Skip to playerSkip to main content
BOC Commissioner, pinalagan ang mga ulat na may hinuhuli ang PNP-HPG na taga-BOC na nagbebenta umano ng smuggled na sigarilyo 


Pinalagan ng Bureau of Customs ang mga lumalabas na ulat na mayroon daw hinuhuli ang Philippine National Police-Highway Patrol Group na tauhan ng Customs kaya nagkaroon ng komprontasyon sa gitna ng operasyon nila ng pagsira sa mga nasabat na smuggled na sigarilyo.


Tinanggal na sa puwesto ang mga nasangot sa HPG personnel at kanilang hepe, at balak din silang sampahan ng hiwalay na kasong administratibo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinalaga ng Bureau of Customs sa mga lumalabas na ulat na mayroon daw hinuhuli
00:04ang Philippine National Police Highway Patrol Group na tauhan ng customs
00:08kaya nagkaroon ng konfrontasyon sa gitna ng operasyon nila
00:11ng pagsira sa mga nasabat na smagal na sigarilyo.
00:15Tinanggal na po sa pwesto ang mga nasangkot na HPG personnel at kanilang jepe
00:19at maalak din silang sampahanan ng hiwalay na kasong administratibo.
00:24Nakatutok si Marisol Abduraman.
00:30Nitong August 19, sinira ng Bureau of Customs sa warehouse sa Bulacan
00:34ang mga nasabat na smagal na sigarilyo.
00:37Sabi ni Customs Commissioner Arjeni Pomo Seno,
00:40sa gitna ng operasyon ito, biglang dumating
00:42ang mga tauhan ng Philippine National Police Highway Patrol Group, NCR
00:46at kinapkapan umano ang mga taga-customs.
00:49Sa naunang impormasyong nakuha ni Pomo Seno,
00:52mayroon umanong hinahabol ang mga taga-HPG.
00:54May mga identification card, naka-uniforme
00:58at yung bang pin-risk pa, kinapkapan kung may iligal daw mga barel.
01:03Ang napaliwanag nila, mayroon daw silang hinahabol
01:06at nagkamali yata at dandun daw pala sa kabilang warehouse o lugar yung kanilang hinahabol.
01:14Wala pa raw nakukuha ang opisyal na reports,
01:16sinipo Mo Seno kaugnayan ito.
01:17Pero may mga nabasa raw siyang ulat na mga taga-BOC umano ang hinuhuli ng HPG.
01:23Kung nag-sorry lang, baka okay na ako eh.
01:26Kailan biglang binagi yung naratif?
01:27Ngayon, ang naratif naman,
01:29mayroon daw talagang dalawang taga-BOC
01:31na kanilang hinuhuli doon sa tabi ng condemnation area.
01:35A certain Alex and Joy,
01:37nabasa ko lang sa reports sa media.
01:40Wala pa ako official report.
01:41Sabi pa ninyo po Mo Seno,
01:43kung mayroon man daw taga-customs na nagbebenta ng smagod na sigarilyo,
01:47siya mismo ang magkakaso.
01:49Hindi ko ito tolerate kung totoong meron nagbebenta ng mga taga-BOC
01:53ng mga sigarilyong nahuli na.
01:57Interest ko at obligasyon ko na kasuhan niyang mga yan.
02:01Dagdag pa niya,
02:02maghahain siya ng hiwalay na kasong administratibo.
02:05Tinanggal na sa pwesto ang mga nasangkot na HPG personnel
02:08kabilang na ang hepe mismo nila.
02:10It doesn't mean they were found guilty or of any wrongdoing.
02:15Ito po ay to pave the way for a fair and impartial investigation
02:20na hindi po pwedeng ma-impluensyahan
02:22nung mismo mga tao na hindi naman po maganda
02:25o hindi tama na ikaw mismo ang mag-iimbestiga sa iyong sarili.
02:29Kasama rao sa iimbestigahan kung bakit HPG NCR ang nag-operate.
02:34Kailan sila pumapasok dun sa jurisdiction pag smuggling operations?
02:39Meron po kasi na, yun nga, titignan natin yan.
02:42But of course, kung nanggaling sa highway itong, isa po yun,
02:46kung nanggaling sa highway yung what we call contraband,
02:49ay pwede yung tuloy-tuloy ng pag-operate natin.
02:53It will be inefficient kung itatawag pa nila, kung nasusundan na nila.
03:00But then again, since this was supposed to be by bus,
03:06lahat po ito titignan natin.
03:08Hindi pa raw masabi sa ngayon ng PNP kung ano talaga ang nangyari.
03:12Masusipan nila itong iniimbestigahan.
03:15Tiniyak din ang PNP na wala silang pagtatakpan
03:18at mananagot ang mga mapapatunayang nagkasala.
03:22Marisol Abduraman, Nakatuto, 24 Horas.
Comments

Recommended