- 3 months ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
24 Oras: (Part 3) Namboso gamit ang spycam; Fried eggs worms; Kelvin Miranda sa "The Master Cutter", atbp.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Nabisto ang isang lalaki na namboboso sa kanyang babaeng katrabaho.
00:06Ang gamit niya, spy camera, may tsura umanong ballpen.
00:11Nakatutok si Jomer Apresto.
00:17Tila nagvavlog sa loob ng CR ang lalaking niya na nasa video.
00:21Pero ang lalaki, nagsiset up pala ng spy camera
00:24para umanong makapamboso sa kanyang babaeng katrabaho
00:27na tumutuloy sa kanilang staff house sa Malate, Maynila.
00:30Ayon sa admin ng staff house, naliligo ang isa nilang katrabahong babae
00:34nang mapansin ang isang hugis ballpen na nakaipit sa gilid ng inidoro.
00:39Nang inspeksyon ni nila, nakita na may memory card sa loob ng ballpen.
00:43Kaya tinignan daw nila sa computer.
00:45Doon na nakita ang dalawang babae nilang katrabaho
00:47na nakuhanan sa video habang naliligo.
00:50Agad din namang natukoy ng mga empleyado kung sino ang suspect
00:53dahil makikita siya sa video habang sineset up ang spy cam.
00:57Sa pagkakilala ko po sa kanya, mabait po siya.
01:00Kaya hindi po namin siya nakitaan na parang may red flag na
01:04parang gagawin sa amin yun.
01:06Bali, mag-eight months lang po siya sa amin.
01:08Yung totoo po talaga, yung trauma nila, yung stress.
01:12Kasi sa sarili na nakita nila yung sarili nila.
01:15Hindi nila talaga isipin na may magbibidyo, may gagawa sa kanila.
01:20Agad namang isinumbong sa otoridad ang suspect na mabilis ding naaresto.
01:24Ayon sa barangay, may posibilidad na dati nang ginagawa ng suspect ang pambuboso
01:28pero ngayon lang siya nahuli ng mga katrabaho.
01:31Malamang ko na matagal niyo nang ginagamit yun.
01:37Nakakabit doon sa CR na yun.
01:40Na-inquest na kahapon ang suspect.
01:42Ayon sa polisya, iniimbestigahan na nila kung posibleng ibinibenta ba ng suspect online
01:46ang mga naturang video.
01:48Pang-personal niya lang na pong consumption, yun po ang pagkakasabi.
01:53Sinampan po natin siya ng paglabag po sa RA-995
01:56o yung Anti-Photo and Video Buyorism Act of 2009.
02:01Nasa kustodiyan ang Malate Police Station ng suspect na tumanggi magbigay ng pahayag.
02:06Sa korte na lang po.
02:07Jomer Apresto Nakatuto, 24 oras.
02:13Para maiwasan ang ganyang insidente, narito po ang ilang paalala.
02:19Ang sabi ng isang US-based cyber safety software company.
02:24Suriin ang paligid lalo na mga pader, mga sasakyan at iba pang bahagi ng silig.
02:29Sipatin din kung merong LED lights ay maliliit na ilaw sa kwarto.
02:35At gumamit din ang flashlight habang tinitignan ang mga maaaring pwedeng pagtaguan ng spy camera.
02:42Ilang pa sa mga posibleng pinagtataguan ng spy camera ay mga ilaw, appliances, salamin, pati mga dekorasyon.
02:52Pwede rin itest kung totoong salamin ba ang nasa silig.
02:56Ganito, idikit ang daliri sa salamin.
02:59At kung may makikitang gap o puwang sa pagitan, ibig sabihin ay totoong salamin ito.
03:07Two-way mirror naman ito o yung tagusang nakikita sa kabila.
03:12At posibleng may spy camera kung walang puwang sa pagitan ng daliri.
03:18At ayon sa pulisya, maaaring rin gumamit ng smartphone app o professional bug detector para suriin kung may nakakubling camera
03:29sa paligid.
03:32Tuloy ang pangamba ng ilan malapit po sa Manila Bay.
03:36Kasunod ng gust front na nagdala ng makapal na alikabok na naranasan ulit kanina.
03:41Sa tindi nito kahapon, inakala pa ng ilan na may matinding sunog.
03:45Ang latest na sitwasyon doon, tinututukan live.
03:49Yes, Emil, doble ingat nga yung mga residente at yung parating nagpupunta dito malapit sa Manila Bay, sakop ng Pasay
04:01City
04:01dahil nga sa pagkakaroon ng napakalakas na hangin kahapon, kaninang tanghali at hanggang sa mga sandaling ito.
04:13Hindi lang pinapasok ng bugso ng hangin ang kubo ng mangingis ng si Arvin Loteria.
04:19Ang hangin, tila usok o mano dahil sa alikabok na tingin nila ay mula sa mga nire-reclaim na lugar
04:25sa Manila Bay.
04:26Ganito raw ang naranasan nila kahapon matapos na magkaroon ng gust front.
04:30Na ayon sa pag-asa ay unang bahagi ng thunderstorm. Malakas na hangin ito na pwedeng mag-angat sa alikabok
04:37at iba pang particles kaya nagmumukang sandstorm.
04:42May mga reclamation activity sa Manila Bay, sakop ng Pasay, na gumagamit ng buhangin bilang panambak.
04:49Sumisilong lang kami sa kubo namin.
04:53Di kalayuan sa annex parking ng Senado, may mga nakatira naman sa makeshift na tahanan.
04:59Isa na si Mercy de la Cruz na inakala umanong may sunog kahapon nang makita ang tila makapal na usok.
05:12Ang dabawen niyang si Aisha Ibero.
05:15Natakot daw sa nakita kaya pumasok siya sa tinitirahan.
05:24Kaninang tanghali, may gas front muli na napansin sa lugar.
05:28Tuwing lumalakas ang hangin, kapansin-pansin na lumalabo ang papawirin.
05:36Emil, sinikap nga natin makuha yung panig ng Pasay City Hall.
05:41Patukol nga doon sa nangyaring gas front dito sa kanilang syudad.
05:45Pero ayon sa kanilang public information office, wala pang statements sa ngayon ang kanilang syudad.
05:51Kanina, Emil, ay malakas ang hangin pero sa mga sandaling ito ay bahagya ang pag-ambon dito sa area ng
05:58Pasay City.
05:59Yan muna ang latest mula rito sa lungsod ng Pasay. Balik sa'yo, Emil.
06:02Maraming salamat, Ian Cruz.
06:04Bumaba ang poverty incidence sa lahat ng labing walong risyon sa bansa mula 2023 hanggang 2025.
06:12Ayon sa Philippine Statistics Authority, 6.4% ang naitalang poverty incidence sa Pilipinas noong nakaraang taon.
06:20Mula yan sa 10.9% noong 2023.
06:25Ang 6.4% poverty incidence, katumbas ng 1.90 million na pamilyang Pilipino ayon sa PSA.
06:34Ang mga regyon, pinakamalaki ang ibinabang poverty incidence sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARM
06:43na naitala sa 12.8% mula sa dating 26%.
06:47Nananatili namang least poor o pinakamababa ang kahirapan sa National Capital Region na may 0.6% na poverty incidence.
06:59Pinakamataas naman sa Bicol Region na nakapagtala ng 16.8%.
07:05Pinagsisira ng mga tauha ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mayigit dalawang toneladang iligal na droga na nasabat sa bansa.
07:13Nagkakaalaga ito ng 12.34 billion pesos.
07:16Ayon sa PIDEA, ito na ang pinakamalaking volume na sinira ng ahensya ngayong taon.
07:21Pinakamarami umano sa mga ito'y shabu na galing po sa malalaking drug operation sa Valenzuela City at may maropa.
07:28Easy na ilalim ang mga iligal na droga sa thermal decomposition sa isang waste management facility sa Cavite.
07:35Kailangan operahan sa balikat at paa ang isang street sweeper matapos siyang makalagkad ng dumaang delivery truck na huli kami
07:45at tinutukan ni Darlene Kai.
07:51Nagwawales ang street sweeper na si Cora sa Valenzuela noong Martes nang dumaan ng isang delivery truck at bigla na
07:57lang siyang nakalagkad.
08:02Sa bilis at layo ng pagkakakaladkad ay humampas si Cora sa katabing poste at napunta sa kalsada.
08:08Hindi kita sa video pero sumabit pala ang truck sa isang kable na siyang humila kay Cora na isa pa
08:14namang senior citizen.
08:15Ang video nito ay binahagi ni Mayor West Gatchalian sa kanyang social media page mula sa post ni Koizki Spotted
08:21PH.
08:22Agad isinugod sa ospital si Cora na sugatan dahil sa insidente.
08:26Kinailangan siyang operahan sa balikat at naghihintay din ang operasyon sa paa.
08:30Agad namang naglunsad ng investigasyon ng LGU.
08:33We're waiting for the full investigation kung paano po napulupot sa katawan po ng victim yung wire na ho yun
08:40at paano rin po na-hook up sa bumper ng JNT without human intervention.
08:47Ang sabi ng driver, dumaan lang ho siya tapos parang nasabit at nahila.
08:52Pero ang malinaw ayon sa lokal na pamahalaan.
08:55For me, it's negligence rin ho ang pag-iwan ng mga wires na nakakalat lang ba nakasabit o nakakalat po.
09:05Bawal ho yan sa Valenzuela actually po.
09:07This is also the reason why, Darlene, in Valenzuela, we have an ordinance actually
09:12charging maintenance costs per poll sa mga utilities companies natin
09:21because we want them to be responsible.
09:24Kanina ipinatawag ng LGU ang mga kinatawa ng JNT at Meralco.
09:28Aakuin daw ng delivery company ang anumang responsibilidad sa insidente.
09:32Bukas din daw, nakatakda silang magbigay ng paunang 200,000 piso sa pamilya ni Cora para sa kanyang medical expenses.
09:38JT Express, of course, is saying na this is an accident talaga.
09:47Kasi yung the driver that was driving the truck is an experienced driver in that area, in Marulas.
09:56And kabisado niya naman po yung kalya niyon.
09:59And hindi niya rin alam paano po yung alambre nag-hook up, nag-hook sa likod ng bumper ng truck.
10:06What we found out is, number one, the poll is owned by Meralco.
10:11But the cable, which they even brought a sample, talagang, Darlene, medyo makapal yung cable, talagang matigas, solid yung cable
10:23neto.
10:25Their statement kanina during the meeting is they don't own the cable.
10:29Kaya bahagi ng investigasyon ng motoridad ay kung aling utility company ang may-ari ng sumabit na kawat.
10:34Bukod sa tulong medikal at pinansyal, nangako rin ang LGU ng legal assistance sa street sweeper.
10:40Patuloy daw mag-iikot sa siyudad ang mga tauhan ng Valenzuela LGU para siguruhin na wala nang nakalaylay na kable
10:46para hindi na maulit itong insidente.
10:48Darlene Kai, nakatutok 24 oras.
10:51Mga kapuso, nag-anunsyo po ng suspensyon ng klase bukas ang ilang lugar dahil po sa inaasahang epekto ng kabagat.
10:58Wala pong pasok sa lahat ng atas sa pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Makabebe sa Pampanga.
11:04Face-to-face classes naman ang sinuspindi sa mga bayan ng Aguilar, Binmalay, Bugalyon, Infanta at Lingayan sa Pangasinan.
11:12Gayun din sa Anggala City, San Fernando City, Magalang Santo Tomas, Minalin sa Pampanga.
11:17Wala rin face-to-face classes sa San Sibon maliban po sa Concepcion Integrated School.
11:22Suspendido rin ng face-to-face classes sa ilang paaralan sa Mexico, Pampanga dahil po yan sa Baha.
11:28Pre-school to senior high school naman ang walang pasok bukas sa Kibungan sa Benguet.
11:32Habang pre-school to elementary naman sa bayan ng Atok.
11:41Mabilis na chikalan tayo para updated sa showbiz happening.
11:46Sun's out and Andrea Torres is ready to slay.
11:49Looking extra pretty kasi si Andrea sa kanyang recent photo shoot kahit sa simpleng outfit.
11:54No white shirt at shorts.
11:58Uy! Batinas ulit sila?
12:01Mukhang nagkakamabutihan na kasi ulit si Mr. and Mrs. Cervantes play by Kylie Padilla at Luis Antiveros.
12:07Abangan niyan sa Task Force Firewall.
12:11Nakuhan ang Pilipinas sa kanilang kaunaunahang panalo.
12:14Sa Women's Baseball World Cup 2026 na ginanap sa Tainan sa Taiwan.
12:21Tinalo ng Pilipinas ang World No. 7 na Cuba at World No. 15 na Great Britain.
12:28Itinanghal din bilang player of the day si Marty Francisco.
12:32Nakatakda namang kalabanin ng Pilipinas ang Chinese Taipei at Venezuela sa mga susunod pang laro.
12:41Sa deliberasyon sa 2027 National Expenditure Program, may nasilip na agad ang isang senador na pondong kulang sa detalya ang
12:49pagagamitan.
12:50Natalakay rin ang plano ng Banco Central na Pilipinas na gumamit ng Artificial Intelligence laban po sa katiwalian.
12:57Kung paano yan?
12:58Alamin sa pagtutok ni Sandra Aguinaldo.
13:04Sa briefing ng Development Budget Coordination Committee o DBCC sa Senate Committee on Finance,
13:11tinanong ang Banko Central ng Pilipinas at ang Anti-Money Laundering Council,
13:15ano raw ba ang ginagawa nila para mas mabantayan ang korupsyon,
13:19gaya ng naranasan sa flood control anomaly,
13:22na yung bulto-bultong pondo ng gobyerno na withdraw ng ganun-ganun na lang ng ilang tiwali umano.
13:29Tugo ng BSP, gumagamit na raw sila ng Artificial Intelligence para dito.
13:35Nakita ho namin na napakadaming transaksyon na pumapasok sa bangko, lumalabas sa bangko,
13:41na hindi na didetect ng AMLOC.
13:43Nahirapan kami sa trabaho namin.
13:48Although, nakalabas naman tayo sa grade list last year, pero kulang pa rin yun.
13:54Ngayon, meron na kaming kinukuhang AI na nakakatulong sa pag-analyze,
14:01nakakahanap ng mga red flags dun sa mga STRs at mga CTR.
14:07Ang DBCC briefing ay sinasagawa bilang pagsisimula ng deliberasyon sa 2027 National Expenditure Program.
14:16Ayon kay Senate Finance Committee Chairman, Sen. J.V. Ehersito,
14:20gagawin daw nilang bukas ang deliberasyon at walang itatago sa publiko.
14:26Our mandate for next year's budget is clear.
14:29To restore the people's trust in the budget process.
14:33And ultimately, to restore their trust in government.
14:37Pero ngayon pa lang, may nasilip na si Sen. Panfilo Lacso na lump sum sa proposed budget
14:43o yung pondong kulang sa detalye kung para saan.
14:47Pero may nakita kaming 180 million each intended lump sum po ito eh
14:53kasi intended for all 17 regions, evacuation centers.
14:59Eh wala man lang naka-specify saan lugar sa region.
15:03Ilan ba yung regions na marami na evacuation centers?
15:06Walang specifics.
15:07They are still being identified by the OCD,
15:10but we'll be working with the DPWH if possible during the course of the discussion of the budget.
15:16The list can already be provided.
15:19Inusisa rin ang mga senador ang mataas na presyo ng bilihin.
15:23Ayon sa BSP, dahil sa kaguluhan sa kitang silangan,
15:26bumilis ang inflation kung kaya't dama hanggang ngayon
15:29na mas kaunti ang nabibili sa budget ng pamilyang Pilipino.
15:34Ang masaklap, aabutin daw ng dalawang taon bago ito bumalik sa dati.
15:39For 2026, inflation could average 6.4% this year.
15:45Next year, 4.5%.
15:47And then in 2028, 3.1%.
15:51So it could take a little bit time before we see inflation going back again
15:57or averaging again close to the target of 3%.
16:02Susog naman ni Sen. Kiko Pangilinan.
16:05Mas madali kung uunahing pababain pa ang presyo ng bigas para damaagad ng mga Pilipino.
16:12Rice is very special.
16:14Ang rice kasi, ang tawag namin din, salient price.
16:17Napapansin ng mga tao yung presyo ng bigas na affect yung expectations nila.
16:23Mas mabuti, itaas natin yung productivity ng ating agriculture
16:29para mas malaki ang production natin ng rice.
16:33Pagdating naman sa humi ng piso kontra dolyar,
16:36sinabi ng BSP na walang madaling solusyon dito.
16:39Kanina, nagsara na naman ang palitan ng piso
16:42sa bagong all-time law na 61 pesos at 88 centavos kada dolyar.
16:47Pwede pigilin para bumagal pero hindi kayang pigilin.
16:53Hindi kayang i-fix, hindi kayang 60 pesos, ganun lang, hindi kaya yun.
16:57Maubusan tayong reserves, maubusan tayo ng dollars.
17:02Pero kung mga mabagal, hindi naman masyadong inflationary.
17:05Pero sana lumakas ang exports natin, kulang na kulang eh.
17:10Isa raw sa nakikita ng mga opisyal na pag-asa sa hinaharap,
17:14ang kontrobersyal na Pax Silica Project na itatayo sa New Clark City.
17:19Gumawa tayong paraan na palakasin ng exports.
17:22So yung halimbawa, yung Pax Silica, maaaring makatulong sa exports yan.
17:28Pati yung Luzon Economic Corridor, mga nakatutok naman yan sa exports eh.
17:33Pero baka it may take some time before we can do it.
17:39Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Horas.
17:43Tinutugis ngayon ang lalaking na hulikam na nanloob sa isang bahay sa Nabotas.
17:49Tangay niya ang cellphone at perang pang-tuisyon sana na isang college student.
17:55Nakatutok si Gabriel Gonzalez.
18:00Sa kuha ng CCTV, walang takot na pumasok ang lalaking yan na nakasuot ng face mask sa isang bahay sa
18:08barangay NBBS, Kaunlaran, Navotas.
18:10Pasado alas 12 ng hating gabi nitong miyerkoles.
18:14Akala mong residente siya roon, pero pagnanakaw pala ang pakay niya.
18:18Sinilip niya muna kung may ibang tao bago siya dahan-dahang umakyat sa second floor.
18:23Maya-maya, kita ang lalaki na may tangay ng bag at saka umalis.
18:27Ang bag, naglalaman daw ng cellphone at 25,000 pesos na pang-tuisyon sana ng biktimang incoming third-year college
18:36student.
18:36Dapat po talaga mag-e-enroll kami ngayon.
18:38Pang-tuisyon niya tsaka yung isang backup phone niya po.
18:41Buti nga po yung iba na i-transfer na po through bank.
18:45Ayon pa sa ina ng biktima, nasa kwarto siya nang pumasok ang lalaki sa kanilang bahay.
18:50Hindi raw siya na-alerto dahil hindi tumahol ang alagang aso.
18:54Hindi po ang pinagtataka namin, sir.
18:57Kasi kahit po kami, pagbiglang pasok po kami, talaga pong tumatahol sila eh.
19:02Kaya kahit din po kami, nagugulat kami na wala kayong ginawa.
19:07Ito pong dalawa.
19:08Kinukwento po sa atin ng biktima na lumabas daw po yung kanyang anak bandang alas 12 pasado ng hating gabi
19:15para puntahan daw po yung tindahan sa unahan.
19:18Sinarado po niya yung gate pero hindi po nakalakagayan ito.
19:21At nang makita po niya na nakabukas na yung kanilang gate,
19:25chinat na po niya ang kanyang kapatid para tingnan ng CCTV kung may pumasok sa kanilang bahay.
19:32Pinapasalamat ko lang po. Wala po talagang nangyari sa'yo.
19:35Kasi wala po yung father ko dito. Malayo sa amin.
19:38Paniwala ng barangay, matagal nang inobserbahan ng lalaki ang galaw ng pamilya.
19:43Pagkaka-analyze ko po, parang minanman na na ho talaga eh.
19:47Akala mo nga, tagal mo siya eh. Yung dere-derecho lang mo siya. Wala siyang takot na ano eh.
19:53Yung buong sala, inikot niya. Hanggang sa maket siya. Second floor.
19:57Mayroon daw mga tip na natatanggap ang barangay patungkol sa salarin at bine-verify ka pa nila ito.
20:03Ang pamilya nagreklamo na para maimbestigahan ang insidente.
20:08Pinasisiguro namin. Pero sa ngayon po, pinaliato namin yung lahat ang tanod namin.
20:15Paglabas sila ng anong. Siguro din lang nakalaki mga gate nila. Open to one.
20:20Nananawagan ang mga otoridad sa may mga impormasyon ukol sa salarin na ipagbigay alam ito sa kanila.
20:27Gabriel Gonzalez, nakatuto. 24 oras.
20:30Giniit naman ang kapo ni Congressman Martin Romualdez na walang credible witness laban sa kanya ang ombudsman.
20:36Kaya dapat daw i-dismiss ang kaso laban sa kanya.
20:40Sagot po yan ni Romualdez sa naunang pahayag ng ombudsman na mayroon silang 28 testigo laban sa kanya.
20:46Sa kabila ng pagbawi ng testimonya o affidavit na mga dating taunghan ni dating Congressman Zaldico.
20:52Giniit pa ng kapo ni Romualdez.
20:54Walang saksina direktang nagbuugnay sa kanya sa flood control scam at sa kickback mula rito.
21:07Naka-experience na ba kayo ng plot twist?
21:10Ganyan mga kapuso, ma'am Mel, ang nangyari sa isang lola sa Pulilan Bulacan.
21:15Dahil ang kabaitang ipinakita niya sa bumili sa kanyang tindakan,
21:19masusukli ang pala ng yakap sa taong matagal niyang hindi nakikita.
21:26Ilan ba ako?
21:27Isa lang po.
21:28Isa lang.
21:28Ilan ang pambili?
21:30Dalawa lang. Parang pag naubos siya, may kakaimik.
21:34Kilala mo ba ako?
21:36Di mo ba ako kilala?
21:41Napahiyaw na lang sa saya si Lola Corazon,
21:45ng makilalang customer na kanya palang apo na tatlong tao na sa Canada.
21:51Kwento lang apo ni Lola Corazon,
21:53nagsuot siya ng cap at face mask para hindi agad makilala.
21:57Kaya, laking gulat daw ni Lola Corazon nang tanggalin niya ito.
22:01Normal din daw kay Lola Corazon ang pagiging mabait at mapagbigay.
22:06Kaya nga kahit isang candy lang ang kanyang binili ay handa siya nitong bigyan ng isa pa.