Skip to playerSkip to main content
Nawalang parang bula ang libo-libong pisong ipinuhunan ng ilang nag-invest sa isang crypto-currency trading company. Pinangakuan ang mga biktima na mabilis na kikita ang kanilang pera. Pero nang ma-freeze ang kanilang account, hindi na pala nila ito mababawi.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi. .

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Na walang parang bula ang libo-libong pisong ipinuhunan ng ilang nag-invest sa isang cryptocurrency trading company.
00:07Pinangakuan ng mga biktima na mabilis nakita ang kanilang pera.
00:11Pero nang ma-freeze ang kanila account, hindi na pala nila ito mababawi.
00:16Saksi, Sibona Quino.
00:20Una raw na inganyo si Ronnie, di niya tunay na pangalan,
00:24na mag-invest sa isang nagpakilalang cryptocurrency trading company
00:28dahil sa nakita o manon niyang tinamasa ng mga kaibigang kumita rito.
00:32Nagpo-post siya na nagpapagwa siya ng bahay,
00:35galing dun sa kinikita niya mismo sa investment na yun.
00:39Next story din siya ng mga kinikita niya dun sa investment,
00:44mga screenshots na nakakapag-withdraw siya.
00:47Kailangan daw nila ng 1.5 million pesos para mapa-opera
00:51ang limang buwang gulang niyang anak na may congenital heart disease.
00:55Kaya isinugal nilang mag-asawa ang 50,000 pesos nilang ipon.
01:00Ang pangako sa kanila,
01:02kikita ng 1 milyong piso sa loob lang ng tatlong buwang cryptocurrency trading.
01:07Sa turo ng kaibigan,
01:09ipinasok nila sa isang crypto e-wallet app ang 50,000 pesos.
01:13Sa link umano na nakuha nila mula sa kumpanya,
01:16lumabas na na-convert ang kanilang 50,000 pesos sa US dollars.
01:20Nakapag-trade pa umano sila at kumita ang account nila ng 7 dollars.
01:24Pero laking gulat nila nang...
01:26Pagtingin namin doon sa account din namin,
01:30parang nakalock na or nakafreeze.
01:33Tama ba?
01:33Yung naman-access.
01:35Accessible pa rin, pero yung funds namin doon nakafreeze.
01:38Paano?
01:39Hindi namin siya ma-withdraw.
01:43Para umano ma-reactivate ang kanilang account,
01:46kailangan nilang magbayad ng 10,000 pesos.
01:49Ang sinasabi nilang nangyari is,
01:52na-hack daw kasi sila.
01:54So, para daw ma-verify yung account namin,
01:58kailangan namin mag-deposit.
02:00Pero promise nila na ibabalik nila yung di-deposit.
02:04Pero may kaltas na.
02:06Kasi doon sa 10K, parang 9,500 na lang ang babalik.
02:09Hindi na sila muling nagbayad dito,
02:11kaya't ang kanilang 50,000 peso investment
02:14naglaho ng parang bula.
02:16Na-freeze din daw ang account ng isa pang biktima
02:19na itago natin sa pangalang Romel
02:21na nag-invest ng 800 US Dollars.
02:24Noong July 28,
02:26yung account ko,
02:28naka-restrict na siya.
02:29Yung nag-recruit daw po sa akin,
02:31which is yung upline ko,
02:33ay parang may na-violate yata na.
02:35May na-violate yata na company.
02:38Dahil kumbinsido raw siyang
02:40mababalik pa ang kanilang account
02:41dahil hindi siya lumabag sa patakaran,
02:43muli raw siyang nagbukas ng account
02:46at nagpasok ng $800.
02:48Kaso,
02:49noong madaling araw ng August 25,
02:52sinabihan kami na
02:55kailangan daw namin mag-reactivation fee
02:58kasi daw lahat ng account namin ay naka-freeze.
03:02Yung reactivation fee ko ay $150
03:05pero hindi po ako nag-reactivate.
03:07Kinontak daw nila ang mga taga-trading company
03:10pero hindi umano naging malinaw ang sagot sa kanila
03:13at abandonado na rin daw ang kanilang group chat.
03:16Ayon sa Manila Police District Anti-Cyber Crime Group
03:19kung saan naghahain ang komplent
03:21ang isa sa mga biktima.
03:22Ang ganitong cryptocurrency scam,
03:25matagal nang nambibiktima
03:26gamit ang mga online messaging app.
03:29Posiblean nilang breakaway groups
03:30galing din sa mga scam hubs
03:32ang nasa likod nito.
03:34Ang unang po kasi dito is
03:36mapatikimin ka talaga ng kita
03:38pero mostly po ito yung mga sisimula,
03:41yung mga maliliit na lang na amount.
03:43Pagka lumaki na po,
03:44eh doon na po nila sasabihin na
03:47before mo maklaim to,
03:49kailangan mo ulit magdagdag
03:51hanggang sa lumaki nang lumaki
03:52yung investment mo na
03:55makikita ang paglago kunwari
04:02ng mga investment,
04:03manipulado raw.
04:04Ang isa pong titingnan namin dito
04:06is yung maano na biktima
04:08and kung nagkaroon ng transaksyon,
04:10is either magkaroon kami
04:12ng money trail
04:13or mag-apply kami ng
04:14warat to disclose computer data
04:15sa mga ginamit po
04:16sa mga na-involve ng mga accounts po
04:19doon sa naginamit ng sospec.
04:22Panawagan ng otoridad
04:23sa mga nabiktima
04:24magtungo sa pinakamalapit
04:26na anti-cybercrime group
04:27sa kanilang lugar
04:28at maghahain ng reklamo.
04:30Sana wag nilang ulitin
04:31sana makonsensya naman sila
04:34doon sa mga tao
04:35na iscam nila.
04:35Hindi nila alam
04:36ang pinagdadaanan
04:37ng mga tao
04:38na iscam nila.
04:40Hahabulin na tahabulin
04:41po talaga namin sila.
04:42Sinisikap namin
04:43makuha ang panig
04:44ng inereklamong
04:45cryptocurrency trading company
04:47pero wala pang sumasagot
04:48sa aming mensahe
04:49sa kanilang social media page.
04:51Ako si Bon Aquino
04:53ang inyong saksi.
Comments

Recommended