- 7 weeks ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
24 Oras: (Part 1) Usok mula sa Indonesia wildfire, umabot na sa Pilipinas; ilang lugar sa NCR may 'acutely unhealthy' na hangin; Ilang motorista, higit 24 oras stranded sa NLEX traffic, atbp.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:01Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Bukod sa matinding habagat na nagpabaha sa maraming lugar sa Pilipinas,
00:10iniindan na rin ngayon ang hindi magandang kalidad ng hangin.
00:15Binalot ng usok ang Metro Manila at ilang karating lugar kung saan nakapagtala ng acutely unhealthy na kalidad ng hangin.
00:23Ang usok inilipad sa Pilipinas ng habagat mula sa malaimpyerno ngayong gubat sa Borneo sa Indonesia,
00:30kung saan libo-libong ektarya ng kagubatan ang nasusunog.
00:34Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:39Gumising kanina ang Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon sa tila makapal na usok na nakabalod sa kalangitan.
00:45Maraming nag-face mask dahil sa usok.
00:47Kapag po lumabas ka ngayon, nakakaubo po.
00:51Nasa balita po na yung air quality daw po is very bad today.
00:57Ang usok na naberwisyo galing pa sa layong dalawang libong kilometro mula sa isla ng Borneo sa Indonesia,
01:04kung saan nasusunog ang kagubatan ng ilang linggo na.
01:08Apektadong tinatayang libo-libong ektarya ng kagubatan.
01:11Mula sa impapawid, tanaw kung gaano kalawak ang nilamon ng apoy na pilit-apulahin ng mga rumesponding otoridad.
01:18Kita rin sa mga larawang ito ang nagngangalit-apoy na lumamon sa kagubatan.
01:23May unti-unti mang naapula pero meron ding pagliyab na tila kasisiklam pa lang.
01:29Ang mga napuruhang punot halaman, nagkulay abo na.
01:33Dahil din sa malalang wildfire, halos zero visibility sa ilang kalsada.
01:38Nanlalabot halos hindi na maaninag ang himpapawid sa iba't ibang bahagi ng Indonesia.
01:46Ani mo'y naglalakihang alit-ap-tap ang naglipara mga baga ng apoy na tumupok sa bahagi ng kagubatan sa
01:52Kalimantan Province ang Indonesia.
01:54Sa gitna niyan, isa-isang naglabasa ng mga rescuer kasama ang mga natrap sa malaimpiyernong gubat.
02:00Marami sa mga nasagip, hirap huminga kaya agad nilapatan ang medical treatment.
02:08Ang ilan, naayak na sa matinding takot.
02:14Pahirapan ang rescue operations dahil sa makapal na usok at apoy na bumalot sa paligid.
02:19Ayon sa Indonesian Weather and Meteorology Agency, sa West Kalimantan pa lang ay nasa 10,000 ang hotspots ng wildfire
02:27pero lumubo sa 60,000 nitong Agosto.
02:29Ang ilang taga-Indonesia, nag-ari ng mass prayer para humiling ng ulan sa pag-asang kahit mapaano'y may
02:35iibsan ang epekto ng wildfire.
02:38Ang Indonesia ay matatagpuan sa bandang timog kanlura ng Pilipinas kung saan may dumadaan ding bahagi ng southwest monsoon o
02:45hanging habagat.
02:46Dahil medyo malakas ang ihit ng habagat ngayon, maaaring matangay rin ang hangin yung usok, alikabok at iba pang particles
02:53mula sa Indonesia patungo sa ating bansa.
02:56Ayon sa Department of Environment and Natural Resources, apektado ng haze ang ilang bahagi ng National Capital Region, Central Luzon
03:03at Mimaropa.
03:04As of 12 noon, labing isang lungsod sa Metro Manila may acutely unhealthy na kalidad ng hangin.
03:10Ayon sa pag-asa, may kinalaman din sa nangyaring wildfire sa Indonesia, ang kasalukuyang El Niño.
03:15Yun po ay recurrent po, nangyayari po yun during Strong El Niño Event, nangyari din na po yun noong 2015.
03:22Ivan Mayrina Nakatuto, 24 Oras.
03:24Nagbabala ang mga eksperto na lubhang delikado sa kalusugan ang nararanasan ngayong haze mula sa nasusunod na kagubatan sa Indonesia.
03:36Hindi pa matiyak ng pag-asa kung hanggang kailan ito mararanasan.
03:40Kaya ang payo po sa publiko, mag-face mask kung lalabas ng bahay.
03:46Nakatutok si Jonathan Anda.
03:51Sa isang tingin pa lang, makikita ng hindi maganda ang kalidad ng hangin sa Metro Manila.
03:57Ganito rin ang sitwasyon sa mga karatig lugar.
03:59Nag-abiso na ang Maynila na mag-face mask ang mga tao dahil sa usok.
04:03Yan nga po, makaget po ng pollution na maalanghap ko po yung usok.
04:09Actually po, nakamask po ako kaninang umaga kaso po, hindi na po ako makahinga kasi sa mask.
04:15Mag-face mask po sana ako ngayon kaso po, hindi po ako nakabila.
04:18Eh, mainit po kasi, then pinagpapawisan.
04:21Kay mayors ko, ang sinasabi niya na para lang protection din lang naman daw ng mga tao.
04:27O, yung dahil sa air, ano, sa Indonesia.
04:31Sa Quezon City, nag-cancela na ng pasok sa kindergarten hanggang grade 12, pati ALS o alternative learning system dahil
04:38sa delikadong kalidad ng hangin ngayon.
04:41Kung titignan ang air quality ng Metro Manila ngayong araw, puro purple at pula ang kulay.
04:46Delikado yan dahil kapag pula, ibig sabihin, very unhealthy.
04:50Mas malala kapag purple, acutely unhealthy.
04:54Sabi ng Department of Environment and Natural Resources, o DENR, kulay orange o unhealthy for sensitive groups lang ang kadalasang
05:02kalidad ng hangin sa Metro Manila.
05:03At tuwing rush hour lang kapag marami ang sasakyan.
05:06Pero kanina, buong araw hindi maganda ang kalidad ng hangin.
05:10At mas malalapas sa rush hour air quality.
05:14Pinakamataas ang air quality index o hindi maganda ang kalidad ng hangin.
05:17Sa Paranaque, Katipunan, Quezon City, Las Piñas, Maynila, Taguig, Malabon, Valenzuela, Marikina, Muntinlupa at Mandaluyong.
05:26Masama rin ang kalidad ng hangin kanina sa Palawan, pati sa Maykawayan, Bulacan.
05:31Particulate matter o PM2.5 ang sinukat sa kalidad ng hangin.
05:36Sobrang liit nito na lumulutang sa hangin.
05:39Nakapag pumasok sa katawan at magdeposito, pwedeng bumara sa daluya ng hangin pati sa ugat.
05:44So pag ito pong isang buhok natin, isang piraso ng buhok, hinati po natin into 30.
05:52Ganyan po kaliit ang 2.5 microns.
05:55So yan po yung maliit na nakasuspend sa hangin na potentially pwede pong makapasok sa ating baga, sa ating daanan
06:04ng hangin.
06:06Pinakadelikado ito sa mga bata, matatanda, pati yung mga may sakit sa baga at puso.
06:10Sabi ng Department of Health, ang haze pwedeng magdulot ng mahirapang huminga, ubo, pananakit ng dibdib, watery eyes, nasal irritation
06:20at paglala ng mga sakit sa baga gaya ng asma.
06:23Sabi ni Dr. Irene Tan, dumaming ngayon ang mga pasyente niyang nagpakonsulta dahil inatake ng malalang asma.
06:29Payo niya manatili sa bahay na nakasara ang mga pinto at bintana at gumamit ng air filtration system.
06:34Pero kung di maiwasang lumabas, gumamit doon ang face mask. Pero hanggang kailan ang ganito kalalang kalidad ng hangin?
06:42Hindi pa natin mas exactong araw o timeline kung kailan ito mawawala.
06:52Ngunit base naman sa mga forecast ng pag-asa like ngayon pong hapon at saka bukas po daw darating na
06:58araw ay uulan naman.
06:59May natural scrubbing mechanism po yan kung saan nililinis nito yung mga fine particles at maaaring hong ma-address naman
07:07yung problema na ito.
07:10Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
07:17Miss Tulang, North Luzon, stress way na ang NLEX ngayong day 4.
07:23Nanghebigat na traffic doon dahil nga sa baha.
07:25E halos maiyak na ang ilang motorista na inabot ng gutom at puyat dahil sa mahigit 24 oras na pagkastrandet.
07:35Silipin po natin ang sitwasyon sa live na pagtutok ni Jun Berencun.
07:39Jun!
07:44Vicky, dahil sa matinding traffic, resulta ng pagbaha ay humihiningi na ngayon ng discount o hindi kaya'y libring toll.
07:52Ang mga motorista ang dumadaan dito sa North Luzon Expressway o NLEX.
07:57Sobra na raw kasi ang perwisyo at ang masamang epekto sa kanila ng problema ng pagbaha dito sa Expressway.
08:07Sa gitna ng limang kilometrong pila ng mga sasakyan sa North Luzon Expressway o NLEX.
08:13Inabutan kong nag-aalala ang truck driver na si Edgardo.
08:17Paubos na ang kanilang prudo dahil linggo pa sila rito sa Expressway at problemado pa sa power steering ng kanilang
08:24truck.
08:25Sa gitna ng pagkahapo, hindi na pigil ni Edgardo ang emosyon.
08:29Gutom, buyat, pagod. Yung bang halos bumigay ng api.
08:38Baryan na lang ang natira sa kanya matapos bumili ng alim na pandisal na pinaghatian pa nila na kanyang pahinante
08:44kaninang umaga.
08:45Sa business ko naman, alam naman niya, nag-aalala rin.
08:48Wala eh, pati yung apu ko nag-aalala.
08:51Sabi niya, kawawaan naman lulo, walang makain.
08:54Ang gutom na nga ako eh.
08:57Karoon, ito yung taste ko lang.
09:00Mabuti na lang, may dala kaming konting pagkain.
09:03Thank you, sir.
09:05Gutom talaga ako. May pagkain na ako.
09:12Pagbalik ng pahinante ni Edgardo, may dala na itong diesel.
09:16Salamat po, Lord. Makakawin na rin kami at nakakabili na kami ng diesel.
09:20At pangalawa, sa GME7, maraming salamat.
09:24Pero hindi pa rin humuhu pa ang baha sa ilalim ng Tulaok Bridge at San Simon Interchange na epekto ng
09:30pag-apaw ng Pampanga River.
09:32Sa palara ng pagkawid ng maliliit na sasakyan, kapag binalas-malas, tirik ang aabutin.
09:39Kaya ang dating ilang minutong biyahe lang, mula San Fernando hanggang San Simon exit, inabot ng dalawang oras.
09:46Bala na rin sa trabaho eh.
09:48Supposed rin, nasa office na ako ngayon. Kaso, wala eh, traffic eh.
09:53Kaya nga po, may klase pa po ako eh.
09:56Sa Kabite po ako.
09:57Sa Kabite ka?
09:58Opo, AUP.
10:00Alauna po.
10:01Ako, abot ka ba niya?
10:02Baka hindi po.
10:04Lalong matindi kung mas malayo ang destinasyon.
10:06Na peperwisyo pati mga negosyo, tulad ng mga nagbabiyahe, nang dapat ay buhay ng mga manok.
10:13Marami sa mga ito, ay hindi na umabot ng buhay sa planta.
10:16Yung mga nangangamatay sir, gawa ng inet.
10:20At saka yung mahabang travel time mula dun sa planta, mula sa farm, papunta sa planta.
10:27Kaya kada hinto, kailangan magre-report kami para hindi charge siya amin yung mga namamatay na manok.
10:36Kahapon, mas mahaba pa ang pila ng mga sasakyan na umabot sa 11 km.
10:41Pero ang traffic, weekend pa talaga naranasan.
10:45Day 4 na ito ng Kalbario, kumbaga.
10:47Tila gusto pang habulin ang hanggang 7 araw na traffic dito sa Enlex noong August 2023 na umabot sa 15
10:55km.
10:57Tatlong taon na ang lumipas pero pareho pa rin ang problema.
11:01Ang pagbaha sa ilalim ng Tulaok Bridge.
11:04Kaya ang mga motorista, humihiling na huwag silang singili ng toll o kahit man lang bigyan ang discount ng Enlex
11:11operator.
11:11Dapat nga po yan, libre.
11:14Kasi parang doble dagok sa motorista, traffic na sa gas, babae pa ng toll fee.
11:22Napakataas, napakataas po ng rate nila.
11:26So at least 10% reduction.
11:30Pero wala pa rin desisyon ng Enlex sa ganyang demand.
11:34Definitely ang management namin na pinag-uusapan ito siguro kung anong pwedeng gawin.
11:39Pero as of now, wala pa pong advice na ganyan.
11:42Ang payo lang sa ngayon kung maliit ang sasakyan, mag-exit sa Balagtas o Santa Rita papuntang Maharlika Highway.
11:50Pagkatapos ay mag Central Zone Expressway pa na Evay Siha.
11:54Kanan papuntang T-Plex o kaliwa papuntang Subic.
11:58Ganon din ang daan para naman sa mga southbound na motorista.
12:02Medyo mahaba po talaga.
12:03Pagka naman po pinapasok kasi lahat dito, nagbabagal.
12:06Pabalik po tayo yung sitwasyon na 10 kilometers, 8 kilometers,
12:10na magiging 6 hours din po and more yung travel time po nila para makatawid.
12:21Vicky, maski pa pano ay bumababa na ang baha dito sa may Tulaok Bridge,
12:26maging dito sa aming kinalalagyan sa San Simon Interchange.
12:31Yan ay dala na rin siguro nung ginagawang pumping operation na di ba pang mga hakbang kontrabaha na ginagawa ng
12:39North Tucson Expressway.
12:40Pero ang problema rito, paano na kapag nasunda na naman ang mga matitinding pagulan?
12:46Vicky?
12:46Yun ang tatanungin ko, June. Magiging new normal na ba yung malahalimaw na traffic jam dyan sa NLEX?
12:53Nakapag malakas ang ulan, wala na uling galawan ang trafico. Ano bang pwedeng gawin?
13:01Kaya nga Vicky, sana naman huwag ito maging bagong normal dahil napakatindi rin talaga ng epekto sa ating mga kababayan.
13:09Pero yan siguro isang bagay na dapat ipaghandaan ng mga dumadaan dito dahil na rin dun sa tinatawag na climate
13:17change.
13:17At kasama na rin ako dun, dahil ako'y madalas ding dumadaan dito sa North Tucson Expressway dahil nakatira rin
13:23ako dito sa may bandang Mexico, Pampanga.
13:26Bagamat nauunawa natin, Vicky, na napakatindi nga nung binuhos na ulan nito mga nagdaang araw dahil na rin dun sa
13:33habagat.
13:34Pero ganito lang naman yung frustration ng mga kababayan natin.
13:36Nangyari na ito noong 2023, 3 years ago.
13:39Kung ano yung area na binaha noong tatlong taon na nakakaraan, mas matindi nga nun mga 15 kilometers yung baha.
13:46Yun na naman yung mga area na binabaha ngayon.
13:49So ang hinahanap ng mga kababayan natin, kasama na rin ako dyan, ay yung long-term solution.
13:54Kung yung daan o expressway ay itinaas dahil noong nangyari noong 2023,
14:00ay kasama na naman daw yan sa plano ngayon, tinatawag na long-term solution na pinag-aaralan ng NLEX na
14:06muling itaas yung expressway.
14:09Pero ano pa ba?
14:11Ang sabi nga ng mga kababayan natin, ginawa na yan dati, gagawin uli ngayon.
14:16Paano na? Kapag lumakas na naman ang ulan, ganyan na lang ba lagi?
14:21Tataas na itataas ang kalsada?
14:23Vicky?
14:24Ako, dami nating tanong.
14:25Sige, maraming salamat sa iyo, June Veneracion.
14:29Doble pa sa kitang kinakaarap ng ilang tagahagaw na ibulakan na binahana nga ipinagnakawan pa.
14:37Sa walong pinagihinalaang, mayroong pa rin mga minority edad.
14:42Nakatutok live si Maris Dumari.
14:44Maris!
14:48Mel, hindi na nga biro ang bahain, ang bahay at kabuhayan mo.
14:52Pero paano kung sa gitna pa ng kamalasang ito, e pag nakawan ka pa ng kapwa mo.
14:58Ganito nga ang kalunos-lunos na sinapit na ilang mga residente dito sa isang subdivision sa Hagonoy Bulacan na kinaroroonan
15:04ko.
15:09Habang pinapasok ng baha ang maraming bahay sa Hagonoy Bulacan noong isang linggo,
15:12may iba pang pumasok naman sa limang bahay ng isang subdivision ng nasabing bayan kasabay ng mga pagbaha.
15:19Iniwan itong sira-sira ang mga pintuan at ang mga gamit ni limas.
15:24Ang pintuan, sinira talaga mayroong force entry ang nangyari, kaya nagugulat kami na napasok na, natangay na ho pa na,
15:31nahalongkat na.
15:32Sa loob ng tatlong araw, walong lalaki ang nagpabalik-balik sa mga bahay.
15:36Madaling araw po nila na dadali, alas tres ng madaling araw, kung kailan talagang payapa at natutulog ang lahat.
15:44Nakapagpaalam pa sila sa gwardya at tinangay ang mga TV, refrigerator at mga split-type airconditioned.
15:49Pati mga makakapal na electric wire hinbiro pinatawad.
15:52Ang paalam po sa gwardya, mayroong nagpapahakot ng gamit para ilipat kasi siyempre po, hindi naman kami nakapagduda dahil sa,
16:03ang ano nila, mayroong homeowner na tumawag sa kanila para maglipat bahay.
16:08Doble dago kito sa mga nanakawan na inabandon na muna ang mga bahay dahil hindi na matiis, ang bahang di
16:14halos humupa-hupa.
16:16Sa mahigit tatlong daang bahay sa subdivision, tatlong porsyento o wala ng isan daan ang may nakatira.
16:22Ang mga naiwan, nagtitiis na lang.
16:24Wala namang malilipatan, napakahirap. Kung magpapatas ka naman, parang nagpagawa ng isang malaking kun, kapos naman sa budget.
16:35Dito po sa partikular na kalsadang ito matatagpuan ang limang bahay na nilooban.
16:39Tukoy na raw po na mga kinauukulan ang mga salarin na nasa edad 15 hanggang 21 anyos.
16:46Tatlong beses nagharap sa munisipyo at sa barangay ang mga suspect, kanilang magulang at kanilang mga biktima.
16:52Desidido ang ilang biktima na magsampan ang kaso at huwag tanggapin ang paghingi ng paumanhin ng mga suspect.
16:57Dahil po kung bibidyan daw po nila ma'am ng pagkakataon, e baka daw po ma'am na umulit daw
17:04po ulit, mag-uulit ulit lang daw.
17:06Isa po, nag-pile na po. Tapos yung dalawa po, dapat po nung nakaraang Tuesday, hindi po ma'am natuloy
17:12dahil sa nagkaroon po tayo ng bagyo po.
17:16Pinaikting na rin daw ang siguridad sa lugar.
17:18Tuloy-tuloy pa rin po yung pag-ronda, pati yung sa mga tricycle. Para po nakukuha na din po kasi
17:24tayo ma'am ng mga gasolina dito.
17:26Sa ibang bahagi ng hagonoy, normal na pamumuhay naman ang tila ninakaw sa mga residente. Ultimo pamamalengke, pahirapan.
17:33Mura po kasi paninda dito. O tapos, bakit mo kailangan ilagay sa plangka?
17:38Ano po, kasi po mahirap po magbuhat.
17:40Kaya matiyahing espinola na ang namimili para mailako sa kanilang lugar.
17:45Para po makatulong din kami sa ibang alangkakayanang bumili ng mahal, kanya po, mura na lang po namin binibenta.
17:52Sacrepiso mo, mahal po kasi pa masay.
17:54Gulay naman na nasa palanggana ang inilalako ni Nanay Pichy.
17:58Rolling po kami kasi madam eh, kailangan po tagailag sa batya kasi gawa nga po ng tubig.
18:03Ayan, high tide, malalaking tubig.
18:05Oo, wala kayong pwesto?
18:07Wala po, rolling lang po kami.
18:09Bakit?
18:10Eh, wala pa po kami po ng sapat lang po para po sa pambiling bigas.
18:14Binaklas na ref naman ang gamit ng iba para makabiyahe kung walang bangka o upgraded na tricycle o tikling.
18:21Ayon sa munisipyo, walo pang barangay sa Hagonoy ang Baha.
18:24Halos isang libong tao ang inilika sa labing siyam na evacuation center.
18:32Mel, sa buong maghapon ay hindi na umulan dito sa kinaroroonan ko.
18:37Pero kung makikita niyo po, ay tumataas pa yung baha.
18:40Dahil ayon sa mga kinauukulan, kapag daw nagsimulang mag-low tide na,
18:44dito dumidiretsyo yung tubig sa kanilang lugar.
18:47Kung baga, catch basin ito.
18:49Nakikiusap ang mga residente rito sa national government na sana raw bigyan ng pansin ang kanilang problema.
18:55Pero Mel, higit sa pansin, pag susumamo nila,
18:59e bigyan daw ng malinaw at efektibong solusyon ang problema nila sa baha.
19:03Mel?
19:05Maris, naku no?
19:06Walang kalaban-laban na nga yung mga kababayan natin.
19:09Nagsipunta na nga sa evacuation center para lumikas dahil sa baha.
19:13Tapos papasukin lang ng mga kawatan, walang mga konsensya, yung mga bahay nila.
19:20Paano na sila ngayon?
19:22Yung mga nagsilikas.
19:24Maris?
19:25Mel, tama ka.
19:28Walang konsensya, malinaw na pananamantala yung ginawa sa kanila.
19:32Imaginin mo na lang, makita mo yung ganito, kahirap na sitwasyon na kinaroroonan nila.
19:37Ako sa buong maghapon ko, Mel, na pananatili rito.
19:40Talagang ang hirap.
19:41Pero hindi ako dito nakatira. What more?
19:43Doon sa mga talagang residente rito na ganito araw-araw yung kanilang sinusuong.
19:48At Mel, buti na lang, yung ilang mga residente rito na ganoon nga ang nangyari,
19:55meron silang ibang matutuluyan, mga kaanak nila sa ibang bayan.
19:59Pero ayon sa kanila, hindi raw sila titigil sa pakikiusap, pagsusumamo sa kanilang mga kinauukula
20:05na talagang mas higpitan pa ang siguradad dito at tuloy din po ang kanilang panawagan
20:11at kanilang pangako na hindi raw sila titigil hanggat hindi mapapanagot ang mga salarin.
20:17At ang 24 oras ay nakikiisa sa panawagan na yan.
20:23Maraming salamat at ingat kayo ha, mali-zumali.
20:27Mga kapuso, bantay na ng matagpuan ng mga tauha ng Philippine Coast Guard
20:31ang 21 taong kulang na lalaking na paulat na nawawala matapos na mag-swimming sa Ilopasi.
20:38Kung paano siya natuntun, tunghayan sa aking pagtutok.
20:52Sa bahaging ito ng Pasig River, sakop ng barangay Bambang Pasig, huling nakitang lumulutang ang isang lalaki.
21:02Romesponde ang mga rescue diver ng Philippine Coast Guard Special Operations Group
21:06at makaraan ang halos kalahating oras na underwater search operation.
21:11Sir, dito nag-ano yung bangka?
21:13Ayun lang!
21:14Ayun lang!
21:16Bilaibin lang siya.
21:18Bilaibin lang siya.
21:19Hawakan mo, Bans!
21:21Nakuha nila ang biktima.
21:24Iniakon siya sa rescue boat kung saan siya agad nilapatan ng Cardiopulmonary Resuscitation o CPR.
21:31Pero hindi na narevive ang mahigit.
21:34Dalawampung taong gulang na biktimang si Kevin Tarlino.
21:38Mga kapuso, ako po ay kasalukuyang lulan ngayon ng tinatawag na Metal Shark.
21:43Ito po ay isang makabagong patrol boat ng Philippine Coast Guard.
21:47At kasama ko ngayon ang mga kawani ng PCG na Romesponde.
21:52Diyan niya ako sa search, rescue at retrieval operation na kanilang isinagawa sa barangay Bambang Pasig kahapon.
21:58Ang binabanggit po sa atin ng mga taga Philippine Coast Guard na ko sa diyahong napakahirap ng operasyon para nila
22:06makuha ang labi ng biktima dahil zero visibility sa ilalim po ng ilog.
22:15Kapaka pa lang sir. Pinakiramdaman ko lang sa ilalim sir kung kwan sir. Hanggang nakita ko yung bata sila.
22:21Mga tatlong beses kami nag-attempt sir eh. Yung pang tatlong beses na sir. Tsaka ako nawakan yung kamay sir.
22:26Nakadapa siya sir.
22:27Ah nakadapa?
22:28Nakadapa sir.
22:28Sa ilalim sir.
22:30Ayon sa mga otoridad, nagkaya ang mag-swimming ang biktima kasama ang kanyang mga pinsan kakapunang umaga.
22:36Nag-swimming itong tatlong magpipinsan. Dalawang lalaki, isang babae. Tapos sir ang yung victim natin nagkaroon ng leg cramps.
22:44So nalunod siya hanggang sa namising na siya na wala na talaga siya doon sa Pasig River.
22:49Malakas rin yung agos. Nasa 3 feet po yung mud dyan sir, yung borak.
22:53Ayon sa pamilya, hindi nagpaalam sa kanila na mag-swimming sa ilog si Kevin.
22:58Nalaman ko na lang ngayon ang hapon na nanaluno daw yung apo ko. Kaya sabi ko, sana nakinig siya sa
23:07akin.
23:08Ay niyayadong ng barkada.
23:15Ay akong nagpalakid niya sa batang niya.
23:19Nagulat din po kasi ako. Kasi hindi ko po akalain na ganun po yung mangyayari sa anak ko.
23:24Ayun, tumawag sa akin yung pamangkin ko. Yun, doon ko nalaman na patay na po si Kevin.
23:31Masakit po para sa akin mawala ng isang anak.
23:34Dahil sa trahedya, naghihigpit na raw ang mga otoridad sa lugar.
23:39Yan po ang ilog po natin ay hindi naman po dapat paliguan.
23:42So dapat po sana yung mga magulang po, huwag din po sanang hayaan, maligo po doon sa ilog.
23:48Samantala, isa pang bangkay ang lumutang sa Pasig River.
23:52Sakop naman ang Delpan sa Tondo, Maynila.
23:55Kinikilala pa ang biktima.
23:56Ang panawagan po ng Philippine Coast Guard ay mahigpit pong pinagbabawal ang pag-swimming sa Pasig River.
24:02Ito po ay hindi safe.
24:03Gawa na nga yung water quality kasi nito ay base doon sa pag-aaral ng ating DNR.
24:08Emil Sumangil, nakatutok 24 oras.
24:11Samantala, may good news ngayong Vermont sa singil ng kuryente dahil posibleng bago magpasko ay matanggalan na ang VAT sa
24:19system laws.
24:20Pero giit ng ilang customer, e bakit hindi buong system laws ang tapyasan?
24:25Gaya ng iniuutos ng Pangulo.
24:27Nakatutok si Bernadette Reyes.
24:32Nagpangabot na ang overdue at current bill ni Lita sa kuryente.
24:36Hirap na raw siya kahit anong tipid.
24:38Mabigat po kasi minsan naiiwan yung isang bill, yung present, yung current.
24:43Ngayon po, ano pong mga pagtitipid po ang ginagawa niyo ma?
24:46Wala, wala na pong aircon, wala nang rep.
24:48Kaya malaking tulong kung tuluyang maaalis ang singil sa system laws,
24:53kabila ng kuryenteng natural na nawawala kapag dumadaloy sa kable
24:57at kuryenteng ninanakaw halimbawa na mga gumagamit ng jumper.
25:04Mahigit isang buwan matapos ipaalis yan ni Pangulong Bongbong Marcos,
25:08May inilabas ng resolusyon ng Energy Regulatory Commission
25:12pero para lang alisin ang buwi sa system laws.
25:15Katwira ng ERC, gobyerno ang nagutos na isa itong pass-through cost
25:20at hindi bahagi ng kabuuan kita ng mga producer at distributor ng kuryente
25:25kaya hindi dapat buwisan.
25:28Ito sa ngayon ang magagawa dahil hindi na kailangan ng bagong batas mula sa Kongreso.
25:33Hindi na kailangan pa nahintayin ang pag-aamyenda sa epira
25:38o sa batas, NIRC.
25:41So ito ang minabuting gawin ng ERC sa pakikipag-usap din at ugnayan sa PIR.
25:50Iniakyat na ang hakbang sa Bureau of Internal Revenue
25:53dahil sila umano ang makakasagot kung paano ito ipatutupad.
25:58Ayon sa ERC, kailangan munang sangayuna ng Bureau of Internal Revenue
26:02ang naging resolusyon ng ERC.
26:04Pangalawa, kailangan din magkaroon ng pagbabago sa tinatawag na
26:08collection and billing system ng mga distribution utilities.
26:11Kaya ang tanong, kailang kaya ito mararamdaman ng mga consumer?
26:15Ayon sa ERC, maaaring bago magpasko, marereflect na ang pagbabago sa mga bill.
26:21Pero hindi naman bat lang ang gustong maalis.
26:25Maliit yun para sa atin, sa amin, diba?
26:30Yung aalisin na bat na yun na 12%.
26:33Maliit po, parang yung wala rin. Wala lang, hindi rin gumalaw.
26:37Kalahating kilong bigas. Wala pa.
26:40Eh, napakaliit lang din naman nun.
26:43Sa mahal na ngayon ng mga bilhin.
26:45Ang pag-alis sa mismong singil sa system laws, tinatrabaho pa ng ERC,
26:50Department of Energy o DOE, at National Electrification Administration o NEA.
26:55Mayroon naman na binabalangkas na ang Department of Energy
26:59kung paano yung ating gagawing pagtatanggal unti-unti ng system laws,
27:10both yung technical at non-technical,
27:13at paano ang pagtatanggal naman ito ay hindi makaka-apekto
27:17doon sa operasyon ng mga utilities.
27:20Sinusubukan pa namin kunan ng pahayagang BIR at Department of Energy.
27:25Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Horas.