00:01Nagsagawa ng deliberasyon ng House Committee on Appropriations sa panukalang mahigit 10 bilyong pisong budget ng Office of the President
00:07sa 2027.
00:09May ulat on the spot si Tina Panganiban-Perez. Tina?
00:14Rafi, wala pang isang oras ang deliberasyon ng House Committee on Appropriations sa panukalang mahigit 10 bilyong pisong budget ng
00:21Office of the President para sa 2027.
00:24Malaki ang ibinaba nito mula sa mahigit 28 bilyon na budget ng Office of the President ngayong 2026.
00:31Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto na siyang humarap sa committee kanina na bawasan ng operating expenses ng tanggapan dahil
00:39matatapos na ngayong Nobyembre ang hosting ng Pilipinas sa ASEAN Summit.
00:43Hindi na nakapagtanong ang mga kongresista tungkol sa panukalang budget ng OP dahil naghahain ng mosyon si House Minority Leader
00:51Marcelino Libanan at House Senior Deputy Speaker Ferdinand Hernandez para bigyan ng institutional o parliamentary courtesy ang Office of the
00:59President.
01:00Ibig sabihin tatapusin na agad ang deliberasyon sa panukalang budget ng opisina at sa plenario na lang makakapagtanong ang mga
01:08kongresista.
01:09Sa botong 37 yes at 5 no, inaprubahan ang mosyon.
01:13Isa sa mga kumontra si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers, Partialist Representative Antonio Tino.
01:21Idiniin niyang kung nagda-demand ang kongreso ng transparency sa budget ng Office of the Vice President.
01:27Ganun din daw dapat sa Office of the President.
01:30Kasamaan niya sa mga dapat ipaliwanag ng OP ay ang 4.55 billion pesos na confidential and intelligence funds ng
01:38Pangulo
01:38at umano'y pagkakasangkot nito at iba pang cabinet officials sa flood control anomaly.
01:43Tungkol sa confidential and intelligence funds, sinabi ni Repto na ang Pangulo ang Chief Executive Officer at Head of State,
01:51pati na Commander-in-Chief.
01:53At ginagamit nito ang confidential and intelligence funds para siguruhin ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.
02:00Wala rin daw siyang alam tungkol sa pagkakasangkot ng Pangulo sa flood control anomaly.
02:05At kung meron daw sangkot na cabinet officials, iniimbestigahan na nito ng Ombudsman.
02:11Rafi?
02:11Maraming salamat, Tina Panganiban Perez.
Comments