00:00Hanggat meron pa rin mga lugar na binabaha,
00:03tinangangambahang patuloy pa rin tataas ang kaso ng leptospirosis
00:08at pinakamarami ang kaso sa Metro Manila, Region 2 at Region 3.
00:13Nakatutok si Oscar Oida.
00:18Kasama lang nila kamakailan, pero ngayon, pinaglalamayan na.
00:23Ganyan daw kabilis kinuha ng sakit na leptospirosis
00:26ang dating barangay kagawad na si Villardo Villaranda Jr., 50 anyos.
00:32Kaya naman labis ang pagtatalamahati ng kanyang mga naiwang kaanak.
00:37Nag-complain siya sa akin na yung three days po na may mga symptoms na siya.
00:44Then after na pina-check up ko po siya,
00:47two and a half days lang po yung nilaban namin sa hospital.
00:52After po nun, nabala na po siya.
00:55Suspets daw ng doktor, posibing nakuha ng biktima ang leptospirosis
01:00sa kanyang pagmamotorsiklo sa mga binahang lugar.
01:04Yung explanation sa amin ng doktor, kahit daw po hindi siya sumulong sa baha,
01:09yun daw po ang tubig na yung nasa kasada pa rin,
01:13kahit tumupa na ito, nakukonsider din siya na part siya ng tubig baha
01:17na pumasok po sa kanyang sapatos niya po.
01:21Na dialysis pa raw ang biktima, pero tila di na ito umubra.
01:27Nahirapan na po siya ang huminga.
01:28Actually, tinapat naman po kami ng doktor na severe na yung case niya
01:33kasi lahat ng symptoms ng leptospirosis na magbamanifest na po sa katawan niya.
01:40Malubahan na rin daw ang leptospirosis ng 40 anyos na si Jimmy Dunba
01:44nang isugod siya sa ospital.
01:47Hindi na po ako makalakad noong mga araw na yun,
01:49kumbaga po namamanas na po yung mga paakon.
01:51Bali po, two days na lang po before na lalaman na lepto na po talaga yung sakit ko,
01:57two days na lang mamamatay na daw po ako na ano,
01:59kasi malubahan na po talaga yung lepto ko noong time na yun.
02:01Pero di gaya ni Bilyardo, maswerte si Jimmy
02:05dahil naagapan pa rao ng dialysis ang kanyang kondisyon.
02:10May sinuguran po ako ng isang baha na hindi ko po namalayan na may sugat ako noon yung time na
02:15yun.
02:16Ang hirap po na magkaroon ng lepto, kumbaga hindi mo alam kung mamamatay ka na o mabubuhay ka.
02:21Kumbaga yung time na yun, ang akala ko lang talaga noon, mamamatay na po talaga ako yung time na yun.
02:25Kaya daw di niya maiwasang di malungkot kapag nakakakita siya ng mga taong tila
02:31di sineseryoso ang sakit na leptospirosis.
02:35Naliligo at nagsuswimming pa sa baha.
02:37Pag nakakakita po ako sa balita po ng mga nakalusong pa po sa baha,
02:41parang pila-pila pa po nila na hindi nila alam yung po ang magiging sanhin ng pagka-lepto po natin.
02:47Kumbaga tuwang-tuwa pa silang lahat.
02:51Yun po, parang maaawa rin po ako sa kanila kung sa kasakali magkaroon po sila ng lepto.
02:55Sa pinakahuling tala ng Department of Health, mayroong 5,486 na kaso na ng leptospirosis sa bansa
03:04mula January 4 hanggang August 27 ngayong taon.
03:09Pinakamarami ang kaso sa NCR, Region 2 at Region 3.
03:13Pusibling tumaas pa ang kaso na yan, lalot maraming lugar ang binaha sa kasagsagan ng pananalasa ng habagat nitong weekend.
03:22Sabi ng DOH, nakapag-deploy na sila ng karagdagang health professionals sa mga ospital
03:28na karaniwang pinagdadalhan ng mga tinatamaan ng leptospirosis.
03:33Patuloy namang paalala sa publiko, huwag babaliwalain ang leptospirosis.
03:37Agad magpatingin kapag nakakaranas na ng sintomas matapos sumuong sa baha.
03:43Oscar Oida, Nakatutok, 24 Oras.