Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:08Good morning, guys.
00:30Mga kapuso, humina ngayon ang hanging habagat ayon sa pag-asa.
00:35Kaya asahan ang bahagyang pagbutin ang lagay ng panahon sa mga lugar na ilang linggo nang inuulan.
00:40Bukas hanggang Sabado, inaasahang hihina ang habagat kasabay ng paghina ng Bagyong Neneng.
00:45Bagaman mataas pa rin po ang chance ng ulan sa Ilocos Region, Zambales, Bataan at Occidental Mindoro.
00:51Asahan din ang ulan sa ilang pangpanig ng Luzon, kabilang po ang Metro Manila kahit umaaraw na sa ilang bahagi
00:58ng Kamainilaan.
01:00Pagsapit ng linggo hanggang sa mga susunod pang araw, posibleng maging aktibo muli ang habagat
01:06dahil sa magpasok sa Philippine Area of Responsibility ng Bagyong Bagyong at magpapaulan po ito ng husto sa malaking bahagi
01:14ng bansa.
01:16Ang nasabing bagyo, isa ng tropical storm at may international name na Saudel.
01:21Namataan yan, halos 3,000 km silangan ng Eastern Visayas.
01:26Habang nasa Pacific Ocean, inaasahang lalakas pa ang nasabing bagyo bilang typhoon.
01:31Sa ngayon, bahagyang nahahatak pa ng Bagyong Neneng ang habagat.
01:35Namataan po yan, mahigit 400 km hilaga ng Itbayat, Batanes.
01:40Isa pa rin itong tropical depression, taglay ang lakas ng hangin na hanggang 45 km per hour.
01:46Sa mga susunod na oras, babaybayin ang bagyo ang Eastern Coast ng Taiwan
01:50at lalabas ito ng PAR.
01:53Sa pinakahuling update ng pag-asa, ngayong umaga, hindi na nito binabantayan ang bagyo na nasa West Philippine Sea.
02:02Dahil sa patuloy na masamang panahon, lubog pa rin sa baha ang ilang lugar sa Bulacan.
02:05Gaya sa Barangay Sapang Bayan sa Kalumpit na mahigit isang linggo ng baha.
02:10Gumagamit na ang mga residente ng bangka para makalabas at makauwi sa kanilang tahanan.
02:16Maghapong babad sa tubig ang mga bankero dahil abot dibdib hanggang leeg ang baha
02:20na pinaghalong ulan, high tide at tubig mula sa Bustos Dam.
02:24Taon-taon na rin daw itong problema sa barangay.
02:27Batay sa datos ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office,
02:31mahigit sanlibong pamilya o mahigit apat na libong residente sa buong lalawigan
02:36ang inimikas sa evacuation centers.
02:40Binahari ng ilang lugar sa Metro Manila dahil sa tuloy-tuloy na pagulan.
02:45Sa Valenzuela, lubog sa tubig ang San Diego del Alcala Parish.
02:50Apektado po ang aktividad doon dahil sa abot hitang baha.
02:54Baha rin po ang katabi nitong eskwelahan.
02:57Nawawala lamang daw ang baha kapag bumuti na ang lagay ng panahon
03:01at kapag nakayanan na ng pumps na bombahin ang tubig.
03:06Sa Quezon City, lubak naman ang tumambad sa ilang motorista
03:11dahil po sa mahigit dalawang linggong pag-uulan.
03:14Naipon ang tubig sa isang bahagi ng electrical road
03:17pagkatapos na pabugsu-bugsong ulan.
03:20May mga lubak din po sa Timog Avenue malapit sa kanton ng Quezon Avenue.
03:26Nilagyan na muna yan ang plastic barrier.
03:29Ito pong mga lubak na yan para maiwasan ng mga sasakyan.
03:35Sa ibang balita, dahil daw sa selos,
03:38sugatan ang isang barker ng jeep sa Quezon City
03:40matapos siyang saksakin umano ng kanyang kaibigan.
03:43Balitang hatid ni James Agustin.
03:49Dinala sa ospital ang 40 anyo sa lalaking barker ng jeep
03:53matapos saksakin umano ng kanyang kaibigan
03:55sa barangay Commonwealth Quezon City bandang alas 8 kagabi.
03:58Ang biktima nagpapagaling pa
04:00matapos magtamo ng saksak sa kaliwang braso.
04:03Sa follow-up operation ng polisya sa Fairview,
04:06na-arresto ang 39 anyo sa lalaking sospek.
04:09Base sa imbisigasyon, nakainuman dalawa na mangyari ang insidente.
04:12Pinuntahan siya noong ating sospek sa kanyang pinagbabarkeran
04:17at kakausapin sana.
04:19Dinala siya sa madilim na bahagi ng daan
04:23tapos inundayan na siya ng saksak.
04:25Nabawi ang kutsilyo na ginamit ang sospek.
04:28Ayon sa polisya, selos ang lumalabas ng motibo sa krimi.
04:31Ayon sa aming imbisigasyon,
04:34itong biktima natin ay tinitext niya
04:36yung kursonada rin na babae
04:40nitong sospek natin.
04:42Bago sila nagkaroon ng insidente,
04:46yung pananaksak,
04:47ay pinalayas noong sospek natin
04:49yung biktima kasi iisa yung kanilang tinutuluyan.
04:53Itinanggi ng sospek na sinaksak niya ang biktima.
04:56Hindi ko po sinaksak yun.
04:58Nakahawak siyang kutsilyo,
04:59saan, dulas lang ako siya.
05:01Naganyang nakahawak siyang kutsilyo niya rito
05:03kasi nga,
05:05tanuruan niya yung anak ko magnakaw ngayon,
05:07kukumprontahin ko siya.
05:09Kala siguro makapag-ahaway ako saan yun.
05:12Kaugnay naman sa nabanggit ang polisya ng motibo,
05:15hindi totoo yun.
05:16Maharap ang sospek sa reklamong frustrated murder.
05:19James Agusti,
05:21nagbabalita para sa GMA News.
05:25Leptospirosis ang ikinaman tayo ng isang istudyante
05:28ng 17 anyo sa Navotas.
05:30Ayon sa kanyang mga magulang,
05:32nakaranas po siya ng mga sintomas ng sakit
05:34matapos makagat ng daga sa paa
05:36at maligo sa baha.
05:38Balitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
05:43Naglulok sa ang mag-asawang Leilani at Alan Espinosa
05:46matapos masawi ang kanilang 17 anyos na anak
05:50na si Justin Espinosa.
05:51Apat na araw bago ang kanyang 18th birthday.
05:55Ang dahilan ng pagkamatay ni Justin,
05:58leptospirosis.
05:59Ayon kay Leilani,
06:00nakagat ng daga sa paa ang kanyang anak.
06:03Makalipas ang dalawang linggo,
06:05naligo pa raw si Justin at mga kaibigan
06:07sa baha sa Navotas.
06:09Nakaranas daw ng mga sintomas
06:10ng leptospirosis si Justin
06:12gaya ng mataas na lagnat at rashes.
06:16Tapos kinabukasan po yun,
06:19nilalagnat na po siya.
06:21Nangihina po yung katawan niya,
06:23dinala po namin siya sa Navotas Hospital.
06:26Yung doktor po na nakausap namin,
06:28tingin pa lang po,
06:29alam na nila na leptos po.
06:31Nabigla rin kami sa pangyayari sa kanyang
06:33sa ngayon.
06:34Hindi namin makalain na abot sa ganun na
06:37sa sakit niya.
06:39Dalawang araw lang,
06:40bubligay na siya.
06:41Sa datos ng Department of Health
06:43as of August 8,
06:453,440 ang naitalang leptospirosis cases
06:49unang linggo yan
06:50nang magsimulang umulan
06:51dahil sa nooy pag yung may-may.
06:54Mas mababa raw ang datos na yan
06:55ng 35% sa naitalang cases
06:57sa parehong panahon noong 2025,
07:01pero inaasahang tatas pa ang bilang na ito
07:03sa mga susunod na araw.
07:04With the frequent heavy rain
07:08and habagat at mga bagyo,
07:10tatas pa ang ating leptospirosis.
07:12Payo ng DOH,
07:13kung lumusong sa baha,
07:15magpakonsulta muna
07:16dahil hindi lahat ay pwedeng uminom
07:18ng doxycycline.
07:20Tiniyak naman ang kagawaraan na operasyonal
07:22at sapat ang supply sa kanilang mga pasilidad.
07:25Nakahanda ang 3.1 million capsules
07:27ng doxycycline sa Central Office
07:29ng DOH,
07:30pati sa 17 Centers for Health Development,
07:33na sapat para sa pangangailangan
07:35ng mga ospital at LGU.
07:38Gabriel Gonzalez,
07:39nagbabalita para sa GMA News.
07:43Ano nga ba ang dapat gawin
07:45kung napalusong sa baha
07:46para makaiwas sa sakit
07:48tulad po ng leptospirosis?
07:50Una,
07:51ay hugasan agad ang bahagi ng katawan
07:53na nabasa ng baha
07:54gamit ang malinis na tubig at sabon.
07:58May sugat man o wala,
07:59importante ang magpatingin po kayo
08:00sa health center o ospital
08:02para maresetahan kung kailangan
08:05ng gamot kontra leptospirosis
08:07na prophylaxis o doxycycline.
08:11Paalala po ng Department of Health,
08:12hindi lahat ay pupwedeng uminom
08:14ng antibiotic na yan.
08:15Kaya,
08:16kailangan po talaga ng gabay ng doktor.
08:19Kung may sugat,
08:20mainam na takpan ang mga ito
08:22ng waterproof bandage
08:23bago pa malumusong.
08:25Kung hindi rin ho ganun kataas naman
08:26ang baha,
08:27nire-rekomenda ang pagsusuot
08:28ng bota.
08:31Doon sa first seven days
08:33nang na-expose ka,
08:36yung mga bacteria po,
08:38yung leptospira na bacteria,
08:40gumagalaw na siya sa loob
08:41ng dugo natin.
08:43Diba?
08:43So, after that period,
08:45pwede na siyang mamalagi
08:46sa mga organs natin.
08:48So, kaya pwedeng masira po
08:49yung bato natin, kidney,
08:51pwedeng masira yung atay,
08:52at pwede rin magka-infection
08:54sa ulo at sa spinal cord,
08:56yung mga meningitis.
08:57Kaya, mas mabuti na po
08:59uminom ng tabletas.
Comments

Recommended