00:00Mga kapuso, sa bilis na mga balita, bawal maiwan.
00:03Kaya ang pinakamahalagang detalye ay bibigay namin sa loob ng ilang minuto dito sa UH Summary.
00:11Narito po ang mga ganap sa Day 21 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:16In summary.
00:18Sa simula pa lang ng trial kahapon, nagkaroon agad ng argumento.
00:22Sa pagitan ni na Defense Counsel Sheila Sison at House Prosecutor Benjamin Tolosa Jr.
00:27matapos tawagin ni Tolosa si POA na abogadong walang alam.
00:32Pumayag naman si Presiding Officer Chiesa Scudero na i-strike off the record ang pahayag na ito.
00:39Idineklara naman ang impeachment court bilang hostile witness si Atty. Michael POA
00:43kaya pwede siyang tanungin ang leading questions ng prosecution.
00:47Ang kay Atty. POA, wala siyang personal knowledge sa confidential funds ng DepEd.
00:52Nagsimula umano ang partisipasyon niya sa confidential funds ng ahensya
00:55nung matanggap ang COA Audit Observation Memorandum.
00:59Sa gitna ng impeachment trial, nagkaroon ng tensyon sa pagitan ni na Tolosa at Sison
01:03tungkol sa usapin ng pagbibigay ng reward sa mga nagbigay umano ng impormasyon sa DepEd
01:09gamit ang confidential funds.
01:11Nagkasagutan din na magkabilang panig batapos kontrahin ni Tolosa
01:15ang objection ni Sison at tawagin itong pag-pontificate.
01:20Nagkainit na din ang dalawang panig dahil sa ipinalabas na video ng isang house hearing noong 2024
01:26kung saan tinatanong ni Rep. Kate Flores si POA dahil ito raw ay third-party declaration.
01:32Sumang-ayong si Escudero sa objection ni Sison at sinabing
01:35diretsyong tanungin na lang si POA tungkol sa nasabing hearing.
01:38Sinabi naman ni Atty. POA na ipinalam daw niya kay VP Duterte na makikipag-ugnayan siya
01:44sa Special Dismersing Officer Kaugnay sa magiging tugon ng ahensya sa Audit Observation Memorandum o AOM
01:51na inisyo ng COA sa paggamit ng confidential funds.
01:54Ang tugon daw ni VP Duterte, copy.
01:59Ipinaliwanag din ni POA ang paghiling nila ng audit query sa COA
02:02imbes na Audit Observation Memorandum o AOM ay para lang linawin kung ano ang hinihingi ng COA
02:09mula sa DepEd kaugnay ng liquidation ng confidential funds.
02:14Halos tatlong minuto lang ang itinagal ng cross-examination ni Atty. Sison kay Atty. POA.
02:19Naging sentro nito ang usapin tungkol sa credit notice mula sa COA kaugnay ng confidential funds.
02:25Sa interjection ni Sen. Judge Erin Tulfo, tinanong si Atty. POA kung alam niya ang tungkol
02:31sa fictitious names gaya ni Mary Grace Piatos.
02:34Sabi ni POA, sa isinagawang pagdiniglang ng kamera noon niya nakita ang pangalan,
02:38wala raw siya nakita ang ganitong acknowledgement receipt nung siya ay nasa DepEd pa.
02:44Bino sisi naman ni Sen. Judge Alan Peter Cayetano ang kaibahan ng posibleng maging testimonya
02:49ni dating OVP Security Officer Col. Raymond Lachica kumpara sa mga naon ng testigo ng prosekusyon.
02:55Sabi ni Cayetano, iba yung Lachica sa Chica lang.
03:01Hindi naman naiwasang maglabas ang sentimiento ni Sen. Judge Subiri
03:04kaugnay ng bagong schedule ng impeachment trial sa Oktubre at Nobyembre
03:08para bigyang daan ng budget hearing.
03:10Anya, pagod na raw siya sa siksik na schedule ng Senado na susundan pa ng budget deliberation.
03:18Sa lunes, September 7, ang susunod na pagdinig sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
03:24Ito po si Susan Enriquez para sa UH Summary.
03:28Wait! Wait, wait, wait!
03:31Wait lang! Huwag mo muna i-close.
03:34Mag-subscribe ka na muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
03:38para lagi kang una sa mga latest kweto at balita.
03:41I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
03:45Thank you!
03:46Sige na!
Comments