Skip to playerSkip to main content
Sasakyan, inanod ng baha papunta sa ilog sa Rodriguez, Rizal; maraming trapped sa mga bahay dahil sa baha 


Napuruhan din ng lampas-taong baha ang Rodriguez, Rizal kaya maraming na-trap sa mga bahay at may inanod pang sasakyan.


Sabi ng kanilang Mayor, bahain talaga sila dahil sa mga ilog at tubig mula bundok kaya may payo siya sa mga residente.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Napuruhan din ng lagpastaong baha ang Rodriguez Rizal.
00:04Kaya maraming na-traps sa mga bahay at may inanod pang sasakyan.
00:08Sabi ng kanyang mayor, bahayin talaga sila dahil sa mga ilog at tubig mula bundok.
00:14Kaya may payo siya sa mga residente.
00:16Live mula roon, nakatutok si Mark Salazar.
00:19Mark!
00:24Vicky given na flood prone ang malaking bahagi ng Rodriguez Rizal
00:28dahil kagaya ng binanggit mo, valley sila eh, napapaligiran ng kabundukan
00:32at dinadaluyan din ng napakaraming river system.
00:36Sila ang imbudo ng baha bago ito dumaloy sa Metro Manila.
00:41Pero yung naganap na flash flood noong Sabado ng gabi,
00:44Vicky ang sabi nila unprecedented.
00:46Hindi nila ito nakasanayan.
01:03Ganito katindi ang ragasan ng tubig bandang alas otso ng gabi nitong Sabado
01:07sa ilang bahagi ng Montalban o Rodriguez Rizal.
01:11Hindi pa malinaw kung may sakay at kung kanino ang closed van na inanod.
01:24Pero ang sigurado, may mga buhay na nalagay sa alanganin.
01:29Gaya ni Hughes Cooper Loreley Bautista na nanawagan ng rescue sa barangay San Isidro.
01:35Kasama raw ni Loreley ang dalawa niyang anak na anim at isang taong gulang lang.
01:40Nag-livestream si Loreley sa pag-asang mabilis darating ang tulong
01:44pero hindi rin daw sila na-respondihan.
01:47Pinagtulong-tulungan na lang daw nila ang paglikas gamit ang hagdan at lubid.
01:52Nang magtungo kami sa pag-asa village San Jose Rodriguez,
01:56ito ang tumambad sa amin.
01:58Makapal na putik na iniwan ng lagpastaong baha.
02:02May mga nasirang bahay at mga gamit na malabo ng pakinabangan.
02:06Bago umabot sa lampastao, nakaalis naman kayo?
02:09Opo.
02:11Ibangkwet kami sa eskwilaan.
02:12Pero kami nakaalis, maraming nakaalis.
02:14Pero yung iba huban, umakyat lang?
02:16Iba.
02:17Umakyat lang kayo.
02:18Sa taas.
02:19Dito kasi may lauting ako, diba?
02:21Dito lang kami sa taas.
02:23Kagaya ng iba pang flood-prone area,
02:26iraraos lang din nila ito.
02:27At paghahandaan ang susunod na baha.
02:30Ito ang lugar na ito.
02:32Bahayin talaga ito, sir.
02:33Pero pinasok lang namin ito kasi wala kaming matirahan.
02:36Sa ating mga butihing mahal na mayor at kapital
02:39at kaaksama po ang mga konsihal,
02:42humihingi lang po kami sa inyo po ng kaunting tulong
02:45na ayuda ng bigas
02:47kasi kulang po talaga sa amin ang aming kainin
02:51dahil sa ganitong sitwasyon po.
02:53Ang Montalban o Rodriguez Rizal
02:56ay imbudo para sa tatlong malalaking river system
02:59na kapag nagsipag-apaw, natural silang babahain.
03:03Yung main river natin, which is the Marikina River,
03:06ang dumadaloy dyan ay from Bosoboso River
03:10and from Quezon, Kayabas River.
03:16So yung dalawa na yun, nag-fuse
03:20and then dito ngayon lalabas yan sa Wawa.
03:24Meron pang isang river na galing ng puray,
03:27dito rin babaksak.
03:28And another river, downstream,
03:30na hindi naman yung Mangahan River.
03:33So Montalban basically ay source ng tubig
03:38papuntang Metro Manila.
03:40Malaking ambag din sa pagbaha
03:42ang lagaslas mula sa mga bundok.
03:44Paano pa kaya kung may quarry operations?
03:47Yeah, contributory ang quarry.
03:49Sa mga ganito, kauna may putik, magkanoon.
03:51Pero sabi mo sa pagbaha, even without quarry kasi,
03:54binabahari naman kami.
03:56So I'm not trying to protect quarry.
03:59Sampire, nakakasiraan ng kalikasan,
04:01nakakasiraan ng ganito,
04:03ng whatnot.
04:03Pero kahit wala pa yung quarry noon,
04:06river quarry yung ilang dati kasi,
04:08ay may baha pa rin naman dito.
04:10Sa kanilang topografiya, wala raw choice
04:13kundi mag-adjust ang mga tao.
04:15Kabilang sa nakikitang solusyon
04:17ng magpataas ng mga bahay,
04:19lalo na ang mga nasa pinakamabababang komunidad.
04:22Ang usapan namin dito,
04:23sila na mismo magpapagawa ng bahay nilaga,
04:25gawin nilang itong story.
04:26Patulungan ng LGU, wala silang pera.
04:28No, no, may pera na rin yung mga yan.
04:30Sa nga, pang-second floor.
04:32Kasi, hindi mo na kaya.
04:34Ano mo, kano ang karami ito?
04:352,000 plus ito eh.
04:37Hindi kaya ng LGU.
04:38Hindi kaya ng LGU.
04:39Paano po yung mga may hirap,
04:40nang wala ka tulad ko,
04:41single parents ako.
04:43Hindi kaya.
04:43Hindi po kaya.
04:50Vicky, ipakita ko lang saglit sa mga kapuso natin
04:53kung ano yung nangyari doon sa closed van na inanod
04:56para lang makita ninyo yung brute force
04:59na dala ng flash flood noong Sabado ng gabi.
05:01Yung tipak na bato na yan
05:03para yan ay mapaguhu ng bahay, di ba?
05:05At itong railing ng tulay na ito sa double L,
05:09kung tawagin nila rito sa San Isidro,
05:11bumigay din sa lakas ng Agos ng daloy ng baha na ito
05:15na nangyari noong Sabado.
05:17Ang panawagan ng LGU ng Rodriguez, Vicky,
05:20ay para sa national government
05:22na sana raw ay bigyan sila ng angkop
05:24na flood control project
05:25para sa klase ng topografiya na meron sila.
05:29Tutal sila doon naman napakahalaga,
05:30imbudo sila at kung ang baha ay makokontrol
05:33dito pa lamang sa Rodriguez,
05:36maiiwasan na ang pagdaloy ng problema
05:37dyan sa Metro Manila.
05:39Vicky?
05:40Mark, di ba sabi ni Mayor Evangelista
05:42na topography na ang problema
05:44kaya ang isang solusyon
05:46ay yung magpataas na lang ng bahay
05:48yung mga residente.
05:49Ganun na lang ba yun, Mark?
05:51Wala na ba ibang solusyon
05:52na nakikita ang lokal na pamalaan?
05:58Sa kamay nila, napakalimitado.
06:01Aminado ang LGU ng Rodriguez
06:02na overpopulated sila.
06:04In fact, ang sabi ng kanilang Mayor,
06:06sila ang pinakapopulated na munisipyo
06:09sa buong bansa,
06:09sila ay more than half a million
06:12sa lugar na ito,
06:13sa valley na ito.
06:14At sa kapangyarihan nilang ordinansa,
06:17hanggang disenyo lamang daw
06:18ng bahay ang pwede nilang gawin.
06:20Kaya ang kanilang hinahighlight palagi
06:23tuwing may problema ng pagbaha dito
06:24ay aksyon mula sa national government.
06:27Yung maraming budget
06:29para sa mga big ticket projects na ito,
06:31flood control projects na ito,
06:33para sa very challenging na topography
06:35kagaya ng Rodriguez Rizal, Vicky.
06:38Alright, maraming salamat
06:40at ingat kayo, John Mark Salazar.
Comments

Recommended