00:00Ilan libong puno umano ang pinutol para sa isang solar farm, ayon po yan sa isang grupo.
00:05Kaya matinding baka ang naranasan sa Alongapo City.
00:08Nakita ng posible ang ragasan ng tubig mula po sa bundok sa impact assessment sa proyekto.
00:14Pero kaya umano itong pigilan ng mga engineering measure, ayon po yan sa Department of Environment and Natural Resources.
00:21Nakatutok si Maki Pulido.
00:26Sa taas ng tubig sa ilog, umapaw na ito sa isang tulay sa baragay Santa Rita, Alongapo City, matapos bumuhos
00:33ang matinding ulang dulot ng habagat.
00:36Sabi ng mga residente, dati na silang binabaha pero kakaiba raw ngayon.
00:41Nilobog po kami noong pinakamalaking baha ng 2013 at 2018.
00:45Tapos naulit na naman po yan.
00:46Siguro po yung ulit po ngayon, kasi po siguro dahil sa ginagawa nilang mga solar sa bundok.
00:51Hindi, ngayon lang ito nangyari. Dati wala naman eh. Pagmulaan kayo yung solar na yan.
00:57Ang sinisisi ng mga residente ang Phase 1 ng Solar Farm Project na itinayo sa bundok ng AP Renewable Energy
01:05Corporation na pag-aari ng Aboytis Renewables Incorporated.
01:09Ang Phase 1 ng proyekto, inaprubahan ng Department of Environment and Natural Resources noong 2022.
01:16Sakop nito ang 284 hectares at natapos nito lang December 2025.
01:21Sabi ng grupong PROPEL o Pro People Engineers and Leaders, kung pagbabataya ng satellite imaging,
01:28libong mga puno-umano ang pinutol para sa proyekto kaya hindi rong malayong maging sanhi ito ng matinding pagbaha.
01:35Dahil hindi na-absorbed, so ito na, pag malalakas ang ulan, ito na ngayon yung nalalaglag sa halupaan.
01:44Kaya nagkakaroon na mas baha kung panahon ng tag-ulan.
01:50Kung panahon naman ng tag-araw, natutuyo naman dahil wala namang, hindi na re-recharge yung ating groundwater.
01:59Noong 2023, kulay-berde pa ang bundok.
02:02Ngayon, kulay-lupa na ang malaking bahagi nito at natatakpan na ang bundok ng mga solar panel.
02:08Pero giit ng Department of Environment and Natural Resources sa Region 3,
02:13kaunti lamang ang pinutol na puno dahil grassland o damuhan ang ibabaw ng bundok.
02:18Hindi rin daw pinatag ang bundok, ipinatong na lamang ang mga solar panel.
02:23Mga damuhan ho ang majority ng area po nito and hindi ho dinisturb yung natural contour ng lupa.
02:32So sa pagitan ho ng mga solar panels ma'am, open pa rin po yan na bumabagsak yung tubig at
02:39na-absorb ho ng grasslands natin yung tubig.
02:42Kung titignan ng mapa, downstream o nasa ibabang bahagi ng solar farm ang barangay Santa Rita.
02:48Aminado ang DENR na nakita sa Environmental Impact Assessment ang posibleng pagragasan ng tubig mula sa bundok.
02:56Pero inaprobahan pa rin daw ang proyekto dahil may potensyal mang pagbaha, masasagot naman ito ng mga engineering measure.
03:03Nung dumaan ho ito sa proseso ng aplikasyon, nakita ho na merong potential impact ho ito sa volume din ho
03:12ng tubig na maaaring makadagdagsang.
03:15O ako meron pa yung mga conditions na sinethod dyan for the proponent to address yung flood concern.
03:21Katulad ho yung paglalagay nila ng floodwater drainage o yung pagkatanim ho nila ng mga pulong kahoy.
03:30I-imbesigahan daw ito ng DENR.
03:33Pero malamang bumaha daw dahil mas mataas ng 150% ang bumuhus na ulan sa Olongapo nitong Sabado.
03:40Ito rin ang sinasabi ng mayor ng Olongapo.
03:43Nang pag-aralan daw nila ang bagsak ng tubig mula sa bundok, pareho lang ang dami at bilis sa kabilang
03:48bahagi na walang solar farm project.
03:51If you see the map, yung farm is here.
03:57So, kaya po medyo nako-confirm po namin na yung rainfall talaga yung problema.
04:01I mean, hindi po siya talaga yung issue kasi yung speed, yung volume po ng tubig na buwa ba from
04:06here is same as yung buwa ba po sa part na ito.
04:10So, parang dapat kung ito po yung dahilan, dapat magkaiba po sila ng, dapat magkaiba yung volume.
04:17Magkaiba rin yung speed.
04:19Wala pang pahayag ang AP Renewable Energy Corporation.
04:22May balak pa ang kumpanya na magtayo ng phase 2 sa mahigit 228 hektar sa kabundukan.
04:29Sinusubukan rin namin kunan ng pahayag ang Department of Energy.
04:33Sana matigil na rin po yung ginagawa nila na yan para po sana din hindi na mahirapan yung tao.
04:37Kasi kung wala po yan, hindi naman po rin siguro magkakaganito eh.
04:41Para sa mga katutubong Aita, hindi lang baha ang kinakaharap nila, kundi kawalan ng kabuhayan.
04:47Naputol daw ang mga puno ng mangga at kasoy na kanilang naibibenta.
04:51At nawalan na rin ang lupang maaaring makapag-alaga ng mga hayo.
04:55Sana po wala na pong bundok na makakalbo.
04:59Wala na pong kalikasan na masisira.
05:05Kasi ang kalikasan may buhay din po sila.
05:10Na maganda na yung ginawa ng Diyos para sa mga tao, sa atin.
05:17Bilang katutubo, isa po kaming nagpoprotekta sa kalikasan.
05:22Noon pa sa mga ninuno pa po namin.
05:25Kaya sana po, wala na pong mga katutubo na mapalayas sa aming lupaing ninuno.
05:34Makipulido na katuto, 24 oras.
05:39Samantala, siniguro naman ng Aboitees Renewables Incorporated na dinisenyo ang solar farm project sa Olongapo
05:45para hindi makadagdag sa problema sa baka.
05:48Sabi ng kumpanya, sinusunod nila ang lahat ng alituntunin ng Department of Environment and Natural Resources o DNR.
05:55Batid nilang Vladbro ng Olongapo City na bahagi ng Halaklan River Basin
06:00kaya dinisenyo ang solar farm para hindi makadagdag o magpalala ng problema sa baka.
06:06Sinunod daw nila ang hugis ng lupa, pinreserve ang vegetation sa lugar at nagtayo ng drainage at slope protection.
06:13Batay nga raw sa isang independent third-party study, hindi palalalain ng power plant ang pagbaka sa downstream communities.
06:20Sinunod din daw ng Aboitees ang free, prior, and informed consent sa ilalim ng Indigenous People's Rights Act of 1997.
06:29Nagsasagwa rin daw sila ng annual tree planting activities.
06:34Nagsasagwa rin daw sila ng pagbaka sa baka.
Comments