00:00Nasa evacuation center pa rin ang daan-daang residente na isang barangay sa Bacolor, Pampanga.
00:06Ang isang Pampanga LGU, mahigit dalawa na ang barangay sa probinsya ang lubog pa rin sa baha.
00:11Nakatutok si CJ Turida ng JMA Regional TV.
00:17Sumisilip na ang araw, pero ang baha sa barangay Tinajero sa Bacolor, Pampanga, hindi pa rin humuhupa.
00:24Sa resettlement site na ito, hanggang 6 na talampakan ang taas ng baha dahil dito nananatili sa evacuation center ang
00:32daan-daang residente.
00:41Sa Makabebe, may mga barangay na lubog pa rin sa baha.
00:46Maging sa masantol, mahirapan ang pagbiyahe ng mga residente dahil sa taas ng baha sa ilang kalsada.
00:52May mga kalsadang hindi pa rin madaanan ng ibang sasakyan dahil sa mataas na tubig sa San Luis.
00:59Dahil sa hirap sa transportasyon, nagpatupad ang pamahalaang panlalawikan ng Pampanga at ilang local government units ng libreng sakay.
01:07Sa huling tala ng Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office,
01:11nasa 264 na barangay sa buong probinsya, ang nakararanas pa rin ng pagbaha.
01:17Mula sa GMA Regional TV, CJ Torida, nakatutok 24 oras.
Comments