Skip to playerSkip to main content
Pag-alala sa katapangan at paninindigan ng mga Pilipino sa kanilang paniniwala--'yan ang laman ng naging mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos sa paggunita ng ika-43 anibersaryo ng pagkamatay ni dating senador Ninoy Aquino. Isa si Aquino sa mga kritiko ng rehimeng Marcos Sr., ama ng kasalukuyang pangulo.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi. .

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pag-alala sa katapangan at paninindigan ng mga Pilipino sa kanilang paniniwala,
00:05yan po ang laman ng naging mensahe ni Pangulong Bombo Marcos
00:07sa pag-unita ng 43 anibesaryo ng pagkamatay ni dating Sen. Nino Aquino.
00:13Isa si Aquino sa mga kritiko ng Rahimeng Marcos Sr., ama ng kasalukuyang Pangulo.
00:19Saksi si Bernadette Reyes.
00:24Payak pero makabuluhan ang pag-unita sa 43rd anniversary ng pagpaslang
00:29kay dating Sen. Ninoy Aquino.
00:32Sa isang simpleng misa, ginunita ng pamilya at mga supporters ni Ninoy ang kanyang alaala.
00:38Naroon ang kanyang mga anak na sinabal si Aquino Cruz, Vielle Aquino D., at apo na si Kiko Aquino D.
00:45I hope nobody forgets the sacrifice and what happened during martial law.
00:51Huwag natin kakalimutan.
00:5343 taon na ang nakalilipas mula ng pumanaw si dating Sen. Ninoy Aquino.
00:58Pero mensahe pa rin ang pag-asa ang nais na ipaabot ng kanyang pamilya.
01:03Paskin naghihirap tayo ngayon, sana lahat tayo, huwag mawala ng pag-asa.
01:07Hindi nakadalo si Chris Aquino pero naroon ang kanyang anak na si Bindi.
01:11Hindi pa siya napapanganak noong mamatay ang kanyang lolo.
01:14Pero panawagan niya, mahalagang makilala ang papel ni Ninoy sa kasaysaya.
01:19Research. There's a lot of videos of lolo on YouTube. You'll really get to know him as a person.
01:26Just research and trust reliable sources.
01:31Isa si Ninoy Aquino sa mga kritiko ng rehymen ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
01:37Ikinulong siya nang ideklara ang martial law noong 1972 pero pinayagang pumunta sa Amerika noong 1980 para magpagamot matapos atakinin
01:46sa puso.
01:47Matapos ang ilang taong self-exile, bumalik siya sa Pilipinas noong 1983.
01:53Pero pagkalabas ng eroplano, binaril siya sa ulo habang ine-eskortan ng mga tauhan ng Aviation Security Command.
02:02Sa naiya kung saan tinas lang si Ninoy, nagkaroon din ang simpleng programa.
02:06May mga inialay na bulaklak sa marker ni Ninoy na inilipat sa arrival area ng Terminal 1.
02:12Sa mensahe naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,
02:16sinabi niyang sa pagunita kay Ninoy,
02:18pinapaalala sa atin ang katapangan ng mga Pilipino na manindigan para sa kanilang paniniwala.
02:25Tinungkoy ng Pangulo ang mga bagong hamon sa ating demokrasya,
02:29ang disinformation, pagkakahati, kawalan ng tiwala at kawalan ng pakialam.
02:35Ang legasya daw ni Ninoy, nagbibigay lakas sa atin na harapin ang mga hamong ito.
02:41Ako si Bernadette Reyes, ang inyong saksi.
Comments

Recommended