Skip to playerSkip to main content
Other areas of Central Luzon endured the onslaught of Habagat.


Floods claimed a woman’s life in Bulacan and stalled traffic at NLEX in Pampanga.


Tonight, one of four passengers aboard an AUV that fell from the damaged Agana Bridge in Tarlac City was found dead.


Jonathan Andal reports.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Marami pang lugar sa Central Luzon ng Pinerwisyo ng Habagat.
00:04May babaeng nalunod sa Baha sa Bulacan.
00:06Paralisado naman ang trafico sa Enlex dahil sa Baha sa Pampanga.
00:10At bago ngayong gabi, nakita na ang isa sa apat na sakay ng AUV
00:14na nahulog mula sa nasirang Agana Bridge sa Taralac City.
00:18Tunghayan sa report ni Jonathan Andar.
00:24Naturing ang expressway pero tila tumigil ang mundo
00:28ng mga motorista sa North Luzon Expressway.
00:31Mula nitong weekend, may baha sa ilang bahagi ng Enlex
00:34gaya sa Pampanga nang umapaw ang Pampanga River.
00:37Pila ang mga sasakyan simula kaninang umaga hanggang ngayong gabi.
00:42Laking abala sa mga ambulansyang may emergency.
00:46Pati sa mga motorista ang kailangang sagutin ang tawag ng kalikasan.
00:49Gutom at uhaw ang inabot nila.
00:52Natinugunan naman ng mga nagtitinda.
00:54May mga napilitang bumalik sa binuksang U-turn slot.
00:58Bago mag-alas 6 ng gabi,
00:59ang buntot ng heavy traffic sa Enlex Southbound
01:02abot na sa San Fernando Entry.
01:04Mga malalaking sasakyan lang ang nakadaraan sa baha.
01:07Apektado pati ang Abad Santos Avenue.
01:21Paliwanag naman ang lokal na pamahalaan.
01:23Pumapanik eh.
01:24Pati yung matataas na lugar nadadamay na.
01:26Kasi nagbabackflow yung tubig dahil hindi nga makalabas sa Manila Bay.
01:31So talagang ang San Fernando,
01:33nagbabackflow yan dahil hindi na sila makababa.
01:35Dahil puno na yung makabebe masantol.
01:38Yung mga nasa downstream natin.
01:40Makikipagpulong daw si DPWH Secretary Vince Dizon sa Enlex Management
01:44para humanap ng solusyon.
01:46Sa Tarlac, di nauupos ang pag-asa ng mga kaanak ng apat pang hinahanap
01:51matapos mahulog sa Tarlac River ang kanilang sasakyan
01:55dahil sa pagbigay ng bahagi ng Agana Bridge.
01:58Pero dahil sa ulan,
02:00pahinto-hinto ang rescue operations.
02:01Kaya panawagan ng pamilya,
02:03dagdag pwersa para sa mabilis na paghahanap.
02:05Yung hoping po namin, napakalaki pa rin po
02:08kasi kahit isa sa kanila po ay hindi pa po nahanap.
02:11Ang naisip namin, ma'am, is magkakasama pa rin po sila.
02:14Nagagano po sila ng help po,
02:16humingi po sila ng rescue.
02:18Kahit gusto naman po namin tulong,
02:20wala naman po kami magawa.
02:22Nilawakan na ng Tarlac PDRRMO ang operasyon.
02:25Magtatayo ang DPWH Region 3 ng Temporary Steel Bridge
02:28sa gumuhong Agana Bridge para madaanan na ito.
02:31We don't know the estimates of kailan pa magiging accessible
02:34itong mga tulay na ito.
02:36Sarado rin sa trapiko ang Aquino Bridge
02:39na gumuho rin ang isang bahagi noong biyernes.
02:41Nasa state of calamity dahil sa baha ang Tarlac.
02:45Gayun din ang buong panggasinan
02:47kung saan may stulang ilog ang mga kalsada
02:50at pinasok na ng baha ang mga bahay at mga paaralan.
02:53Oo, hirap na hirap.
02:55Oo.
02:55Wala na.
02:56Nakaroon na po itong baha, mami.
02:57Bali, dalawa na.
02:59Ganito po, baha.
03:01Oo.
03:01Ngirap po.
03:02Hanggang tuhod nga po ito eh.
03:05Umapaw ang mga ilog sa Aguilar
03:07at ang Marusay River sa Kalasyao.
03:09May pagguho rin ng lupa
03:10sa bahagi ng Makaboboni-Abagatanen Road sa Agno.
03:14Sa Bulacan, isang babae ang nalunod sa bahad.
03:17Dead on arrival siya sa ospital.
03:19Palpak sa flood control, palpak sa tao, walang tao, kulang sa tao, walang equipment, walang magpa-first aid.
03:27Meron na, pero kulang.
03:30Sabi ng rescuer, unresponsive na ang pasyente.
03:33Tumagal naman sila sa biyahe dahil din sa baha at nakulangan po umano ng tamang gamit sa pag-rescue.
03:39It's popular.
03:42Wala na pong respans yung tao.
03:44Nag-try na lang po ako i-revive siya sa pamamagitan po ng pagsisipi.
03:48Pwede ko nga lang po siyang buhayin eh.
03:49Wala po, talaga kaming gamit.
03:51Banka lang po.
03:52Hindi ko po sinisisipi.
03:53Kung sana lang, prepared tayo.
03:55Sana lang may equipment tayo.
03:57Sa may kawayan, galit din ang mga residente sa hindi pa humuhupang baha.
04:02Hindi mo nga nakakot.
04:03Dapat yung tulong.
04:04Okay pa rin.
04:06Ayunin.
04:06May daan.
04:07Meron naman pong flood control.
04:09Kaso po, umapaw na po yung flood gate, mga flood wall natin.
04:14Kaya po, nahinto yung pagbomba po ng mga pumping station.
04:20Inireklamod din nila ang di pa dumarating na ayuda.
04:23Kanya-kanyang diskarte muna ngayon ang mga residente para makapunta ng palengke.
04:27Pino na rin ng mga pag-clamp sa mga sasakyan sa tulay na iniwas lang sa baha.
04:32Sabi ng may kawayan LGU, hindi sila pagmumultahin.
04:35Sabado pa sila nag-abiso na ilipat ang mga sasakyan sa lugar na hindi naman bahain.
04:39Baka rin daw makasagabal sila sa rescue vehicles o bumigay ang tulay.
04:44Jonathan Andal, GMA News.

Recommended