00:00Wala pa man ang efekto ng inaasakang bagyo, binaha na ang iba't ibang lugar na sa Cebu.
00:06Nakatutok si Fe Marie Tumamo ng GMA Radio TV.
00:13Dahil sa walang tigil na buhos ng ulan, binaha ang highway ng barangay Tipolo sa Mandawi City, Cebu.
00:19Ang ilang motorista, lakas loob na sumuong.
00:23Ayon sa Mandawi City Hall, nagpapatuloy pa ang trabaho sa drainage system sa binahang lugar
00:29at maging sa karatig lugar.
00:43Ito rin ang sitwasyon sa ES Fortuna. Minamadali na ang de-clogging operations.
00:50Binaharin ang kahabaan ng MJ Cuenco Avenue at kalapit na mga eskinita sa Cebu City.
00:56Ilang mga sasakyan na lumusong sa baha ang namatayan ng makina.
01:01Ang lalaking ito naman, nagmagandang loob at lumusong sa baha para kunin ang mga basura na bumara sa drainage.
01:10Binaharin ang harapan ng Tejero Elementary School.
01:12May mga bata na sumuong sa tubig na abot-baywang na nila.
01:16Ang ilang stranded, nirescue ng BFP.
01:19Ayon sa pag-asa, localized thunderstorms ang nagpapaulan sa Cebu mula pa kahapon.
01:26Mula sa GME Regional TV, Femery Dumabok.
01:31Nakatutok 24 oras.