
07:06and partnership,
07:07it is denied.
07:08Such accounts shall be excluded
07:10unless and until written consent
07:12of the respective depositors
07:14is produced.
07:15May go-signal na rin ng korte
07:17na ipasabi na ang bank accounts
07:19ng labinsyam na iba pang kumpanya
07:21ang datos ng paglabas-masok
07:24ng pera sa bank accounts
07:25ang mag-asawa
07:26mula sa Anti-Money Laundering Council
07:28at ang record ng Bureau of Internal Revenue,
07:31ng income tax returns,
07:33ng BSE at ng kanyang umano'y negosyo.
07:36Kayon man, sabi ng korte,
07:37The court will only allow these records
07:39to be used to establish
07:40a factual baseline
07:42against which the respondent's assets
07:44financial transactions
07:45and business interests
07:47during her present term
07:48may be assessed.
07:49Hindi kasama sa mga pinapasubbina
07:52ang bank at tax records
07:54ng JTC Group of Companies
07:56at Piquimong-Piquimong Philippines Corporation.
07:59Their general information sheets
08:01do not identify the respondent
08:03or her spouse as shareholders
08:04and the prosecution at this time
08:07failed to show either
08:08a direct business interest
08:09or a clear and convincing basis
08:11to disregard their separate
08:12juridical personalities.
08:14Para sa depensa,
08:16hindi nila masasabing
08:17malaking setback ang ruling
08:18na halos lahat ng hiling
08:20na subbina ng prosekusyon
08:22ay napagbigyan
08:23pero may legal remedies
08:24na raw silang maaaring gawin
08:26kabilang ang pagdulog
08:27sa Korte Suprema.
08:46Masaya naman ang prosekusyon
08:48sa tagumpay nilang
08:50maipasubbina ang twin motion nila
08:52ukol sa AMLOC,
08:53bank records,
08:54pati na ang BIR records
08:56ng bise at asawa nito.
08:57Wala naman daw problema
08:59kung hindi pinayagan
09:00ang pagbubukas
09:01ng foreign currency deposits
09:02ng pangalawang Pangulo.
09:04Dahil sa desisyon
09:05ng impeachment court,
09:06inaasahan ng hihingi
09:07ng permiso
09:08ang BIR Commissioner
09:09kay Pangulong Marcos
09:10para ilabas ang tax records
09:12ng bise
09:13at ng kanyang asawa.
09:15We certainly would hope
09:16that he would give the authority.
09:18Wala kami nakikitang dahilan
09:19para hindi ibigay
09:21ng Pangulo
09:22yung authority
09:23or yung consent niya.
09:27Sa pagbubukas
09:28ng ikapitong araw
09:29ng impeachment trial,
09:31hindi ang pagpapasabpina
09:32sa bank
09:32o tax records
09:34si Vice President
09:34Sara Duterte
09:35ang unang inungkat
09:37ni Sen. Robin Padilla,
09:38kundi ang kinaharap niyang reklamong
09:40obstruction of justice
09:41sa ombudsman.
09:42Itinanggi ni Padilla
09:43ang sinabi ng ombudsman
09:45na hindi umano siya
09:45naghain
09:46ng counter-affidavit
09:47kaugnay sa reklamo.
09:49May kinalaman ng reklamo
09:50sa pagtulong niyang
09:52makaalis ng Senado
09:53kay Sen. Bato de la Rosa
09:55noong May 14.
09:56Hiling ni Padilla
09:57sa impeachment court.
09:59Piliyan siya
09:59ng pagkakataong
10:00magpaliwanag.
10:01Pero umalma
10:02si Sen. Irwin Tulfo.
10:04Hindi daw dapat
10:05ginagamit ang oras
10:06ng impeachment court
10:07para sa mga isyong
10:08walang kinalaman
10:09sa bisip.
10:10Sa sesyo
10:11ng Senado Rao,
10:12dapat pinag-uusapan
10:13ang iba pang isyo.
10:15Sabi naman
10:15ni Assistant Ombudsman
10:16Nico Clavano,
10:17wala sa sistema nila
10:18ang sinasabing
10:19counter-affidavit
10:20ni Padilla.
10:21Tugon dyan
10:22ang abogado
10:23ni Padilla,
10:23hawak nila ang
10:24original copy
10:25ng inihain nila
10:26ang counter-affidavit
10:27at meron itong
10:28official stamp
10:29na natanggap ito
10:29ng Office of the Ombudsman
10:31noong July 9.
10:33Hanggang ngayong gabi,
10:35may pila pa rin
10:35sa ilang gasolinahan
10:37ng mga motorist
10:37ang humahabol
10:38para magpakarga
10:39bago ang
10:40mega oil price
10:41hike bukas
10:42at panggaman na naman
10:43ngayon
10:44na patataasin yan
10:45ang presyo
10:46ng mga bilihin.
10:47Darito ang report.
10:51Siyam na gabi
10:52ng sunod-sunod
10:53na binobomba
10:53ng Amerika
10:54ang Iran.
10:55Ayon sa
10:56U.S. Central Command,
10:57layo nilang
10:58pahinain
10:58ang military capability
10:59ng Iran
11:00na ginagamit
11:01daw nila
11:01sa pag-atake
11:02sa mga barkong
11:02dumaraan
11:03sa Strait of Hormuz.
11:04Bilang ganti,
11:06pinatake naman
11:06ang mga
11:07U.S. military asset
11:08sa iba't-ibang
11:09bansa sa Middle East.
11:11Dahil patuloy
11:12ang hidwaan
11:13sa Middle East,
11:14umalagwa na naman
11:14ang presyo
11:15ng petrolyo
11:16sa world market.
11:17Kaya bukas,
11:18halos 11 pesos
11:19ang pwedeng itaas
11:20ang presyo
11:20kada litro
11:21ng diesel,
11:22lagpas 11 pesos
11:23sa kerosene
11:23at halos 4 pesos
11:25sa gasolina.
11:26Maximum,
11:27hindi pwedeng lumampas
11:28dyan
11:28ang increase.
11:30Parang bumabalik tayo
11:31sa umpisa na naman.
11:33Pila-pila ulit
11:34ang ilang motorista
11:35sa mga gasolinahan
11:36para sa amin,
11:38medyo malaki din eh.
11:40Kasi kung,
11:42let's say,
11:4210 pesos
11:42akit bukas,
11:44di maana yan,
11:46mapapile up siya.
11:47Yung ibang gasolinahan,
11:48misang wala na,
11:49misang puno na,
11:51kaya
11:52nagbakasakali ako
11:54Pagtitiyak ng Department
11:55of Energy,
11:56sapat ang supply
11:56ng langis sa bansa.
11:58We are still
11:59above our
12:01legally required
12:02na 30 days.
12:04Umaabot na tayo
12:05ng halos 46 days
12:06ng storage.
12:09May 10 piso
12:10kada litrong discount
12:11pa rin daw
12:12sa mga pampublikong
12:13sasakyan.
12:13Pero di sapat yan
12:14para sa grupong
12:15Manibela.
12:16Magtitigil pasada
12:17ulit sila
12:18kontra Mega Oil Price Hike.
12:20At imbis sa pisong taas
12:21pasay na suportado
12:22ng LTFRB,
12:24dalawang pisong
12:24fair increase
12:25ang gusto nila.
12:26Kasi nga,
12:27yung losses pa namin
12:29noong
12:30Marso
12:31hanggang ngayon
12:32ay
12:32hindi pa rin kami
12:33nakaka-recover dito.
12:35Kaya,
12:35sana,
12:36mapagbigyan tayo
12:37ng ating Pangulo.
12:38Pero para sa grupong
12:39Pasang Mazda,
12:40hindi tigil pasada
12:41ang solusyon.
12:42Ito po
12:43e pandahindig
12:44ang problema.
12:45Kanya
12:45strike,
12:46hindi po
12:47makatutulong
12:48hindi makapapabigat
12:49pa ito
12:50sa anilang alap buhay
12:51at sa buhay
12:52ng ating mga
12:52superad.
12:53Sumulat na raw
12:54sa Pangulo
12:55ang Pasang Mazda,
12:56Altodap
12:56at Busina
12:57para sa hirit nilang
12:58pisong taas-pasahe.
13:00Pati presyo
13:01ng ilang bilihin,
13:02pinangangambahan
13:03ding tumaas.
13:04Hindi lang dahil
13:04sa oil price hike.
13:06Pagdaan mo,
13:07there's a salary,
13:09minimum wage hike
13:10very soon.
13:12And then
13:13electric costs
13:14are going to be
13:15go up also.
13:16and then
13:17dollar exchange rate
13:18for the
13:19imported raw materials.
13:20Sabi ng Department
13:21of Trade and Industry,
13:23wala pa namang
13:23manufacturer na humihirit
13:25ng taas presyo.
13:26Para maibsan
13:27ng kalbaryo
13:27ng mga
13:28mahihirap na Pilipino,
13:29sinimulang
13:30ipamahagi
13:30ng DSWD
13:31ang 2,000
13:32pisong ayuda
13:33sa ilalim
13:33ng Unified Package
13:34for Livelihood,
13:35Industry,
13:36Food,
13:37and Transport
13:37o Uplift Program.
13:39Target ang programa
13:40na makatulong
13:40sa mahigit
13:417 milyong pamilya
13:42na pinakanangangailangan
13:43daw ayon sa
13:442024 Census
13:45ng Philippine
13:46Statistics
13:46Authority
13:47o PSA,
13:48Community-Based
13:49Monitoring System.
13:50Umaalman naman
13:51ang ilang wala
13:52sa listahan
13:52dahil nangangailangan
13:54din naman daw sila.
13:54Kung sakali po sana
13:56na mabigyan po siya
13:58ng ganang tulong,
14:00bibili niya po sana
14:01ng maintenance niya po.
14:03Sa pagtutulungan po
14:04sa LGU,
14:05hahanapin sila
14:06at eventually
14:07magkakam up po kami
14:08ng iba pang mekanismo
14:10para malaman
14:11ng taong bayan
14:11kung sila ba
14:12ay beneficiary
14:14ng Uplift Assistance.
14:15So yun po,
14:17lilinawin lang po namin
14:19hindi po magdadagdag
14:20ng listahan
14:21sa Uplift
14:22kasi po
14:22yan po ay targeted
14:24yan po ay pre-identified na
14:26ayon sa PSA list
14:27na nabigay sa DSWD.
14:32Kumpiskado
14:33ang halos 2 milyong pisong
14:34halaga ng mineral ores
14:35sa Linamon,
14:37Lanao del Norte.
14:38Nabisto ang mga kontrabando
14:40sa truck na pinara
14:41dahil sa hindi pagsusuot
14:42ng seatbelt
14:43ng truck driver.
14:44Ayon sa pulisya,
14:45sinabi ng truck driver
14:46na nakadakdang dalhin
14:48sa Tagoloan,
14:49Misamis Oriental
14:50ng mga mineral ore.
14:52Bigo rin siyang
14:53magpakita
14:54ng dokumento
14:55sa mga karga.
14:57Naresto ang truck driver
14:58pati ang pahinante nito.
15:07Ikinagulat
15:08pero minahal
15:08ng netizens
15:09ang social media update
15:10ni Sparkle star
15:11James Graham.
15:14Nambighani siya
15:14sa mga video
15:15kung saan
15:16mas pinakita niya
15:17ang kanyang femininity.
15:19Sabi niya sa post,
15:20you don't have to be scared
15:21anymore.
15:22Sa video caption niya,
15:24sinabi niyang
15:24Start New Life
15:25You Always Want It.
15:28Nag-iwan din siya
15:29ng mensahe
15:30sa comment
15:30na nais niyang
15:31maging inspirasyon
15:32para maging totoo
15:34sa sarili
15:34at maging masaya.
15:36So,
15:36So,
15:37So,
15:37So,
15:37so,