Skip to playerSkip to main content
Ekta-ektaryang kagubatan sa Indonesia, ilang linggo nang nasusunog; usok, umabot na sa Pilipinas 


Bukod sa matinding Habagat na nagpabaha sa maraming lugar sa Pilipinas, iniinda na rin ngayon ang hindi magandang kalidad ng hangin.


Binalot ng usok ang Metro Manila at ilang karatig-lugar, kung saan nakapag tala ng “acutely unhealthy” na kalidad ng hangin.


Ang usok, inilipad sa Pilipinas ng Habagat mula sa mala-impyerno ngayong gubat sa Borneo sa Indonisia, kung saan libo-libong ektarya ng kagubatan ang nasusunog.



24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Bukod sa matinding habagat na nagpabaha sa maraming lugar sa Pilipinas,
00:10iniindan na rin ngayon ang hindi magandang kalidad ng hangin.
00:15Binalot ng usok ang Metro Manila at ilang karating lugar kung saan nakapagtala ng acutely unhealthy na kalidad ng hangin.
00:23Ang usok inilipad sa Pilipinas ng habagat mula sa malaimpyerno ngayong gubat sa Borneo sa Indonesia,
00:30kung saan libo-libong ektarya ng kagubatan ang nasusunog.
00:34Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:39Gumising kanina ang Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon sa tila makapal na usok na nakabalod sa kalangitan.
00:45Maraming nag-face mask dahil sa usok.
00:47Kapag po lumabas ka ngayon, nakakaubo po.
00:51Nasa balita po na yung air quality daw po is very bad today.
00:57Ang usok na namerwisyo, galing pa sa layong dalawang libong kilometro mula sa isla ng Borneo sa Indonesia,
01:04kung saan nasusunog ang kagubatan ng ilang linggo na.
01:08Apektadong tinatayang libo-libong ektarya ng kagubatan.
01:11Mula sa impapawid, tanaw kung gaano kalawak ang nilamon ng apoy na pilit-apulahin ng mga rumesponding otoridad.
01:18Kita rin sa mga larawang ito ang nagngangalit na apoy na lumamon sa kagubatan.
01:23May unti-unti mang naapula, pero meron ding pagliyab na tila kasisiklam pa lang.
01:29Ang mga napuruhang punot halaman, nagkulay abo na.
01:33Dahil din sa malalang wildfire, halos zero visibility sa ilang kalsada.
01:37Nanlalabot halos hindi na maaninag ang himpapawid sa iba't ibang bahagi ng Indonesia.
01:46Ani mo'y naglalakihang alitap-tap ang naglipara mga baga ng apoy na tumupok sa bahagi ng kagubatan sa Kalimantan
01:53Province ang Indonesia.
01:54Sa gitna niyan, isa-isang naglabasa ng mga rescuer kasama ng mga natrap sa malaimpiyernong gubat.
02:00Marami sa mga nasagip, hirap huminga kaya agad nilapatan ang medical treatment.
02:08Ang ilan, naayak na sa matinding takot.
02:14Pahirapan ang rescue operations dahil sa makapal na usok at apoy na bumalot sa paligid.
02:19Ayon sa Indonesian Weather and Meteorology Agency, sa West Kalimantan pa lang ay nasa 10,000 ang hotspots ng wildfire,
02:27pero lumubo sa 60,000 nitong Agosto.
02:29Ang ilang taga-Indonesia nag-ari ng mass prayer para humiling ng ulan sa pag-asang kahit papaano'y maiibsan
02:36ang epekto ng wildfire.
02:38Ang Indonesia ay matatagpuan sa bandang timog kanlura ng Pilipinas kung saan may dumadaan ding bahagi ng southwest monsoon o
02:45hanging habagat.
02:46Dahil medyo malakas ang ihip ng habagat ngayon, maaaring matangay rin ang hangin yung usok, alikabok at iba pang particles
02:53mula sa Indonesia patungo sa ating bansa.
02:56Ayon sa Department of Environment and Natural Resources, apektado ng haze ang ilang bahagi ng National Capital Region, Central Luzon
03:03at Mimaropa.
03:04As of 12 noon, labing isang lungsod sa Metro Manila ang may acutely unhealthy na kalidad ng hangin.
03:10Ayon sa pag-asa, may kinalaman din sa nangyaring wildfire sa Indonesia, ang kasalukuyang El Niño.
03:15Yun po ay recurrent po, nangyayari po yun during Strong El Niño Event, nangyari din na po yun noong 2015.
03:22Ivan Mayrina Nakatuto, 24 Horas.
03:25Ivan Mayrina Nakatuto, 24 Horas.

Recommended