00:00Tumabot sa labas ang pila sa emergency room sa San Lázaro Hospital sa Maynila
00:05sa dami ng mga nagpapakonsulta para sa leptospirosis.
00:09Ang National Kidney and Transplant Institute naman sa Quezon City,
00:12puno na rin ng mga pasyente.
00:15May unang balita si Darlene Cai.
00:20May mga sugat sa paa ang rider na si Enrique,
00:22pero kinailangan niyang lumusong sa bahas sa Bandang Visayas Avenue noong nakaraang linggo.
00:26May pasahero ako nun eh.
00:28Bali, traffic po, nagmamadali rin po siguro si customer.
00:34Kaya kinakaya ko naman na lumusong na lang po ako.
00:41Wala raw siyang bota kaya hindi naprotektahan ang kanyang mga paa.
00:44Medyo may kabarin.
00:45Sa hirap ng buhay po ngayon eh,
00:47kailangan mo magtyaga para bumiyahin, para sa pamilya.
00:53Dasal-dasal na lang po yun yung magkasalit?
00:55Oo, dasal-dasal na lang.
00:56Tumarami ngayon ang mga kaso ng leptospirosis.
00:59Ang NKTI o National Kidney and Transplant Institute,
01:03nag-anunsyo na ng full bed capacity dahil sa pagsipa ng bilang ng mga may leptospirosis
01:08at dahil na rin sa dami ng iba pang pasyente.
01:12Kaya sa ngayon,
01:13bibigyang prioridad muna ang mga mga ngailangan ng urgent at critical medical care.
01:17Lilimitahan din muna ang mga walk-in admission.
01:20Inabisuhan na muna ang mga mga ngailangan ng elective o non-emergency admission
01:24na makipag-ugnayan sa kanilang doktor.
01:26Sa emergency room ng San Lazaro Hospital sa Maynila,
01:29may fila na sa labas.
01:30Karamihan sa kanila ay magpapakonsulta para sa leptospirosis.
01:33Presently, meron ang aming emergency room capacity.
01:39Maraming mga nag-aantay na mga leptospirosis patient sa aming express lane.
01:45Presently, mga umaabot na kami around 300 to 500 percent
01:52ng capacity namin ng aming emergency room.
01:56Isa sa mga pasyente na kapila si John Mark na lumusong sa baha noong lunes.
02:01Kapilitan po kaming bumili ng mga pangangailangan.
02:06Ayon sa pagkinabukasan, bigla na lang din po ang nilagnat.
02:14Tapos yun, mga sintomas ng lepto.
02:18Apat na oras na silang nakapila rito ng kanyang bienan na sinamahan siya.
02:22Sa dami po, umuwi na nga lang po yung ibe, sumuko.
02:25Eh, total, nandito na rin po kami. Kaya talagang sacrifice po.
02:31Sa ngayon, 87 ang mga may kaso ng leptospirosis sa San Lazaro.
02:3526 dyan ay severe o iyong mga nahihirapan ng huminga at kailangan na ng dialysis.
02:41Tatlong pasyente na ang namatay sa leptospirosis mula August 19 hanggang 22.
02:45Actually, medyo alarming. Usually, ang incubation period ng leptospirosis is between 2 days up to 30 days.
02:57Kadalata, nakikita namin yung peak ng leptospirosis is within 2 weeks from insult.
03:04Doon nabibilang siya 2 weeks from August 17.
03:09Ang nakikita namin ngayon ay patuloy ng pagtaas ng aming admission.
03:14Kaya nagahanda na raw ngayon ang ospital sa lalo pang pagdami ng mga may leptospirosis sa mga susunod na araw.
03:21Malapit na raw kasing mapuno ang ospital.
03:23Ito ang unang balita. Darlene Kai, GMA News.
Comments