00:00Itong August 27, isang malaking bahagi ng glacier sa Himalayas ang gumuho.
00:05Ang impact nito, naitala bilang magnitude 5.2 na seismic event.
00:10Kasama sa rumagasa pababa sa valley ang yelo, bato, putik at tubig,
00:15umabot ang malakas na surge sa China-Nepal border habang papalapit ito sa zero border crossing.
00:21Dito sa Tibetan side, nagsitakbuhan ang mga tao para iligtas ang kanilang buhay
00:26habang tinangay ng rumaragas ng tubig at debris ang isang building.
00:30Sa nangyaring ito sa Nepal, bakit nga ba dapat ikabahala ang mabilis na pagkatunaw ng mga glacier?
00:38Ang mga glacier ay parang mapagal na umaagos na ilog ng yelo,
00:42parang protective cover ng Earth at ng mga karagatan natin ng yelo.
00:46Dahil puti at maliwanag ito, nare-reflect nito pabalik sa space ang sobrang init mula sa araw
00:52dahilan para hindi masyadong uminit ang ating planeta.
00:55May ilan na daan hanggang libong taon na ang edad,
00:58kaya nagsisilbi rin silang rekord ng pagbabago ng klima sa paglipas ng panahon.
01:03At kapag pinagsama-sama, sakop ng glaciers at ice sheets ang tinatayang 10% ng kapuang land area ng Earth.
01:10Kapag natutunaw ang glacier sa normal na proseso,
01:13may nutrients na napupunta sa mga ilog, lawa at karagatan.
01:17Nakatutulong ito sa marine life at food chain,
01:19at nagbibigay rin ng tubig na mahalaga sa tao at wildlife, lalo na sa ilang rehyon.
01:24Balance ang glacier kapag pantay ang dami ng snow na naiipon dito,
01:28at ang dami ng yelong nawawala dahil sa pagkatunaw at iba pang proseso.
01:33Pero ang problema, rapidly melting na ang mga glacier dahil sa patuloy na pag-ingit ng Arctic.
01:39Ayon sa Glacier Mass Balance Intercomparison Exercise na proyekto ng European Space Agency,
01:4436% na mas mabilis nang natutunaw ang mga glacier ngayon kumpara sa nakalipas na dalawang dekada.
01:51Ayon sa World Wildlife Fund,
01:53mabilis nang natutunaw ang maraming glacier sa buong mundo mula pa noong early 1900s.
01:58Pangunahing dahilan nito ang human activities.
02:01Simula noong Industrial Revolution,
02:03tumaas ang pagdami ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gas emissions
02:08na nagdulot ng pagtaas ng global temperatures.
02:10Dahil dito, mas mabilis na natutunaw at nag-retreat ang glaciers.
02:15At kahit malaki ang mabawas sa emisyon sa mga susunod na dekada,
02:19mahigit one-third na natitirang glaciers sa mundo ay maaaring tuluyang matunaw bago mag-2100.
02:26Dahil nasa lupa ang glaciers,
02:27kapag natutunaw ang yelon ito,
02:29nadadagdagan ang tubig sa dagat at tumataas ang sea level.
02:32At kapag mas mataas ang sea level,
02:35mas lumalala ang coastal erosion.
02:37Mas mataas din ang tsansa na magkaroon ng storm surge.
02:40Habang ang umiinit na hangin at temperatura ng karagatan
02:43ay lumilikha ng mas madalas at matitinding mga bagyo.
02:47Kapag mabilis ang pagkatunaw ng glacier,
02:50maaaring lumaki ang glacial lakes.
02:52Kapag nag-overflow ang mga ito dahil sa mabilis na pagtunaw,
02:55ice or rock avalanches,
02:57maaaring magkaroon ng biglaang pagbaha downstream.
03:01Ang ganitong pangyayari ay tinatawag na
03:03Glacial Lake Outburst Flood o GLOF.
03:06Maaaring rin maharangan ng glacier ang isang skimo ilog
03:09at magsilping natural dam
03:11na maaaring mag-ipo ng malaking volume ng tubig
03:14na delikado kapag umapaw.
03:16Malayo man sa glaciers ang Pilipinas,
03:19direktang apektado pa rin tayo ng pagkatunaw ng mga ito
03:22dahil nakataragdag ito sa tubig sa dagat
03:25at nagdadulot ng pagtaas ng sea level.
03:27Mas mabilis lumalawak ang seawater
03:30sa may ingit na lugar tulad ng Pilipinas.
03:32Kaya habang mas maraming yelo ang natutunaw sa Arctic,
03:35mas tumataas din ang sea level sa atin.
03:38Ayon sa National Adaptation Plan,
03:40malaki ang inaasahang sea level rise sa Metro Manila
03:43pagsapit ng 2030 hanggang 2050.
03:46At noong 2025,
03:48nagbabala ang Climate Change Commission
03:50na hanggang 30% ng Metro Manila
03:52ay maaaring tuluyang malubog pagsapit ng 2040
03:56dahil sa rising sea levels.
03:58Kung magtutulungan ang mga bansa
04:00para maprotektahan ang glaciers,
04:02mas mapapabagal natin ang pagkatunaw nito
04:04at may iwasan ang masamang epekto nito
04:07sa mga komunidad na umaasa rito.