Skip to playerSkip to main content
Aired (August 31, 2026): Hirap makalabas sa rumaragasang baha ang ilang Kapuso nang malakas ang ulan. Sa Valenzuela City, nagtulong-tulong ang mga awtoridad para mailigtas ang mga batang na-stranded sa tubig na umabot umano sa dibdib. Ano ang dapat gawin para manatiling ligtas sa ganitong sitwasyon? 

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories.


Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.


#GMAPublicAffairs #GMANetwork


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.
Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang.


#GMAPublicAffairs #KapusoStream #GMANetwork


Subscribe to the GMA Public Affairs channel: https://www.youtube.com/user/gmapublicaffairs
Visit the GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv


Connect with us on:
Facebook: http://www.facebook.com/gmapublicaffairs/
Twitter: http://www.twitter.com/gma_pa

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Mga pangyayaring nahagip ng kamera, mga insidente yung ating susuriin at bubusisiin.
00:07Walang ligtas, basta caught on cam.
00:13Sa matinding buhos ng ulan, dulot ang habagat nitong weekend, ilang insidente po nang na-trap o stranded sa baha
00:20ang caught on cam.
00:22Ito una, caught on cam.
00:25Ang mga ni-rescue bata na na-stranded sa baha.
00:30Sa Valenzuela City, makikita ang inaabot ng mga otoridad ang isang tali sa mga batang stranded sa rumaragas ang baha.
00:38Hanggang dibdib na raw at tubig noon sa lugar, kaya tulong-tulong ang mga otoridad sa pag-rescue.
00:44Nailigtas po mga bata.
00:47Ito pa, caught on cam.
00:51Sa San Fernando, Pampanga naman po ito.
00:54Nailigtas ang isang bedridden na senior citizen matapos matrap sa kanilang bahay dahil sa lampas taong baha.
01:02Isinakay ang lolo sa balsa para mailikas sa mas ligtas na lugar.
01:07Kawawa naman si lolo.
01:09Ito, caught on cam.
01:12Ang sasakyang tinangay ng rumaragas ang baha.
01:16Ito po, sa Rodriguez Rizal po yan.
01:18Inanod ng rumaragas ang tubig ang isang sasakyan papunta sa kalapit na creek.
01:24Malakas daw noon ang alon at hanggang dibdib.
01:28Yun taas ang baha.
01:30Nakalabas naman po ang driver bago anurin ng baha.
01:33Ang sasakyan niya.
01:37Naku, napakarami po mga ganyan mga insidente.
01:39Pag-usapan po natin yan.
01:41Mga kasama natin kay umaga,
01:42Pamela Briones, isang disaster risk reduction consultant
01:45mula sa Stout Risk Reduction Management Training Services.
01:49Pam, good morning. Welcome sa unang hirit.
01:51Good morning, Sir Ivan.
01:53At salamat sa pagsama sa amin.
01:55Balikan natin yung unang video.
01:57Yung malakas yung current ng tubig hanggang dibdib.
02:00Sa mga ganitong sitwasyon, malakas ang ragasan ng baha.
02:04Paano kung wala pa mga rescuer, ano kaya pwedeng gawin ng ating mga kapuso para magiligtas?
02:09Lalo yan, may mga bata.
02:10Siyempre, naturally, malilipa sila hanggang dibdib yung baha.
02:15Paano ba ang gagawin, Pam?
02:17Maraming salamat po sa pag-imbita.
02:19Unang-una po, tayo bilang mga mayan ay laging mag-antabay sa mga balita.
02:26Bago pa man po ang pagtaas ng baha, bawalan na po natin ang ating mga anak na mag-swimming sa
02:35ganitong...
02:36Para hindi po sila maiipit sa ganyang sitwasyon.
02:40At kung halimbawa naman po, in a worse scenario, at naipit na po sila,
02:44bilang concerned citizen, huwag po natin kakalimutan ang safety.
02:48So, lalong-lalong na po, nandun ang layunin natin tumulong.
02:52Gumamit po tayo ng tali para i-anchor ang ating sarili dun sa isang stable na bagay,
02:58kagaya ng poste, mga bakal po na stable.
03:02Ito, ito, ito.
03:03Nakingitan natin, that is exactly what they did, ano?
03:06Ayan po, bayanihan po yan na hawak-hawak po sila.
03:09Ngunit, mas maganda po at safe na instead po na palalanguyin natin yung bata papunta sa atin,
03:16meron pong adult na merong tale, pero kung wala, adult na marunong mag-swimming po kasi malakas po ang current.
03:24So, kung wala pong tale o kahit ano na pwedeng mag-simulate ng lubid,
03:31kahit po yung sarili na marunong pong lumangoy para pumunta po dun sa mga bata at isa-isa pong itawin.
03:37So, gusto kong emphasize yung binanggit mo, Pam, ano?
03:40Kasi lahat naman tayo pag nakita natin yung ganyang sitwasyon, gusto nating tumulong.
03:44Pero baka in our desire to help others, makalimutan naman natin sa sarili nating safety.
03:52Maging tayo naman yung kailangang iligtas.
03:54Kaya bago po tayo sumuong sa ganyang mga sitwasyon, sana alam natin ang ating ginagawa.
03:59Doon tayo sa pangalawang video, Pam.
04:01Bedread din naman na senior citizen ang na-rescue.
04:03So, paano nga ba kapag ganito may kasama kayo may sakit sa bahay?
04:07Ano ba ang pwede natin gawin?
04:08Okay, unang-una po, alamin po natin, makinig pa rin ang balita, alamin po natin ang emergency hotline.
04:15Kasi sa mga ganito mga pasyente, karamihan din po may mga gamit yan sa katawan.
04:20Pero pag sa case po ni Lolo dito, wala man siyang gamit sa katawan,
04:25hindi po niya kaya ang sarili niya i-stabilize dun sa balsa or improvised balsa.
04:30So, sana po, ma-stabilize muna si Lolo dun sa may balsa, like tali or kahit po mga tela para
04:40i-save guard.
04:41Yan din po, i-save guard sana si Lolo dun sa balsa.
04:45Tapos, pwede rin po gamitin na improvised devices po yung ating mga lalagyan ng tubig.
04:52So, yung mga mineral water, para po tayo na tumutulong at gagabay dun sa magkabilang side ng balsa.
05:00Kasi po, yan mag-isa lang po.
05:01Yan ang nangyari o, ginamitan po ng balsa para ma-rescue senior citizen.
05:05Ano nga ba yung binabagit niyo mga alternative? Yan, mga...
05:08Mga mineral water po.
05:10Okay. So, kailangan natin pang bigit-dikitin.
05:12Yes po. O kaya, yung isang galon po, ilalagay natin sa ilalim po ng damit natin.
05:17Para lulubog po tayo. Ah, lulutang tayo. Sorry. Lulutang tayo.
05:21E dito naman tayo sa pangatlong video kung saan inanod ng bahay yung sasakyan.
05:25Kung ito yung nakakatakot eh.
05:27Buti na lang, nakalabas yung driver.
05:29Pero sakaling mangyari sa atin ito, huwag naman sana.
05:31Ano ba ang pwedeng gawin sakaling may taong na-trap sa loob ng sasakyan sa gitna ng rumaraga sa baha?
05:36Okay. Alam po natin na bilang empleyado, bawal po natin i-abandon ang ating mga post.
05:43Pero, unong-una, safety first muna.
05:45Na magbantay sa balita at kung alam natin na non-passable na yung area,
05:50tumawag po tayo agad sa ating mga supervisor to inform of our status.
05:55In any case na maipit tayo kagaya ng senaryo natin dito, Sir Ivan,
05:59ay dapat meron tayo laging gamit.
06:02Like yung ating 72-hour kit, may tali, may first aid kit,
06:07meron tayong radyo na nakikinig tayo, hindi lang yung basta music,
06:11kundi balita kasi alam natin may risk po sa panahon.
06:14So, bukod doon, pag nakita natin na ganyan na unsafe na,
06:18lumabas na po tayo agad, although nandun yung responsibilidad natin sa ating goods
06:23kasi milyones malamang ang laman, okay, accountable tayo doon,
06:27pero buhay pa rin ang ating i-prioritize.
06:31Kung halimbawa po na talagang kailangan natin lumabas at halimbawa na ipit,
06:36good na nakalabas si Kuya Driver,
06:39tanong ko maipit, at in any of those scenarios na ating pinakita kanina,
06:45let us call our emergency hotline, which is 911,
06:49in form of the status ng ating call,
06:54sino, anong klaseng emergency, ilan yung dapat i-rescue,
06:58at anong klaseng resources ang kinakailangan,
07:01saan ang exact location,
07:03para po ang ating mga government employee alam din kung ano yung ipapadala.
07:09So, ganun po.
07:10Pero itong mga ganito sitwasyon,
07:11Pam, a flash flood to eh.
07:13Biglaan, parang, pano kung ito,
07:15akala mo, bababa lang yung tubig,
07:17tapos biglang, ito na pala, ragasana.
07:19Opo, importante po na makaalis tayo agad.
07:23So, kahit na andun yung...
07:24Drop everything na, no?
07:25Basta importante, save yourself.
07:26Yes, safety natin.
07:26Safety ng sabihin natin, ng kasama,
07:29yun po yung tinatawag natin hierarchy ng safety po.
07:32So, kasi kahit po gusto nating tumulong,
07:35which is yung ugali ng Pinoy,
07:37yung ating gustong tumulong sa ibang tao,
07:40sarili din po muna natin ang ating intinday.
07:43Tsaka siguro, lalo,
07:44kung hindi po kayo ganun kapamilyar,
07:46doon sa kalye, doon sa terrain,
07:49ikanga,
07:49huwag na po magbaka sa kali siguro.
07:51Kasi baka mamayan,
07:52di natin alam talaga napakataas pala ng tubig,
07:55malakas na ragasa,
07:56eh malagi tayo sa alanganin.
07:57Huling paalala na lang, Pam,
07:58sa ating mga kapuso ngayon mga panahon ito.
08:00Okay.
08:01Ang huling paalala po namin,
08:02bukod sa ating pong tandaan ng ating emergency hotline,
08:06makinig po tayong mabuti sa mga balita.
08:09Huwag na po nating intidihin na,
08:11or intayin,
08:13natataas po ang baha.
08:14Kasi unang-una po,
08:16buhay din po ang nakasalalay dyan.
08:18Although iniisip din po natin
08:21ang ating mga bahay,
08:22resources,
08:23asset,
08:24isipin din po natin
08:25na yung taong tutulong din po sa atin
08:27ay may kanikanyang pamilya din.
08:30So, para po maiwasan natin
08:32yung nagmamadali,
08:33yung magagalit tayo sa gobyerno
08:35na hindi tayo na-rescue,
08:37sana gumitin din po natin
08:39yung ating initiative po
08:41na maging prepared,
08:43maging handa sa 72-hour kit,
08:45maging trained,
08:46umaten po ng mga libre training
08:48dahil meron po niyan
08:49ng community-based disaster preparedness.
08:52Meron din po sa atin po
08:54namang mga empleyado sa gobyerno,
08:57andyan po ang kanilang dedikasyon
08:59sa serbisyo.
09:00Meron nga lang po minsan
09:02na mga limitasyon
09:03na dapat sana natin maintindihan
09:05na instead po na i-bash natin sila,
09:08ay sana po ipagdasal natin sa kanila
09:11yung kanilang safety
09:12and also i-train sila ng mabuti,
09:15supportahan ng kanilang pondo
09:16para sa innovation
09:17ng mga equipment and tools
09:20at lalong-lalo na
09:21ang tamang training po.
09:24Okay.
09:25Maraming salamat,
09:26Pamela Briones,
09:27isang disaster risk reduction consultant.
09:30Good morning.
09:30At mga kapuso,
09:31magingat po tayo lahat.
09:32Magbabalik po ang unang hirin.
09:38Ikaw,
09:39hindi ka pa nakasubscribe
09:40sa GMA Public Affairs YouTube channel?
09:42Bakit?
09:43Mag-subscribe ka na dali na
09:44para laging una ka
09:46sa mga latest kwento at balita.
09:48I-follow mo na rin
09:49ang official social media pages
09:51ng unang hirin.
09:52Salamat kapuso.
Comments

Recommended