00:00Lumabas na misdeclared at hindi umano tama ang binayarang buwis para sa luxury car na pagmamayari ni Derek Ramsey,
00:07ayon po yan sa Bureau of Customs.
00:09At dahil diyan, posibleng mapunta ito sa pamahalaan at kalaunay ipasubasta.
00:15Paglilino ng customs, hindi ang aktor ang nag-import ng sasakyan.
00:20Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:25Matapos voluntaryong isuko sa mga otoridad ng aktor na si Derek Ramsey ang kanyang mamahaling hypercar na mula pa sa
00:34United Arab Emirates,
00:35maaaring hindi niya na ito mabawi, matapos mapag-alamang misdeclared ang sasakyan at hindi umano tama ang binayarang buwis.
00:44Bago yan, nahuli ang kaibigang negosyati ni Ramsey na si Anthony Jude Violago habang minamaneho ang sasakyan ni Derek gamit
00:53ang peking plaka.
00:55Ayon sa Bureau of Customs, hindi dapat bababa sa 35 milyon pesos ang binayarang buwis para sa luxury vehicle na
01:02ito.
01:02Pero lumalabas sa records na nasa 1.8 milyon pesos lang ang binayad.
01:07Kaya naman pinagpapaliwanag mula sa importer-broker-consignee hanggang sa mga tauhan ng BOC kung paano ito nakapasok sa bansa.
01:16Yan ay kakasuhan namin ng smuggling.
01:20Dapat 50 to 100 milyon ang halaga nito, diniklirin nila ito ng 10 milyon lang.
01:26In fact, ang diniklirin nila rito is less than 10 milyon.
01:29Paglilinaw ng BOC, hindi si Derek ang nag-import ng sasakyan.
01:33Sa katunayan, nakailang pasan na raw bago ito nabili ng aktor.
01:38Four to four and a half years niya ng pagmamay-ari itong sasakyan na ito.
01:42At he claims na buyer in good faith siya.
01:45Ibig sabihin, hindi siya nag-import nito, binili niya lang ito.
01:49Malay niya kung saan galing o paano ito pinasok ng bansa.
01:52Yun ang paliwanag niya.
01:53Ngayong araw isinilbina ng BOC kay Derek ang Warrant of Seizure and Detention.
01:58Bibigyan ang pagkakataon ng mga maaaring may kinalaman dito na magpaliwanag.
02:04Pero kung walang maipakita ang kaukulang dokumento,
02:07mapupunta ang pagmamay-ari nito sa pamahalaan at ipasusubasta.
02:12Kapag ito ay finally napapunta na sa gobyerno ang pagmamay-ari nito,
02:18yan ay i-auction din natin.
02:20Subalit, meron tayong nire-respeto, ginagalang na due process.
02:24May pagkakataon pa yung nag-import nito na napatunayan sa amin na tama ang kanilang importasyon.
02:31Pero hindi ako naniniwala dun.
02:33Dahil sa aming dokumento, ang import entry nito ay inconsistent.
02:38Iniimbestigahan na rin ang Land Transportation Office kung paano ito nairehistro.
02:44Suspendido naman ng tatlong buwan ang driver's license ni Vio Lago habang gumugulong ang investigasyon.
02:50Meron din silang haharapin sa amin sa LTO kasi yung papaano nagkaroon ng papeles.
02:57So alam naman natin na mayroong mali dun sa mga papeles na ginawa nila sa Bureau of Customs.
03:05Tapos pagdating sa amin sa LTO, na-issuehan ng ORCR.
03:10May mananagot po na empleyado ng LTO. Siguradong may matatanggal po dito at makakasuhan.
03:15Hinihingan pa namin ang bagong pahayag sina Ramsey at Vio Lago.
03:20Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Horas.
Comments