00:00Matapos ang sunod-sunod na karahasan sa ilang paaralan,
00:03pinuna sa Senado ang pagkalat ng mga content sa social media
00:07na nagtuturo ng karahasan sa mga bata.
00:10Iniimbestigahan naman ang National Bureau of Investigation
00:12ng isang group chat o mano na mga groomer
00:15na nanghihikayat sa mga miyembro nito na gumawa ng karahasan.
00:19May unang balita si Mark Salazar.
00:24Isa sa tinitingnan ngayon ng NBI sa investigasyon nito
00:27sa malagim na pamamaril ng grade 8 na estudyante sa Zamboanga City.
00:32Meron bang target audience ang namaril na estudyante?
00:35Kaya niya ni-live stream ang insidente?
00:38Kaya ni-live broadcast yan, merong nanonood eh.
00:42May gusto siyang audience. Sino doon?
00:44It could be the groomer or kung pinakang head na no, sino doon?
00:47That's why we want to know kung sino. That's why we will profile.
00:50Ayon kay NBI Director Melvin Matibag,
00:53may namonitor silang group chat o mano na mga groomer
00:56na nanghihikayat sa kanilang mga miyembro
00:58na gumawa ng karahasan at iligal na gawain.
01:02Paglilinaw ni Matibag, inaalam pa nila kung may kinalaman ng grupo
01:05sa karahasan sa mga paaralan sa Zamboanga at Tacloban City.
01:10Libo eh. Merong mga members na ibang countries but mostly mga Pilipino.
01:15Meron silang tenants. May parang Bible sila
01:18na pag nagawa mo ito, mapupromote ka.
01:21Hindi namin nakita pa kung nga katagal.
01:23Kasi nag-collapse nga yung group.
01:25Sa Senado, pinuna ang mga social media platform
01:28dahil sa pagkalat ng mga content na nagtuturo ng karahasan sa bata.
01:33Algorithms are deciding what they see next.
01:37One video leads to another.
01:38One search leads to another community.
01:41And for vulnerable child,
01:43sometimes one click is all it takes
01:45para ma-expose sa grooming,
01:48violent content, extremist material.
01:50Kailangan bang ipost yung larawan ng batang shooter sa Zamboanga
01:55na may mga mahal din sa buhay na duguan na kailangan din bang ipakita
02:00yung mga batang perpetrator sa Tacloban shooting.
02:03Policy written on a website means very little
02:06if your algorithms and moderators
02:09allow prohibited content to be uploaded online
02:13and remain there for millions of people,
02:16including children, to see it.
02:19Ginoong Pangulo at mga kasamahan,
02:21hindi maaaring ang kita ay privado,
02:24ngunit ang social cost ng kapabayaan ay pasan nating publiko.
02:29Sasabay na raw ang Senado sa pagkilo sa buong mundo
02:32laban sa masamang epekto ng SOC-Med.
02:35Hindi man total ban ang mangyari.
02:37Dapat daw regulated ang platforms sa bansa.
02:40Yung kanilang quote-unquote mga parental controls and self-regulation
02:46hindi effective or sinasadya dahil nga nagpa-viral.
02:51Pag nagpa-viral kasi pwede mong imonetize,
02:54pwede kang kumita doon
02:55at kawawa naman po yung mga batang makakakita po doon sa mga violent pictures.
03:04Para raw mapanagot ang mga social media platforms,
03:07dapat may country representative sila rito.
03:10Importante po na ang bawat entity na iyon
03:12ay may opisina dito mismo sa Pilipinas
03:16para kung kailangan makipag-ugnain sa kanila
03:18yung mga law enforcement authorities natin,
03:21yung mga investigators natin,
03:23ay mas madali po nilang maisagawa.
03:26Ito ang unang balita.
03:28Mark Salazar, GMA News.