Skip to playerSkip to main content
 Epekto ng habagat, posibleng umabot hanggang sa susunod na linggo dahil sa 3 bagyo sa loob at labas ng PAR


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:29Amor La Rosa
00:30Depende rin kasi yan sa magiging paghilos ng isa sa tatlong bagyo na minomonitor natin sa paligid ng ating bansa,
00:37nasa loob at nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
00:41Unahin natin yung pinakamalayo muna na sa Pacific Ocean, mahigit 3,000 kilometers sa silangan po ng northeastern Mindanao.
00:49Lumakas pa yan bilang tropical storm at tinatawag ngayon na sa international name na Saudela.
00:55Dahil matagal-tagal mabababa dito sa karagatan, hindi po malabong lalo pa itong makaipo ng lakas sa mga susunod na
01:02araw.
01:02Dahil po mainit at maraming moisture dito sa Pacific Ocean, very favorable po yan sa paglakas ng bagyo.
01:09Kalagitnaan ang susunod na linggo, posibleng dumikit o pumasok po yan dito sa Philippine Area of Responsibility.
01:15Pero pwedeng dito lang sa corner o sa may northeastern portion.
01:19Kung matuloy ang pagpasok niyan sa PAR, papangalanan po ito na bagyong obet.
01:25Pero pumasok man o hindi, posibleng pa rin itong humatak o mag-enhance ng hanging habagat.
01:30Kaya nandyan pa rin po yung banta ng mga pagulan sa susunod na linggo.
01:35Yung dalawa pang bagyo na mas malapit naman sa ating bansa, yung isa po ay nasa West Philippine Sea.
01:39Ito po yan sa kanlura ng extreme northern Luzon.
01:42Hindi ito papasok sa Philippine Area of Responsibility at sa halip ay pupunta na sa may southern China.
01:48At yung ikatlong bagyo naman, nasa loob po ng Philippine Area of Responsibility.
01:53Yan po yung bagyong neneng na huling namataan 375 kilometers northeast ng Itbayat, Batanes.
01:59Ang pag-ilis po nito sa ngayon ay pa-west-northwest sa bilis na 35 kilometers per hour.
02:06Ayon sa pag-asa, didikit o tatama po yan dito sa may northern portion ng Taiwan bukas ng gabi o
02:12sa biyernes ng madaling araw
02:14hanggang sa tuluyan na yung makalabas ng Philippine Area of Responsibility.
02:18Pagkatapos niyan, posibleng humina na ito at maging low pressure area na lamang.
02:23Ang tatlong bagyo mga kapuso ay wala pong direktang epekto ngayon dito sa ating bansa.
02:28Direct effect, ibig sabihin po yan, wala pong nakataas na anumang wind signals.
02:32Pero ang mga weather disturbance sa gaya niyan,
02:34ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay tuloy-tuloy ang pag-iral o pag-ihip nitong hanging habaga dito sa
02:40ating bansa.
02:41At nakakaranas pa rin tayo ng maulang panahon, lalong-lalong na po sa Luzon at ganoon din sa ilang bahagi
02:47ng Visayas.
02:48Base sa datos ng Metro Weather, bukas ng umaga, may chance po ng ulan sa Ilocos Sur,
02:53ganoon din po dito sa Ilocos Norte, Benguet, ganyan din sa may Pangasinan, Zambales, Bataan,
02:59iba pang bahagi ng Central Luzon, pati na rin sa Mindoro Provinces.
03:03Kung para nito mga nakalipas sa araw, medyo mababawasan o kalat-kalat na po yung mga pag-ulan na mararanasan.
03:09Halos ganyan din sa hapon pero posibleng meron ulit mga malalakas sa buhos dito po yan sa Western Sections ng
03:16Northern
03:16at pati na rin sa Western Sections ng Central Luzon.
03:20May mga panandali ang ulan na rin dito yan sa Bicol Region, pati na rin sa iba pang bahagi ng
03:26Mimaropa.
03:27Para naman sa mga taga Metro Manila, meron pa rin chance ng ulan
03:30pero pwedeng bahagyang mabawasan o mas matatagal na po yung mga break o pagitan na
03:35ramdam pa rin natin yung mga malalakas na bugso ng hangin dahil nga sa habagat.
03:40Sa Visayas naman, may chance ng ulan sa hapon dito yan sa Panay Island,
03:44Negros Island Region, pati na rin dito sa may Central and Eastern Visayas
03:47at ilang bahagi ng Mindanao, lalong-lalo na sa Karaga at sa Davao Region.
03:53Yan muna ang latest sa ating panahon mula sa GMA Weather Center.
03:57Ako po si Amor La Rosa, Servisyong Totoo ng GMA News.
Comments

Recommended