Sensitibong balita, mga Kapuso. Panibagong school shooting sa Zamboanga City ang gumulantang ngayong araw. Dalawa ang nasawi, kabilang ang shooter na grade 8 student. Naka-rehistro ang ginamit niyang baril sa tatay na hepe ng customs police sa Zamboanga. Bukod sa kaso, ni-relieve na siya sa puwesto. May report si Jun Veneracion.




State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Incitibong balita mga kapuso, panibagong school shooting sa Zamboanga City ang gumulantang ngayong araw.
00:06Dalawang nasa wika bilang ang shooter na grade 8 student.
00:10Nakareistro ang ginamit ng baril sa tatay niyang hepe ng Customs Police sa Zamboanga.
00:14Bukod sa kaso, nire-leave na siya sa pwesto. May report to June Veneracion.
00:20Binasag ng mga putok ng baril, sigawan at hiyawan,
00:24ang pagsisimula ng klase kanina sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School.
00:30Agad na inilak ng ilang estudyante ang mga pinto.
00:33At sa hudyat ng alarm, naglabasan sila.
00:37Habang nagtatakbuhan palabas ang mga estudyante, dinig pa rin ang putok ng baril.
00:42Ang pamamaril, galing sa active shooter na inilivestream pa ang pagpasok at pagpapakawala ng bala sa ilang silid.
00:51Mayat-maya ang dating ng mga ambulansya.
00:54Sa labas, emosyonal ang mga estudyante.
00:57Pagkakita sa mga sumundong magulang at guardian.
01:00Tinipo naman muna sa gym ang mga batang wala pang sundo.
01:05Ayon sa mga otoridad, isang grade 10 student ang napatay.
01:09Ang shooter na grade 8, namatay din ang magbaril sa sarili pag akyat sa 5th floor.
01:15Nagpabot ng pakikiramay sa mga biktima ang Ateneo de Zamboanga.
01:18Prior to this, our security team has been preparing even for simulation exercise.
01:27Precisely because we understand the value of keeping everyone, our students and our personnel, safe.
01:35This is our primary objective.
01:38And that is why we are deeply saddened, deeply, deeply saddened by this incident.
01:45Suspindido ang klase bukas sa campus.
01:48We assure the community, not only the Ateneo, but even our schools that stronger measures are being done to protect
01:56you.
01:57Batay sa investigasyon, dala ng shooter ang isang regular pistol at isang my conversion kit, kaya nagbukang assault rifle.
02:06Sabi ng kaibigan ng shooter, pumasok siyang may dalang baril na nakakabit sa isang Ronnie kit para maging semi-automatic
02:14rifle.
02:14Kala po mga joke-joke lang yung sinabi niya, like, I will shoot the school, mga gano'n-ganon na
02:19mga jokes, no.
02:20Pero baka signs na yun po ata, tas may mga jokes pa na may baril po siya sa bahay.
02:26Palaisipan pa kung bakit siya na maril at kung paano ipinustrate sa campus ang mga armas.
02:31Titigri namin yung kanyang gaming history, kanyang chat history.
02:35So, we cannot come up with a complete answer kung ano ang complete forensic analysis kung bakit nangyari doon.
02:43Kinumpirma ng Bureau of Customs na ang shooter ay anak ng Customs Police Chief ng Port of Zamboanga.
02:49Sa kanyang nakapangalan ang mga baril na ginamit ng anak, kabilang ang kanyang service firearm.
02:55Yung baril na nagamit ay kinukonfirm ko na BOC-issued firearm yun.
03:01Yung isa ay personal firearm niya pero license siya.
03:07Sabi ng Customs, may administrative liability sa nangyari ang kanilang tauhan.
03:12Kahit naunawaan natin ang sitwasyon niya, kinakailangan din naman natin siyang tanggalin kagad sa pwesto upang magkaroon ng tamang investigasyon,
03:20upang magkaroon ng malinaw na resulta kung hanggang saan ang pananagutan niya.
03:25Ang Cybercrime Investigation Coordination Center.
03:28Mahigpit na minomonitor ang mga aktibidad sa social media.
03:32Huwag na hong i-re-post ang video kaugnay ng insidente upang hindi na rin mabigyan ng karagdagang audience
03:37o atensyon ang mga gantong uri ng karasan.
03:42Jun Veneracion, GMA News.

Recommended