00:00Ngayong humupa na po ang baha sa Marikina, nagsimula ng maglinis ang mga apektadong residente.
00:06At may unang balita live si Gabriel Gonzalez. Gabriel!
00:14Maris, umabot hanggang lagpas tao ang baha sa ilang bahagi ng Barangay Malanday, Marikina nitong weekend.
00:20Nang humupa raw yung baha na iwan yung makapal na putik sa kalsada at sa loob ng mga bahay.
00:26Kaya ang mga residente kahapon pa raw naglilinis.
00:31Maraming apektado rito sa Barangay Malanday, Marikina City.
00:35Ang residenteng Siboy, Cantila isinabay ang paglilinis sa paghupa ng baha dahil kapag hindi raw ito ginawa, titigas na ang
00:43putik.
00:44Ang residente namang si Dorotea Laurong.
00:46Abala rin sa paglilinis ang mga gamit na binahagaya ng mga kaldero, upuan at iba pa.
00:52Buti na lamang daw ay naiakyat nila ang mga alagang manok, mga damit at appliances.
00:57Kahapon nagumpisa ng mag-flushing at mag-akot ng mga naiwang basura ang lokal na pamahalaan ng Marikina.
01:02Nag-deploy na ng heavy equipment at personnel para alisin ang putik sa mga lugar na binaha.
01:08Nag-ikot na rin ang mga doktor sa mga evacuation center para mamahagi ng gamot kontra leptospirosis.
01:17Mahirap maglakad, maglakad. Puro putik sa loob. Linis na naman. Kasi ganitong klaseng putik, madaling tumigas yan.
01:27Nung lilinis pa, mga dito na lang sa labas. Mahirap din kasi ang mga putik.
01:33Pag ba, di ganit nakakatinda. Kasi ano eh, yung bang mahirap pagdumaan doon sa pisto nila. Maglilinis na lang ako.
01:42Ang daming kahala.
01:48Maris, yung ating kinatatayuan dito sa Tuazon Street, medyo elevated ito.
01:53Pero doon sa pader na yun sa aking kanan, makikita natin, siguro hanggang tiyan yung taas sa baha.
01:59Pero pagbaba mo doon, pagbaba mo dito sa elevated portion ng Tuazon Street, papasok naman doon sa mga looban ay
02:06lagpastao yung baha.
02:08Kaya napakakapal ng putik doon sa kanika nilang mga kalsada.
02:11Magpapatuloy naman ngayong araw yung clearing at cleaning operations ng lokal na pamahalaan ng Marikina doon sa mga lugar na
02:19hindi pa nalilinis at may mga makapal pang putik.
02:22Yan muna latest mula rito sa ating kinatatayuan sa Marikina City. Gabriel Gonzalez, GMA News.