00:00Pasad alas 7 ng umaga, rush hour na.
00:02Silipin natin ang lagay ng trafico sa MacArthur Highway
00:05kung saan may isinasagwang roadworks ngayon.
00:08At may unang balita live si Gabriel Gonzalez.
00:12Gabriel?
00:16Susan, nakaranas na ng mabigat na trafico sa MacArthur Highway
00:20dito sa Marulas Valenzuela kung saan sakop ng roadworks
00:24ang isang linya ng southbound lane.
00:26Punuan na rin ang mga jeep na papuntang monumento.
00:31Gaya ng inaasa ng Valenzuela City Command, Control and Communication Center,
00:36mabigat na ang trafico sa magkabilang linya ng MacArthur Highway
00:39sa Marulas Valenzuela, Pasad alas 7 ngayong umaga.
00:42Punuan na halos ang mga jeep at e-jeep na dumaraan
00:45kaya hirap sumakay ang mga commuter.
00:47Nagbukas ng zipper lane ang mga tawuan ng DPWH
00:50para maibsan ang bigat ng trafico papuntang monumento.
00:53Bagyang mabagal na rin ang galaw ng mga sasakyan
00:55sa northbound lane ng MacArthur Highway
00:57sa Marulas papuntang karuhatan.
01:00Ang ilang commuter apektado ng matinding trapikong dulot
01:03ng mga pagkukumpuni sa kalsada
01:04pero naiintindihan naman daw ang layunin nito.
01:09Susan, batay dun sa nakalap nating impormasyon on the ground.
01:13Itong kinukumpuning kalsada na ito ay katatapos lang daw gawin
01:17pero binubungkal daw ito ngayon o binubutas daw ito ngayon
01:20dahil wala raw bakal.
01:21So sa ngayon, Susan, ay hinihintay pa natin
01:24o sinusubukan pa natin kunin ang pahayag ng DPWH
01:26patungkol sa detalye ng proyektong ito.
01:29At yan muna ang latest mula rito sa Valenzuela.
01:31Gabriel Gonzalez, GMA News.