00:05Update po tayo sa Day 18 na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:10May ulat on the spot si Ian Cruz. Ian?
00:16Yes, Connie, idineklara ng hostile witness ng impeachment court
00:20ang Assistant Secretary ng OVP at Assistant Chief of Staff
00:23ng nasabing ahensya na si Lemuel Ortonio
00:26dahil patuloy pa rin siyang nagdilingkod sa OVP
00:29at nasa ilalim ng supervisyon ng nasasakdal na si Vice President Sara Duterte.
00:35Si Ortonio na nga ang ikalawang hostile witness ng prosekusyon
00:39kasunod ni Gina Acosta ng dating SDO ng OVP
00:44na kahapon lamang ay natapos na ang testimonya.
00:49Si Atty. May Divina Gracia ang private prosecutor na nagtatanong kay Ortonio
00:53at nasa kabilang panig naman si Atty. Christine Ferrer ng Depensa
00:56na established na si Ortonio ay naglilingkod o naglingkod sa iba't ibang kapasidad sa Davao City
01:01noong si VP Sara ay Vice Mayor at Mayor ng siyudad.
01:05Nang manalo na Vice President noong 2022,
01:08doon na natalaga sa kanyang pwesto si Ortonio sa OVP
01:10kabilang sa kanyang trabaho ang paghahanda ng budget at ang pagpapatupad nito.
01:15Lumalabas na may kinalaman si Ortonio sa pagsagot sa liham ng Department of Budget and Management
01:20noong September 2022, nang hinga ng physical and financial plan ng OVP
01:24patungkol sa request na confidential funds noong 2022.
01:28Agos na nag-request ang OVP ng confidential funds sa DBM
01:31kaakibat ng iba pang request gaya ng pagdadagdag ng staff, duty allowance at financial assistance subsidy.
01:37Nang may mga check-in na, kabila nga si Ortonio sa may mga pirma sa pag-end cash nito
01:43kasama ni Gina Acosa si Ortonio sa pag-end cash ng confidential funds.
01:47Samantala ilang taga-house prosecution panel naman ang tinanong natin patungkol sa pagsalang
01:52ni Col. Dante Lachica sa witness stand.
01:55Ayon kaya Gina Acosa, kay Lachica niya, in-release ang confidential funds ng OVP
02:00para sa 4th quarter ng 2022 at 1st to 3rd quarter ng 2023.
02:05Pero sabi ni Public Prosecutor Representative Joel Chua, baka sa weekend pa nila ito matalakay.
02:11Ayon naman kay Representative Benny Abante kung sapat na ang mga tanong na ipukol
02:14at naisagot ni Gina Acosa sa palagay niya hindi na kailangang si Col. Lachica
02:20na maging testigo ng prosecution.
02:24Connie, nagpapatuloy pa rin ang pagtatanong ng Attorney Divina Gracia.
02:27Ito kaya Ortonio at may pinatawag din na dalawang active at isang retirado ng opisyal ng AFP
02:33pero depende pa sa paggulong ng pagtatanong kaya Ortonio
02:38kung maisasalang din ang mga AFP officials sa witness stand sa araw na ito.
02:45And muna ang latest mula rito sa Senado. Balik sa iyo, Connie.
02:48Maraming salamat, Ian Cruz.