00:00Siamnapong araw ng suspendido, pero posibleng patawan pa ng maximum na parusang dismissal.
00:08Ang ama ng estudyante na Maril sa Ateneo de Zamboanga University,
00:13lumalabas sa investigasyon na naiwan niya ang mga baril niya sa sasakyan na naghatid sa shooter,
00:20kaya ito nakuha. Pero paano ito nakalusot?
00:24Sa campus security, nakatutok si Joan Veneracion.
00:31Isa sa mga tanong sa malagim na pamamaril ng isang 14-anyos na estudyante sa Ateneo de Zamboanga University.
00:38Paano niya naipasok ang ginamit ng mga baril, gayong may security inspection papasok ng eskwelahan?
00:44Lumalabas na ang ginagawang security inspection sa pedestrian gate lamang para sa naglalakad papasok.
00:51Pero nakasasakyan pumasok ang batang shooter, kaya di dumaan sa inspeksyon.
00:55So they have to review and they have to reformat their security measures.
01:02Sa embestigasyon ng pulisya, inihatid siya papasok ng driver ng kanyang amang customs police chief sa port of Zamboanga.
01:09Naiwan daw ng ama ang kanyang mga baril sa loob ng sasakyan.
01:12At pagbaba ng bata sa basement ng eskwelahan, dalala niya ang mga ito.
01:17Dapat dyan equally responsible ang gun owner.
01:20Isa sa mga baril na ginamit ng minor de edad sa pamamaril, issued ng customs sa kanyang ama.
01:26Ang isa pang baril, personal na armas naman ito.
01:29Umiiyak at humingi umano ng pasensya ang ama ng shooter, nang makausap ni Customs Commissioner Ariel Nepomoceno.
01:36Obvious naman na pabayaan niya yung baril niya.
01:38So titignan natin kung ano yung maximum na pupwede.
01:41Kasi gross neglect talaga yan eh.
01:44Ang maximum doon, dismissable offense talaga yan.
01:46Base sa investigasyon ng PNP, hindi raw bababa sa pitong bala ang ipinutok ng shooter gamit ang .40 caliber at
01:549mm pistol ng kanyang ama.
01:56Ang pamamaril, tumagal lang daw ng dalawang minuto.
01:59Ang grade 10 student Rasawi, 15 anyos lamang.
02:03Hindi pa masabi ng mga otoridad kung sadya siyang tinarget o nagkataon lang.
02:08May isa pang isudyante yung nadaprisa ng bala.
02:11Nagbaril naman sa sarili ang shooter.
02:12We're looking into the friends, we're looking into the family, we're looking into his habits.
02:21And we're looking at the physical evidence like paano ginamit.
02:26Ayos sa mga otoridad, may mga indikasyong na-influensyahan ang junior high school shooter ng online gaming platform na Roblox.
02:34Sa mga chat group o mananang platform, nangyayari ang mga pagpaplano ng karahasan.
02:39Parang naradicalize talaga yung bata.
02:42The child, according to reports, was a very exceptional student.
02:47Number one in his class.
02:50So, never had behavioral problems.
02:53So, we are going to go through all of his gadgets para ma-acertain namin na talagang ginamit niya yung
03:03Roblox para dito.
03:04Nakikipag-coordinate na ang PNP sa mga social media platform para i-take down ang mga video at litratong may
03:11kaugnayan sa pamamaril para hindi na kumalat pa.
03:15Umapila rin ang DILU sa Kongreso na magpasa ng batas na magbibigay ng mas mabigat ng parusa sa mga gun
03:21owner kapag nagamit ng iba ang kanilang baril sa krimen.
03:25Andito po ang PNP. We will keep you safe. We will do everything.
03:30June Van Arasyon, Nakatutok, 24 Horas.
03:32Tuloy ang pag-alam ng mga otoridad sa ugat ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University sa pag-asang hindi
03:39na maulit ang trahedyang kumitil sa buhay ng dalawang minor de edad.
03:44Bukod dyan, ang malalim ding sugat na iniwan sa iba pang estudyante, guro at school personnel na sinisikap na tugunan
03:52ng mga psychosocial experts.
03:55At mula pa rin sa Zamboanga City, nakatutok live si John Kansuta.
04:00John!
04:02Vicky, sinisimulo na ang psychosocial intervention para sa mga guro at estudyante na naipin sa school shooting na naganap
04:10sa loob ng Ateneo de Zamboanga kahapon.
04:18Patuloy ang pagdating ng mga nagitirik ng kandila at nag-aali ng bulaklak sa harap ng gusari ng Ateneo de
04:24Zamboanga
04:24kung saan nangyari ang malagim na pamamaril.
04:27Mahirap maintindihan kung paano aabot ang isang 14 anyos lamang na bata sa pamamaril ng kanyang mga kaiskwela.
04:35Ang mga nasaksihan at narinig hapon, nakaukit na sa alaala ng mga estudyante at mga kalapit na residente.
04:43Dalawang putok lang ata yun?
04:44Yung umpisa.
04:45Umpisa?
04:46Tumatakbo sila palabas.
04:47Meron, wala na ang may, wala na ang sapato, saka medyas-medyas ang tumatakbo dahil sobrang panic nila, nakalimutan natan.
04:53Sa unang, kakala namin na mga classmate, cosignation lang, pero...
04:56Walang balis.
04:57Nung umaga, bitulaan naman yun nagkira, may takot namin lakat, di namin alam anong gawin.
05:02Ang DSWD, nagsasagawa na ng post-trauma-informed care, di lang para sa mga nasaktan, kundi maging sa buong komunidad
05:10ng paaralan.
05:11Maaring physically walang galos, walang injury, pero yung daladala nilang trauma, yun yung dapat nating subay-bayan.
05:18Kaya nga sabi ko, lahat ng mga kabataan dito na nag-aaral sa Ateneo, pati yung mga pamilya, pati yung
05:23mga guro, nakikisimpat siya kami sa kanila kasi lahat sila biktima.
05:27Ang napatay ng bata, 15-anyos lamang na grade 10 student. Humiling ng privacy ang kanyang naglulok sa pamilya at
05:35tumanggi munang mabigay ng panayam.
05:37Nakipagpulong naman si Education Secretary Sani Angara sa mga leader ng Ateneo de Zamboanga University para mapag-aralan ang mga
05:44dapat gawing aksyon para mapigilan ang karahasan sa mga eskwelahan.
05:48Tang malungkot dito, hindi natin akalain talaga na mangyayari dito sa estudyante dahil mataas po ang standing siya, number one
05:54siya, parang valediktoryan po siya.
05:56So tinatanong namin yung kanyang mga teacher, parang hindi naman siya problemado.
06:01Although nagbibiro siya minsan na galit siya sa kanyang mga kasama, parang akala ng mga kamagana siya, biro-biro lang
06:08po.
06:09Sabi ng tagapagsiritahan ng Binoong Special Investigation Task Group, patuloy nilang iniimbisigahan ang mga posibleng motibo ng grade 8 na
06:16shooter.
06:16Ang ginamit niya sa pangamaril, ang mga baril ng sariling ama na nagkatrabaho sa Bureau of Customs.
06:23Nakausap na raw ito ni BOC Commissioner Ariel Nepomoceno at si Rispinde ng siyam na pong araw habang gumugulong ang
06:29imbisikasyon.
06:30Ang batas ay batas kung meron siyang pananagutan dahil yung baril niya ang ginamit, o mga baril niya ang ginamit,
06:37wala naman tayong magagawa kundi ipatupad ang batas.
06:40Kami naman po ay constant na nakikipag-coordinate sa kanila po.
06:45So ang sa atin na lang po dyan, sir, is kung tatanggapin po nila or ano yung commitment nila para
06:52makipag-cooperate sa amin.
06:54Pero kami po ay lagi po kami pumupunta sa kanila at lagi po kami nagpapakita ng aming sincerity na pabigyan
07:01po ng hostesya ang victiman natin.
07:10Vicky, base sa impormasyong ating nakuha ay nailibing na kaninang umaga ang grade 8 shooter.
07:17Samantala ay patuloy pa rin naman nagpapagaling ang ilang mga sudyante na nasaktan sa pamamaril.
07:22Samantala, Vicky ay makasagawa daw ng parallel investigation ang NBI sa nangyaring insidente.
07:29Yan ang latest. Maraming salamat sa iyo, John. Konsulta.
07:33Binalaw ni Vice President Sara Duterte ang pamilya ng biktima at mga survivor ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University.
07:42Magbigay rin siya ng mga sugestyon sa mga pwedeng gawin para sa proteksyon ng mga mag-aaral.
07:49At nakatutok si Tina Pangniban Ferret.
07:53Sa mismong campus ng Ateneo de Zamboanga University, nasawi sa pamamaril ang isang grade 10 student.
08:03Kaya nang bisitahin ni Vice President Sara Duterte ang pamilya ng biktima,
08:09kabilak sa tinalakay nila ay ang mga pwedeng gawin para sa proteksyon ng mga mag-aaral.
08:15Hindi na niya dinetalye ang iba pag napag-usapan.
08:18Hindi ko po makwento sa inyo kung ano yung napag-usapan namin dahil hindi ako nagpaalam kasi sa kanila.
08:25Pero napag-usapan namin yung mga pwede pang gawin ng ating gobyerno, ng ating mga paaralan para mas maprotektahan natin
08:35yung ating mga mag-aaral.
08:37Dinalaw rin ng Vice ang mga survivor ng school shooting.
08:41Ayon sa Vice, naisip na niya ang posibilidad na mga ganitong insidente noong sekretary pa siya ng Department of Education
08:50o DepEd
08:51dahil nangyayari rin ito sa ibang bansa.
08:53Kaya nga din po na pinalakas namin yung Learner's Rights and Protection Office o LRPO noong ako ay kalihim ng
09:03Department of Education
09:05para sila yung gagawa ng programa para number one sa anti-bullying natin, pangalawa sa sa eco-social wellness program.
09:16Mahalaga rin para sa Vice ang monitoring sa mga estudyante at personnel ng mga paaralan.
09:23Pero kung pabor ba siyang i-ban ang mga minorde-edad sa social media, sabi niya,
09:29Ang pagbabahan kasi dapat nandito sa side ng provider.
09:34So kung gagawa tayo ng batas, dapat ipagbawal natin doon sa mga platforms na mag-register yung mga minors doon
09:45sa kanila.
09:47Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.
09:53Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.