00:00Nagsagawa ng Simpleng Misa ang pamilya at mga taga-suporta ni dating Sen. Ninoy Aquino bilang pag-unita po yan
00:07sa kanyang 43rd death anniversary.
00:10At nakatutok si Bernadette Reyes.
00:15Payak pero makabuluhan ang pag-unita sa 43rd anniversary ng pagpaslang kay dating Sen. Ninoy Aquino.
00:22Sa isang Simpleng Misa, ginunita ng pamilya at mga supporters ni Ninoy ang kanyang alaala.
00:29Naroon ang kanyang mga anak na sinabal si Aquino Cruz, Vielle Aquino D. at apo na si Kiko Aquino D.
00:36I hope nobody forgets the sacrifice and what happened during martial law. Huwag natin kakalimutan.
00:43Apat na po tatlong taon na ang nakalilipas mula ng pumanaw si dating Sen. Ninoy Aquino.
00:49Pero mensahe pa rin ang pag-asa ang nais na ipaabot ng kanyang pamilya.
00:53Paskin naghihirap tayo ngayon, sana lahat tayo huwag mawala ng pag-asa.
00:57Hindi nakadalo si Chris Aquino pero naroon ang kanyang anak na si Bimby.
01:02Hindi pa siya napapanganak noong mamatay ang kanyang lolo.
01:05Pero panawagan niya, mahalagang makilala ang papel ni Ninoy sa kasaysayan.
01:09Research. There's a lot of videos of lolo on YouTube. You'll really get to know him as a person.
01:16Just research and trust reliable sources.
01:22Isa si Ninoy Aquino sa mga kritiko ng rehymen ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
01:27Ikinulong siya nang ideklara ang martial law noong 1972 pero pinayagang pumunta sa Amerika noong 1980 para magpagamot matapos atakihin
01:37sa puso.
01:38Matapos ang ilang taong self-exile, bumalik siya sa Pilipinas noong 1983.
01:43Pero pagkalabas ng eroplano, binaril siya sa ulo habang ine-eskortan ng mga tauhan ng Aviation Security Command.
01:52Sa naiya kung saan pinaslang si Ninoy, nagkaroon din ang simpleng programa.
01:57May mga inialay na bulaklak sa marker ni Ninoy na inilipat sa arrival area ng Terminal 1.
02:03Sa mensahe naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi niyang sa pagunita kay Ninoy,
02:09pinapaalala sa atin ang katapangan ng mga Pilipino na manindigan para sa kanilang paniniwala.
02:15Tinungkoy ng Pangulo ang mga bagong hamon sa ating demokrasya, ang disinformation, pagkakahati, kawalan ng tiwala at kawalan ng pakialam.
02:26Ang legasiya daw ni Ninoy, nagbibigay lakas sa atin na harapin ang mga hamong ito.
02:32Bernadette Reyes, Nakatutok 24 Oras.