- 6 weeks ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
- PAGASA: 3 bagyo, nasa paligid ng bansa; Clearing operations sa mga landslide sa Baguio, nagpapatuloy; Bulkang Kanlaon, nagbuga ng abo kaninang umaga; 17-anyos na babae, patay matapos makuryente sa Brgy. San Miguel; Ilang residenteng lumikas sa evacuation centers dahil sa baha, nagkaroon ng alipunga; Nat'l Kidney and Transplant Institute, full bed capacity na dahil sa pagdami ng leptospirosis cases at mga pasyente sa emergency room; Wing van, tumagilid matapos masagi ang isang motorsiklo; rider, sugatan; DepEd: Nationwide Simultaneous School Safety Drill, ire-reschedule sa unang linggo ng Setyembre; Buhay at trabaho ng mga taga-Hagonoy, naperwisyo dahil sa bahang hindi pa rin humuhupa; Posibleng epekto ng ulan na idudulot ng Habagat ngayong linggo, pinaghahandaan ng OCD at DSWD; Ashley Rivera, Baus Rufo at DJ Jhai Ho, trio sa chikahan sa GTV talk show na "Kalurks!" na mapapanood simula September 13
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Mga kapuso, tatlong bagyo ang nakapaligid sa bansa. Base po yan sa monitoring ng pag-asa.
00:06Isa po sa mga yan ang papasok sa Philippine Area of Responsibility, anumang sandali ngayon, at hahatat ng habagat.
00:13Kaninang alas 8 na mataan ng pag-asa ang pinakamalakas sa tatlong bagyo.
00:18Ang typhoon na may international name na Saudel, 1,540 kilometers east-northeast ng extreme northern Luzon.
00:25Ang nasabing bagyo po ay papasok sa PAR at tatawagin sa local name na Obet.
00:30Posible itong maging super typhoon ayon sa pag-asa.
00:34Sa kabila po yan, walang magiging direktang epekto sa lagay ng ating panahon ang nasabing bagyo.
00:39Pero hahatakin po nito ang habagat sa mga susunod na araw.
00:43Lumakas naman na bilang tropical storm at may international name na Atsani.
00:47Ang bagyong namataan, 1,325 kilometers, silangan ng southeastern Luzon.
00:52May chance na rin itong pumasok sandali sa PAR at agad na lalabas.
00:57Ang dati namang bagyong neneng na naging low pressure area, muling lumakas bilang tropical depression.
01:03Namataan po yan, 505 kilometers north-northwest ng Itbayat, Matanes.
01:08Sa mga susunod na oras, posibleng humina ng muli ang nasabing bagyo.
01:12Ngayong lunes, habagat ang magpapaulan sa northern at central Luzon.
01:17Kasama tayo rito sa Metro Manila, Cavite, Batangas at Rizal.
01:21Mga local thunderstorm naman, ang higit na maasahan sa natitirang bahagi ng bansa.
01:29Ipinagpapatuloy ngayong araw ang clearing operation sa ilang landslides sa Baguio City dahil sa epekto ng habagat.
01:36Pansamantala kasi itong itinigil, ito pong weekend dahil sa malakas at tuloy-tuloy na ulan.
01:41Makapaldit po ang fog sa lugar kaya nag-zero visibility sa mga kalsada.
01:45Tuloy-tuloy ang paghahanda ng ilang residente ng Barangay Gisad, Surong, kung sakaling may panibagong pagguho ng lupa at aabutin
01:54ang kanilang bahay.
01:55Ilan sa 27 pamilyang apektado ng landslide ang pansamantalang nananatili sa Barangay Hall.
02:01Nagbabala rin ang mga otoridad sa Sabtang, Batanes dahil sa ilang pagguho ng lupa.
02:07Kasama rin dumausdos at humambalang sa ilang kalsada, doon ang mga bato kasunod ng patuloy na ulan.
02:14Nagsasagawa na ang clearing operations o ng clearing operations.
02:20Nagbuga ng abo ang vulkang Kanlaon kaninang umaga.
02:24Ayon sa Feebox, umabot ng hanggang 200 metro ang taas ng ibinugang abo ng vulkan mag-aalas sa east ng
02:30umaga.
02:30Sa nakalipas na 24 oras naman, dalawang ash emission at tatlong volcanic eruptions ang naitala sa Kanlaon.
02:37Nananatili sa Alert Level 2 ang vulkan.
02:40Ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer radius na permanent danger zone ng vulkang Kanlaon.
02:52Patayang isang babaeng 17 anos matapos makuryente sa kalumpit Bulacan.
02:57Sa inisyon na imbisigasyon ng pulisya, naglalakad ang biktima sa wooden planks na nagsisilbing tulay ng mga taga-barangay San
03:04Miguel sa mataas na baha, dulot ng habagat.
03:08Kwento ng kanyang ate, kukuha sana ang kanyang kapatid ng ilang gamit sa kanilang bahay para dalhin sa evacuation center.
03:15Nadulas daw ang biktima na aksidente ang napahawak sa kawad ng kuryente at nakulog sa baha.
03:21Sinagipo siya ng kanilang ama at isinugod sa paggamutan pero hindi na umabot ng buhay.
03:27Sinisisi ng ina ng biktima ang mga nakalaylay na kawad ng kuryente sa lugab.
03:32Tumangging magbigay ng pahayag ang kapitan ng barangay kaugnay sa insidente.
03:37Mga kapuso, narito ang tips ng Department of Health kung paano makakaiwas na makuryente tuwing tagulan.
03:43Bago ang baha, tanggalin po sa saksakan at ilagay sa mataas na lugar ang lahat ng appliances.
03:50Patayin ang main switch kung kinakailangan.
03:53Habang may baha naman, huwag hawakan ang anumang electrical appliances na basa o nasa tubig.
03:59Huwag lumungsong sa baha dahil po pwedeng may kuryente ito.
04:03At agad itawag sa otoridad kung may sirang kable o poste ng kuryente.
04:08Pagkatapos ng baha, umiwa sa poste at linya ng kuryente.
04:11Ipa-check po sa elektrisyan ang electrical system at tuyuin ang nabasang appliances bago gamitin.
04:22Dahil sa kabikabila at sunod-sunod na pagbaha, may mga nagkaalipungan na sa Dagupan, Pangasinan.
04:28Ang ilan sa kanila, mga residenteng lumika sa evacuation centers.
04:32Hindi daw kasi nila maiwasang lumusong sa tubig.
04:35Ayon sa Center for Health Development ng DOH Region 1,
04:38karaniwan ang fungal elements na nagdudulot ng alipunga sa baha
04:42dahil mahilig ito sa marumih at basang environment.
04:45Bukod sa alipunga, pinangangabahan din ang mga kaso ng leptospirosis sa Ilocos Region.
04:51Sa datos ng CHD1, 85 na ang tinamaan ng leptospirosis infection sa regyon simula Enero.
04:576 sa kanila ang nasawi.
05:01Sa buong bansa naman, mahigit 200 na ang namatay ngayong taon dahil sa leptospirosis.
05:06Masa sa datos ng Department of Health.
05:09Sa San Lazaro Hospital sa Maynila, pila-pilang ang mga nagpapakonsulta para sa leptospirosis.
05:16Habang ang National Kidney and Transplant Institute naman sa Quezon City,
05:20puno na ng mga pasyente.
05:22Balitang hatid ni Darlene Tai.
05:27May mga sugat sa paa ang rider na si Enrique,
05:30pero kinailangan niyang lumusong sa bahas sa band ng Visayas Avenue noong nakaraang linggo.
05:34May pasayero ako nun eh.
05:35Bali, traffic po, nagmamadali rin po siguro si customer.
05:41Kaya kinakaya ko naman na lumusong na lang po ako.
05:48Wala raw siyang bota, kaya hindi naprotektahan ang kanyang mga paa.
05:51Medyo may kabarin.
05:52Sa hiyap ng buhay po ngayon eh.
05:55Kailangan mo magtsaga para bumiyahin.
05:59Para sa pamilya eh.
06:00Dasal-dasal na lang po yun yung magkasal?
06:02Oo.
06:02Dasal-dasal na lang.
06:03Tumarami ngayon ang mga kaso ng leptospirosis.
06:07Ang NKTI o National Kidney and Transplant Institute
06:10nag-anunsyo na ng full bed capacity
06:12dahil sa pagsipa ng bilang ng mga may leptospirosis
06:16at dahil na rin sa dami ng iba pang pasyente.
06:19Kaya sa ngayon,
06:20bibigyang prioridad muna ang mga mga ngailangan ng urgent at critical medical care.
06:25Lilimitahan din muna ang mga walk-in admission.
06:27Inabisuhan na muna ang mga mga ngailangan ng elective o non-emergency admission
06:31na makipag-ugnayan sa kanilang doktor.
06:33Sa emergency room ng San Lázaro Hospital sa Maynila,
06:37may pila na sa labas.
06:38Karamihan sa kanila ay magpapakonsulta para sa leptospirosis.
06:42Presently, meron ang aming emergency room capacity.
06:46Maraming mga nag-aantay na mga leptospirosis patient sa aming express lane.
06:53Presently, mga umaabot na kami.
06:57Around 300 to 500% ng capacity namin ang aming emergency room.
07:03Isa sa mga pasyente na kapila si John Mark na lumusong sa bahan noong lunes.
07:08Napilitan po kaming bumili ng mga pangangailangan.
07:14Ayon sa pagkinabukasan, bigla na lang din po ang nilagnat.
07:22Tapos, yun ang mga sintomas ng lepto.
07:25Apat na oras na silang nakapila rito ng kanyang bienan na sinamahan siya.
07:30Sa dami po, umuwi na nga lang po yung ibe.
07:32Sumuko.
07:33Eh, tutan, nandito na rin po kami.
07:35Kaya talagang sacrifice po.
07:39Sa ngayon, 87 ang mga may kaso ng leptospirosis sa San Lázaro.
07:4326 dyan ay severe o iyong mga nahihirapan ng huminga at kailangan na ng dialysis.
07:48Tatlong pasyente na ang namatay sa leptospirosis mula August 19 hanggang 22.
07:53Actually, medyo alarming.
07:56Usually, ang incubation period ng leptospirosis is between 2 days up to 30 days.
08:05Kadalata, nakikita namin yung peak ng leptospirosis is within 2 weeks from insult.
08:12Doon nabibilang siya 2 weeks from August 17.
08:16Ang nakikita namin ngayon ay patuloy ng pagtaas ng aming admission.
08:22Kaya naghahanda na raw ngayon ang ospital sa lalo pang pagdami ng mga may leptospirosis sa mga susunod na araw.
08:28Malapit na raw kasing mapuno ang ospital.
08:31Darlene Kai, nagbabalita para sa GMA News.
08:37Huli ka mga pagpapagewang-gewang ng wing van na yan hanggang sa tumagilid sa isang kalsada sa Tigbawan, Iloilo.
08:45Ayon sa pulisya, bago ang insidente, isang motorsiklo na nagpalit ng lane ang nasagi ng wing van.
08:51Dahilan, para daw mawala ng kontrol ang driver.
08:53Ligtas ang driver at pahinatin ang wing van habang sugatan ang rider ng motorsiklo.
08:59Nagkaareglo na ang magkabilang panig ayon sa pulisya.
09:03Si Pinagpaliban ng Department of Education ang nakatakda bukas na Nationwide Simultaneous School Safety Drill for Active Attack Incidents.
09:12Ayos sa DepEd, cancelado kasi ang in-person classes sa ilang lugar sa bansa dahil sa masamang panahon.
09:18I-re-reschedule na lang daw ito sa unang linggo ng Setiembre.
09:22Dahil dito, mas makakapaghanda pa ang kagawaran at matitiyak na handa rin physically at psychologically ang mga mag-aaral.
09:30Bago nito, ipinanawagan ang Philippine Psychiatric Association at Philippine Society for Child and Adolescent Psychiatry na ipagpaliban muna ang drill.
09:38Anila, hindi daw ito nakatutulong sa kaligtasan ng mga mag-aaral.
09:43Mas mainam daw na gawin ang tabletop exercises at trauma-informed protocols.
09:59Nag-inspeksyon ang DPWH sa mga lugar sa Bulacan na laging lubog sa baha.
10:04Kabilang po dyan ang mga dike sa paumbong na nag-iba dahil sa maliraw ang disenyo at mga proyekto sa
10:11Hagonoy na ghost o hindi umano ginawa.
10:14Balitang hatid ni Bea Pinlak.
10:19May bubong man na nasisilungan. Lubog naman sa baha ang bahay ng maraming residente sa Hagonoy, Bulacan.
10:27Bugbong sarado kami. Kawa-awa po ang hindi.
10:32Bukod sa perwisyo sa buhay at hanap buhay, baha ang naging dahilan para maputol ang paa ni Angel dalawang taon
10:40nang nakalilipas.
10:42Dalawang araw itong nababad sa tubig baha na madumi.
10:46Hindi ko alam, meron akong maliit na sugat sa paa.
10:49Kung hindi ko siya ipapaputol, mamamatay ako. So I have no choice.
10:54Likas na bahay ng Hagonoy na sumasalo sa tubig mula sa Pampanga River at Manila Bay.
10:59Bahagi ng unang distrito ng Bulacan na pugad ng mga maanumalyang flood control project.
11:05Kaya ininspeksyon nito ni DPWH Secretary Vince Dizon at Cabinet Secretary Benher Abalos.
11:11Meron pong limang pumping station at prad gate na ginawa dito.
11:16Ginawa, quote unquote. Kasi ala naman talagang ginawa.
11:20Sabi pa ni Dizon, kakaunti na nga ang mga diking itinayo roon. Putol-putol pa.
11:27Yung blue, itong katitig-titing lang na ito. Putol-putol.
11:33Yan po ang nagawa lang at may mga iba pa dyan, tira-sira na.
11:38Sa paumbong, matagal nang nagiba ng mababagsik na alon ang mga dike sa Barangay Santa Cruz at Barangay Masukol
11:45na wala pang limang taon mula ng maitayo.
11:48Mali ang disenyo nito. Yung design na ganito, ito pang river dike.
11:55Hindi naman river to, dagat na to. Starting next week, aayusin na po itong...
12:01Sagot ng kontraktor ang pagpapaayos dahil sakot pa ng warranty.
12:05Pero kailangan nang magdagdag ng hexapods o yung materyales para mabasag ang malalakas na alon.
12:11We will have to fund that separately, yung hexapods. Kasi wala naman sa original na kontrata yun.
12:17Nilatag din ang DPWH ang pangmatagalang plano nila pangontra sa malawakang pagbaha
12:23sa mga mababang lugar ng Bulacan at Pampanga.
12:27Isang mega dike para di umago sa Bulacan ang tubig mula sa Pampanga River.
12:31At ang panukalang Manila Bay Coastal Defense Dike Project na dadaan mula Metro Manila,
12:37aabot ng Bulacan at Pampanga hanggang sa Bataan.
12:40Pero kailan kaya yan mararamdaman ng mga residenteng sabik na sabik ng makaahon sa baha?
12:47Hindi naman po natin masosolve ang problema ng buong hagonoy ng minsanan at overnight at biglaan.
12:55Kasama sa plano, yung pagpaprioritize ng mga areas.
12:59Doon po natin sisimulan at papaspasa natin para po kahit papano,
13:05sa susunod na tagulan, meron po tayong nakikita kahit papanong naisasalba.
13:11Sabi ni Dizon, hindi ito matatapos sa loob ng Marcos administration.
13:17Program po yan, ilang years, at sisigurado rin na po natin na meron niyang multi-year appropriation
13:23para hindi na po yan matatanggal.
13:25Napaka-importante na inventaryuhin mo lahat,
13:29ilista mo lahat para ma-identify kung ano yung pananagutan ng mga dati sa gagawin ngayon.
13:36Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA News.
13:41Pinagahandaan ang iba't ibang ehensya ng gobyerno at local government units
13:44ang posibling masamang panahon na epekto ng habagat ngayong linggo.
13:48Nakagerto ang Office of Civil Defense sa posibling pagbaha, landslide at pag-apaw ng mga ilog at sapa
13:54kung magkakaroon ng mga malalakas na pag-ulan.
13:57Payo ng OCD, maghanda ng lumikas ang mga nasa flood at landslide-prone areas.
14:03Inaasahang magpapaulan ng habagat ngayong araw at bukas
14:06at magpapatuloy hanggang Huwebes o Biyernes.
14:10Ang Department of Social Welfare and Development naman,
14:13nakikipagugnain na sa mga LGU para sa pamamahagi ng food packs
14:17sa mga pamilyang maapektuhan ng masungit na panahon.
14:28Buen naman ang latest for the week sa mga certified marites at lurkers dyan.
14:34Makitsika na sa newest GTV talk show na Kalurks.
14:40Makakasama sa linggo-linggong pag-spill ng tea si na OG Viral Queen Ashley Rivera,
14:45host and radio personality DJ Jaiho at the people have spoken
14:51celebrity peep and unfiltered podcaster Baos Rufo.
14:56Ano-ano kaya ang mga aabangan sa kalurks na mag-re-premier na this September 13?
15:04Bagong Sunday, chikahan, chismisan.
15:08Pag-uusapan natin lahat ng mga nag-trend sa social media, sa politics.
15:13Hihimayin po natin ang mga naging kwento of the past week, di ba?
15:17So kami ay magbibigay ng iba't-ibang angulo, dimension, nuance, ano-wans?
15:25I'm sure excited sila sa mga pa-blind items namin.
15:28Nako, yan ang aabang.
15:30Excited sila. Hindi lang itong mga artista, lahat ng mga sikat na personidad sa mundo,
15:34ng social media, even politics.
15:38May mga pahinang masakit.
15:39Starting September 12 naman, mapapanood every Saturday sa GMA Network ang Barangay Love Stories,
15:46ang mga tumatak na kwento mula sa Award Winikapuso radio program.
15:51Mapanood na rin sa telebisyon.
15:53Kasama pa rin si Napapadudod sa paghahatid ng mga nakakakilig at nakakaantig na kwento.
16:00Hashtag, nasa TV na, ang forever.