- 4 weeks ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong September 4, 2026
-3 bata, patay matapos masunog ang kanilang bahay sa Brgy. Addition Hills
-PAGASA: Malakas na Habagat, nagpapaulan ngayon sa Luzon at Visayas
-Ilang bahagi ng Brgy. Santa Fe, nalubog sa lahar; eskwelahan at kabuhayan ng mga magsasaka, apektado
-Landslide, naitala sa bahagi ng Marilaque Highway sa Baras
-Gutter-deep na baha, naranasan sa isang kalsada sa Las Piñas
-3, sugatan matapos masalpok ng motorsiklo; rider, napaamin ng mga biktima na lasing noon
-Lalaki, patay matapos matabunan ng lupa habang pauwi galing sa trabaho; 4 na katrabaho, ligtas
-35-anyos na lalaki, patay matapos anurin sa ilog; kanyang 7-anyos na anak, hinahanap pa
-Sen. Zubiri: Pagbaba sa botong kailangan para ma-convict si VP Duterte, napag-usapan uli ng senator-judges
-Alex Eala, pasok sa round of 32 ng U.S. Open matapos niyang matalo si Oleksandra Oliynykova ng Ukraine
-Michelle Dee, loud and proud ang pagrampa sa Manila Fashion Week Day 1
-INTERVIEW: DOE-OIMB DIRECTOR RINO ABAD
-College student, arestado matapos magpanggap na na-kidnap para makapangikil ng pera sa mga magulang
-Ph Statistics Authority: Inflation rate nitong Agosto, bumagal sa 6.1%
-Kotseng lumipat ng lane, nakabanggaan ang isang water tanker; driver ng kotse, sugatan
-Dayuhan at 2 Pinoy, arestado dahil sa umano'y pananakit sa isang babae; Makati Police: Tangkang pagnanakaw ang nangyari
-INTERVIEW: PALACE PRESS OFFICER USEC. CLAIRE CASTRO
-Malakas na ulan at hangin, halos buong magdamag naranasan sa ilang bayan sa Zambales
-INTERVIEW: PAGASA WEATHER SPECIALIST BENISON ESTAREJA
-DOH, nagisa sa Senado kaugnay sa proposed 2027 budget
-Dating DPWH Sec. Bonoan, nakalabas na sa PNP General Hospital kasunod ng Sandiganbayan release order
-Sunday chismisan sa "Kalurks!," simula na sa September 13; host na si Ashley Rivera, naging emosyonal sa mediacon
-CBB: Energetic na pagsalubong ng aso sa empleyadong papasok sa trabaho, hatid ay good vibes
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
-3 bata, patay matapos masunog ang kanilang bahay sa Brgy. Addition Hills
-PAGASA: Malakas na Habagat, nagpapaulan ngayon sa Luzon at Visayas
-Ilang bahagi ng Brgy. Santa Fe, nalubog sa lahar; eskwelahan at kabuhayan ng mga magsasaka, apektado
-Landslide, naitala sa bahagi ng Marilaque Highway sa Baras
-Gutter-deep na baha, naranasan sa isang kalsada sa Las Piñas
-3, sugatan matapos masalpok ng motorsiklo; rider, napaamin ng mga biktima na lasing noon
-Lalaki, patay matapos matabunan ng lupa habang pauwi galing sa trabaho; 4 na katrabaho, ligtas
-35-anyos na lalaki, patay matapos anurin sa ilog; kanyang 7-anyos na anak, hinahanap pa
-Sen. Zubiri: Pagbaba sa botong kailangan para ma-convict si VP Duterte, napag-usapan uli ng senator-judges
-Alex Eala, pasok sa round of 32 ng U.S. Open matapos niyang matalo si Oleksandra Oliynykova ng Ukraine
-Michelle Dee, loud and proud ang pagrampa sa Manila Fashion Week Day 1
-INTERVIEW: DOE-OIMB DIRECTOR RINO ABAD
-College student, arestado matapos magpanggap na na-kidnap para makapangikil ng pera sa mga magulang
-Ph Statistics Authority: Inflation rate nitong Agosto, bumagal sa 6.1%
-Kotseng lumipat ng lane, nakabanggaan ang isang water tanker; driver ng kotse, sugatan
-Dayuhan at 2 Pinoy, arestado dahil sa umano'y pananakit sa isang babae; Makati Police: Tangkang pagnanakaw ang nangyari
-INTERVIEW: PALACE PRESS OFFICER USEC. CLAIRE CASTRO
-Malakas na ulan at hangin, halos buong magdamag naranasan sa ilang bayan sa Zambales
-INTERVIEW: PAGASA WEATHER SPECIALIST BENISON ESTAREJA
-DOH, nagisa sa Senado kaugnay sa proposed 2027 budget
-Dating DPWH Sec. Bonoan, nakalabas na sa PNP General Hospital kasunod ng Sandiganbayan release order
-Sunday chismisan sa "Kalurks!," simula na sa September 13; host na si Ashley Rivera, naging emosyonal sa mediacon
-CBB: Energetic na pagsalubong ng aso sa empleyadong papasok sa trabaho, hatid ay good vibes
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Category
🗞
NewsTranscript
00:30Itong bata ang nasawi sa sunog sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong.
00:34Ayon sa BFP, naiwan ang mga bata sa bahay dahil nagtatrabaho ang kanilang mga magulang.
00:40Balita natin ni Gabriel Gonzalez.
00:47Pasad o las 7 kagabi nang sumiklab ang apoy sa ikaapat na palapag ng isang bahay sa Block 39, Barangay
00:54Addition Hills, Mandaluyong.
00:55Unang gumamit ng fire extinguisher ang isang residente pero patuloy pa rin ang paglalagablab ng apoy.
01:02Tumulong na rin ang iba pang mga residente.
01:05Nagpasahan sila ng mga balde ng tubig.
01:07Makalipas ang ilang minuto, naapula na ang apoy.
01:10My God! May bata kasi gano'y.
01:13Nang mapasok ng mga otoridad ang kwarto sa fourth floor, natagpuan ang bangkay ng magkapatid na edad apat at dalawang
01:21taong gulang.
01:22Nakita rin sa labas ng kwarto ang kanak nilang pitong taong gulang na batang babae.
01:27Nagtamuraw ng matitinding paso sa katawan ng bata na kanilang isinugod sa ospital pero huli na ang lahat.
01:34Yung dalawa po ay natagpuan po natin sa mismong fire scene na dead on the spot.
01:40Yung isa naman po ay naisugod pa sa ospital pero kalaunan ay dineklaro din na dead on arrival.
01:46Makalipas ang ilang oras, naibaba na ang labi ng dalawang bata.
01:50Ayon sa BFP, naiwan ang mga bata sa bahay dahil nasa trabaho ang kanilang mga magulang.
01:56Labis naman na nagluloksa ang kanilang mga magulang.
01:59Hindi pa sila nagbibigay ng pahayag.
02:01Sa tansya ng BFP, nasa 200,000 piso ang halag ng pinsala sa ari-arian dahil sa sunog.
02:09Hanggang ngayon, under investigation pa rin siya.
02:11Pero ang aming find out is yung source or yung origin ng fire.
02:16Doon lang po talaga siya sa court floor.
02:17Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
02:22Malakas ulit ang habagat sa Luzon at Visayas ayon sa pag-asa.
02:26Nahahatak pa rin kasi ito ng dating bagyong tilandok na ngayong lumayo na sa bansa.
02:31Pagtatagal yan hanggang bukas.
02:33Binabantayan pa rin ng tropical depression na nasa Pacific Ocean.
02:37Mahigit sa'n libong kilometro ang layo nito sa silangan ng extreme northern Luzon.
02:42Ayon sa pag-asa, maliit ang tsansa ng nasabing bagyo na pumasok sa PAR.
02:46Sa ngayon, may thunderstorm advisory sa ilang bahagi ng Palawan, Occidental Mindoro at Antique.
02:53Tatagal yan hanggang 11.20 ngayong umaga.
02:56Hanggang alas 11.30 naman sa ilang panig ng Lano del Norte at Lano del Sur.
03:01Habang tatagal hanggang 11.43 ngayong tanghali ang thunderstorm advisory sa ilang panig ng Iloilo.
03:08Nakataas naman ang thunderstorm advisory hanggang pasado alas 12 ng tanghali sa ilang bahagi ng Aklan, Antique, Iloilo, Gimaras at
03:16Occidental Mindoro.
03:18Thunderstorm watch naman ang nakataas sa Ilocos Norte, Aurora at Cagayan.
03:22May kaparehas ding babala para sa Misamis provinces, Camigin, Lano del Norte at Bukidnon.
03:29Tatagal po yan hanggang alas 10 mamayang gabi.
03:33Nalubog sa lahar ang ilang bahagi ng barangay Santa Fe sa San Marcelino Zambales.
03:39Kabilang po ang Santa Fe National High School na apot binti ang lahar.
03:43Nakikipag-ugnayan na ang munisipyo sa Department of Education para mapabilis ang paglilini sa paaralan.
03:49Apektado rin ang kabuhayan ng mga residente dahil hindi na mataniman ng palay at mga gulay ang kanilang mga lupain
03:57na binalot ng lahar.
03:59Kinailangan namang ayusin ang kahoy na tulay na nagdurugtong po sa hilaga at timog na bahagi ng barangay
04:05para maituloy ang pagbibigay tulong sa mga nasalantang pamilya roon.
04:10Ayon sa San Marcelino LGU, idedeklarang no-build zone ang timog na bahagi ng barangay.
04:16Kaya sa hilagang bahagi na ito, itatayo ang barangay hall at paaralan.
04:21May pangmatagalang plano na rin daw para sa pagkatayo ng mga bagong infrastruktura doon.
04:28Nagmistulang ilog naman ang ilang kalsada sa Vigan, Ilocosur, kaya nahirapan sa pagbiyahe ang ilang motorista.
04:35Ayon sa ilang residente, bunsod po yan ang mabilis na pag-apaw ng mga kanal matapos ang pagulan.
04:41Na hulikam naman ang pagbagsak ng mga bato sa isang kalsada sa barangay Urzadan sa Suyo.
04:49Naranasan din po ang malalakas na ulan at hangin sa lawag Ilocos Norte.
04:53Halos nag-zero visibility sa ilang kalsada.
04:59Nagka-lanslide naman ngayong umaga sa Baras Rizal.
05:02Hindi mataanan ang lahat ng uri ng sasakyan ang bahagi ng Marilaki Highway bago dumating sa Palo Alto sa barangay
05:08Pinugay.
05:08Ayon sa Disaster Risk Reduction and Management Office ng Baras, lumabot ang lupa kaya nagkaroon ng landslide.
05:15May malalaking tipak ng bato ang kasama sa dumausdos pababa sa kalsada.
05:20Hindi para waga dito magagalaw dahil may nakikita pang paggalaw ng lupa.
05:24Nakipag-ugnain na ang local officials sa DPWH para sa gagawing clearing operations.
05:31Sa Metro Manila naman, pabugsubugsong pagulan ang naranasan simula pa kaninang madaling araw.
05:37Sa Las Piñas, gutter deep na baha ang naranasan sa isang kalsada na nagpabagal sa daloy ng trapiko.
05:43Humupa rin daw yan matapos ang 30 minuto.
05:46Sa Quezon City, malakas na buhos ng ulan ang naranasan sa ilang kalsada na nagpahirap sa biyahe ng mga pasahero.
05:54Ilang bahagi rin po ang halos mag-zero visibility na dahil sa lakas ng ulan.
05:59Wala namang naitalang pagbaha sa ilang kalsada sa Manila kasunod ng malakas na buhos ng ulan.
06:04Hanging habagat pa rin po ang nagdudulot ng malakas na ulan sa ilang bahagi ng Luzon.
06:12Sugatan ang tatlong bystander matapos araruhin ng isang motorsiklo sa Antipolo City.
06:18Ang nakabanggang rider na paamin ng mga biktima na lasing siya noong pong nagmamaneho.
06:24Balitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
06:30Nagkukumpulan sa sidewalk ang pitong magkakaibigan sa bahagi ng Marcos Highway sa barangay Mayamot, Antipolo City.
06:36Pasado alas 12 ng hating gabi nitong lunes.
06:39Nang bigla silang masalpok ng humaharurot ng motorsiklo.
06:43Sa lakas ng pagkakabanga, tumila po ng ilan sa kanila.
06:47Natumba rin ang mga motorsiklo.
06:50Agad namang rumisponde ang mga tauhan ng Antipolo City Rescue.
06:53Kabilang sa mga nasugatan, ang magkasintahang John Michael at Cara Angela.
06:59Abang ano, iniilawan namin yung motor niya.
07:02Then mamaya-maya, pag lingon ko, may mabilis na motor.
07:07Then ayun na, ako, pati yung mga ka-friend ko, ayun lumipad.
07:10Lalo yung girlfriend ko, ang lahat din talaga ng linipad niya.
07:13Para talaga kami binouling na parang billiard na sinargo.
07:17Iniinda ko na lang yung likod ko.
07:20Hindi rin ako makapagtrabaho.
07:22So, hindi rin namin expect kasi nasa tabi naman po kami.
07:26Tapos, ganun yung mayayari sa amin.
07:30Kinailangang tahiin ang sugat sa binti ni John Michael.
07:33Habang ang isa pa niyang kaibigan, nakabenda ang bukong-bukong.
07:37Ang sabi raw ng rider, naharangan ng helmet ang kanyang paningin.
07:41Pero kalaunay na paamin daw nilang lasing siyang nagmaneho.
07:45Sabi niya po, nakainom daw po siya konti.
07:48Kakagaling lang daw po nilang binyagan po.
07:51Matapos ang insidente, nag-arap ang mga biktima at rider sa police station.
07:56Binigyan po namin siya ng one week para mabayaran yung mga danios na ginawa niya sa amin.
08:02If possible naman po na hindi siya tumupad sa usapan,
08:07pwede po namin siyang kasuhan.
08:08Sabi din po ng mga pulis.
08:11Tumangging magbigay ng pahayag ang nakabanggang rider.
08:13Pag lasing, pag nakainom, hanggat maari po sana, huwag nang magmaniho.
08:18Palipas muna, mahirap po ang magmaniho ng lasing.
08:22Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
08:30Patay ang isang lalaki matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Labrador, Pangasinan.
08:35Sa investigasyon ng pulis siya, pauwi na sana galing trabaho.
08:38Ang 26 anyos na biktima at kanyang apat na kasamahan nang mangyari ang insidente.
08:44Ligtas ang apat niyang katrabaho.
08:46Nakasabay niya sana ang umuwi o uuwi noon.
08:49Naniniwala ang pamilya ng biktima na aksidente ang nangyari.
08:53Wala rin nakikitang foul play ang pulis siya.
08:56Nagbigay na ng tulong pinansyal sa mga naulila ang pinagtatarabauhang kumpanya ng biktima.
09:04Nagkaroon din ng landslide sa barangay Gisad, Gisad Surong sa Baguio City.
09:08Dahil sa tuloy-tuloy na pagulan, ayon sa Baguio City Public Information Office,
09:13bahagyang nasira ang isang bahay roon.
09:15Inilikas na ang anim na apektadong residente.
09:19Patuloy naman ang clearing operation sa natabunang kalsada sa barangay Ampukaw, Itogon, Benguet.
09:24May naitalaring slope erosions sa barangay Ukab at Tinongdan.
09:29Sa Atok, nagpapatuloy ang clearing operation sa landslide sa Tulodan-Kanatingan Provincial Road na one-lane passable na.
09:37Pansamantala namang isinara ang Sabangan-Bauco Road sa Mountain Province dahil sa pagguho ng bahagi ng bundok.
09:46Patay ang isang lalaking 35 anyos matapos anurin sa ilog sa Botolan Zambales.
09:52Ayon sa Philippine Coast Guard, pauwi na sana ang biktima at kanyang anak na nakasakay.
09:56Sa kalitong hinihila ng kalabaw, nang tangayin ng malakas na agos ng tubig mula sa bundok,
10:03agad nagsagawa ng search and rescue operations ang mga otoridad, pero hindi agad nakita ang mag-ama.
10:09Sa bahagi ng isang baybayin, natagpuan po ang bangkay ng nakatatandang biktima.
10:14Patuloy na hinahanap ang pitong taong gulang niyang anak.
10:24Napag-usapan ulit ng Senator Judges na ibaba ang bilang ng boto na kailangan para sa hatol
10:29kay Vice President Sara Duterte ayon kay Sen. Mig Zubiri.
10:33Ayon sa konstitusyon, two-thirds o labing-ani mula sa 24 na senador ang kailangan para ma-convict ang vice.
10:40Yan din ang sinabi ni Impeachment Court Presiding Officer Chisis Codero sa unang araw ng impeachment trial noong July 6.
10:47Pero dahil kulang ang mga senator-judge na nakakadalo sa impeachment trial,
10:52maaaring mas kaunti rin ang boto na kailangan para sa hatol.
10:55Nakakulong si na Sen. Jingo Estrada at Sen. Rodante Marcoleta.
10:59Nagtatago naman sa Sen. Bato de la Rosa na wanted ang International Criminal Court.
11:04Naka-medical leave naman sa Sen. Loren de Garda simula pa August 3.
11:09Sabi ni Zubiri, posibleng tapos na sa Desyembre ang impeachment trial.
11:14Buong araw ay niya ang trial sa October 1 at 2, October 5 hanggang 9 at October 12 hanggang 15.
11:21Bukod sa impeachment trial, nagsimula na rin ang mga pagdinig para sa 2027 national budget
11:27at iba pang pagdinig at pulong para pag-usapan ng mga panukalang batas.
11:32Sa dami ng dapat gawin, nilinaw ni Zubiri ang kanyang naunang pahayag na pagod na pagod na siya.
11:40Sa totoo lang, Mr. President, Mr. Presiding Officer, pagod na pagod na ako.
11:4412-hour days po tayo dito. From 9 to 9, nandito po tayo.
11:48So you're not complaining, sir? You're just being honest?
11:51I'm being honest. It doesn't matter kung pagod na pagod ako.
11:54Gagawin namin ang aming tungkulin bilang senador at impeachment court judges.
11:58If we have to work 24-7, gagawin namin 24-7.
12:08Pasok na sa round of 32 si Pinay tennis star Alex Ayala matapos manalo sa second round ng US Open
12:15kanina.
12:15Sa round of 64, natalo ni Ayala ang Ukrainian tennis player na si Oleg Sandraulini Kuva.
12:22Sa first set, nakuha ni Ayala ang lead at nanalo sa score na 6-1.
12:27Sa second set naman, bahagyang nakalamang ang kalaban niya.
12:31Pero nakabawi si Ayala at muling nakuha ang set sa score na 6-4.
12:36Mga kalaban niya sa round of 32 si Eva Jovic.
12:40Sa isang interview, ipinahiyag ni Alex kung gaano siya kaproud na lumaban para sa Pilipinas.
12:49Well, I think, you know, everybody represents something in their own way.
12:55I'm Filipino and I proudly represent that.
12:58And a lot of the crowd here today is Filipino and I'm sure they share in that sentiment.
13:04And yeah, I'm proud of what I represent.
13:12Pambaong latest for the weekend, Slay.
13:15Si Sparkle star Michelle D. sa day 1 ng Manila Fashion Week.
13:20First look si Michelle sa collection ng isang young Pinay fashion designer.
13:25Suot niya ang isang sheer dress na may nakasulat na tibo all over it.
13:30Wear it with pride ang eksena ni Michelle bilang isang loud and proud bisexual.
13:35Happy raw si Michelle to be walking again sa Manila Fashion Week.
13:39Chika ni Michelle, isa pang nagpapasaya sa kanya.
13:42Ang Red Crown movie na dapat abangan this October.
13:48I really advise GMA Pictures for it.
13:51They're going so out of the box but also delivering something so familiar to us Pinoy.
13:56And promise ko po, sa lahat itong manonood, magugulat kayo sa mangyayari.
14:02Kung opener si Michelle, pasabog as finale model naman, si Nadine Lustre para sa isang clothing brand.
14:08Sa Manila Fashion Week pa rin.
14:11Denim on denim ang suot niyang corset, pants at train.
14:14Samantala, very happy raw si Nadine sa positive reception ng fans sa Love, Siargao na pinagbibidahan nila ni Alden Richards.
14:23Ang View Original Series na yan, mapapanood na rin sa GMA Network at GTV simula sa September 28.
14:31Ang isa raw sa mga naging sangkap nila sa success, ang friendship ng cast na nadala nila off-camp.
14:39It's really hard to find friends in the showbiz industry and even outside of work and even outside of Love,
14:45Siargao.
14:45We still talk, we still see each other, we still hang out.
14:54Kaugnay po sa magiging galaw ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
14:58Makakapanayin po natin si DOE Oil Industry Management Bureau Director Vino Abad.
15:03Magandang umaga po Director Abad, si Connie Sison po ito.
15:07Magandang tanghali, Ma'am Connie, at magandang tanghali sa ating mga kababayan po.
15:12Sir, ano po ang oil price outlook natin para sa susunod na linggo?
15:18Ma'am Connie, may inaasahan tayo, napakalaki ho ang chance na asahan natin yung increase next week on gasoline, diesel
15:30and kerosene.
15:31Ang LPG ho natin, ginagawa lang ho ang increase na yan on a monthly basis.
15:36So, wala ho tayong aasahan next week for the LPG.
15:40But for the September 1, for the whole month of September, mayroon ho tayong na-announce na 40 centavo per
15:47kilogram na decrease doon sa LPG.
15:50Okay. Sa gasolina, sa diesel, mayroon ho ba tayong projection?
15:56Well, ang estimate ho natin ay makafinalize ngayong Saturday, Ma'am Connie, kasi kinocompute ho natin yung 5-day trading.
16:05Pero ang ating panawagan na sa ating mga kababayan, mas maigi na ho na mag-gas na ho sila over
16:15the weekend until Monday.
16:17At huwag na ho nila paabutin yung Tuesday sa umaga kasi mag-i-implement na ho ang mga oil company
16:24ng increase.
16:25At kabusta ho ang reserves natin ngayon ng supply ng gasolina at diesel sa bansa?
16:30Well, wala ho tayong nare-receive o nakikitang oil report na mayroong pagbabago doon sa supply
16:40o mga karagdagang supply disruption from other parts ng mundo, except lang doon sa Persian Gulf.
16:49But itong nangyayaring supply disruption sa Persian Gulf, mukhang nag-adjust na ho tayo dyan.
16:56At may mga ibang bansa na ho na alternative supplier ng Pilipinas for that gap doon sa ating Persian Gulf.
17:06So, we are able to maintain today.
17:10Actually, this is the update noong Friday last week.
17:14Every Friday kami, Ma'am Connie, nag-update sa mga oil company report.
17:19At itong last week na Friday, ang ating pong gasolina, umabot halos ng 47 days ang available natin.
17:29Supply, ang diesel around 45, ang LPGO natin around 35.
17:35Ang minimum requirement lang ho natin under the regulation ng DOA for gasoline and diesel 15 days.
17:42So, medyo may kataasan ho ang available supply natin ngayon.
17:45At doon nabang sa LPG na 35 days, ang ating available supply, ang ating lang minimum doon ay 7 days.
17:53So, medyo mataas din po tayo sa supply sa LPG.
17:56And as always, kapag ganito ho sumasapit yung taglamig, di ba,
17:59nagkakaroon po ng supply demand na mga problema rin dahil tumataas din po yung demand naman sa mga malalamig na
18:07bansa.
18:08Yung ating pong supply, bukod doon sa Middle East na gera po dyan, itong first quarter,
18:14meron ho ba tayong nakikita pa mga iba pang sources like you mentioned a while ago?
18:19Ano-ano ho ba yung mga tinitingnan natin iba pang mga sources para sa produktong petrolyo?
18:25Ma'am Connie, ang mga bago ngayon, of course, masasabi ko ano,
18:29nagsimula na rin tayo sa crude oil ng petron.
18:32May nakuha na tayong panibagong supplier, bigla itong, bago na ito sa 2020 is yung Russia, no?
18:41Okay.
18:41And bago din yung Egypt, no?
18:44Kasi hindi ito masyadong apektado doon sa Persian Gulf.
18:47But the rest, meron pa rin ho tayo nakukuha from Saudi Arabia at from Iraq.
18:55Persian Gulf ito, but please note yung Saudi,
18:59meron ho kasi silang pinagkukuha ng mga stored or reserved oil outside of Persian Gulf.
19:08Meron ho mga tanki ho ang Saudi Arabia outside of Persian Gulf.
19:13Kaya nakakapag-release pa rin sila.
19:16At meron silang petrolye, yung palabas dito sa Red Sea.
19:20At doon nakakalabas pa rin po ang supply ng Saudi Arabia.
19:24At tuloy-tuloy pa rin naman.
19:25The rest, ano ma'am po ninyo, palagi naman tayong kumukuha na niyan,
19:30yung galing Brunei, galing Malaysia, of course yung dati Kuwait pero hindi masyado ngayon.
19:41Ang Oman wala ho ngayon, ang Qatar wala ho ngayon.
19:44Pero napalitan naman ho ito ng Brazil, Brunei, meron na ho tayo.
19:49So may mga panibago tayong supplier na nakapagpuno doon sa nawalang,
19:55ang makikita kong nawala dito, Kuwait, Oman, Qatar.
19:59Ang United Arab Emirates, tuloy pa rin ho tayo hanggang ngayon.
20:03At yung sa supply po ng Russia, stable ba yun?
20:06Kasi sila mismo ho doon, nakakaproblema sa kanilang bansa.
20:10Ah, well, ito yung mga period, Ma'am Connie, na nangyari noong first quarter
20:16na merong period of waiver na binigay ang U.S.
20:22So recorded ho natin ito, ang tinitingnan ko, yung first quarter ng 2026,
20:27meron ho tayo nakuha doon.
20:29But you're correct, hindi ho yun indefinite.
20:32So ang alam namin, nag-end na yung waiver ng U.S.
20:38doon sa, kasi sanctioned ho itong supply ng Russia.
20:42But at that time na may period tayo of waiver,
20:47nakakuha ho tayo doon ng supply.
20:48Alright, marami pong salamat sa inyong oras na ibinahagi sa amin
20:52dito sa Balitang Hali, sir.
20:54Opo, magandang tanghali ulit, Ma'am Connie, at ating mga kababayan po.
20:57Yan po naman, si DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad.
21:02Bistado ang isang college student sa Lipa, Batangas na nagpanggap na na-kidnap
21:06para makapangikil ng pera sa kanyang magulang.
21:09Pag-amin ang estudyante, yan ang naisip niyang paraan para makabayad sa utang
21:14mula sa pagsusugal.
21:16Ang mainit na balita hati ni John Consulta.
21:24Umiiyak.
21:26Sorry po.
21:28Mahal na bahad ko po kayo.
21:32Kung ano ba po po yan, sa akin kayo, tatadya po na.
21:37Kung ano na mahal ko po kayo.
21:39At tila nagahabilin ang 19-anyos na college student, ayan,
21:43na biktima o mano ng Kidnap for Ransom.
21:45Sa online message na natanggap ng kanyang magulang mula mismo sa account ng estudyante,
21:50300,000 piso ang ransom na hinihingi para sa paglaya ng estudyante.
21:55Dalawang oras lang din ang ibinigay na palugit.
21:58Doon na nagsumbong sa pulisya ang nanay ng estudyante.
22:01Buksan mo rin.
22:03Sa isinigawang operasyon ng pulisya,
22:06natuntun sa isang hotel sa Calamba, Laguna ang estudyante.
22:09The help ng ating Calamba CCPS, PNP, ganun din ang anti-kidnaping group,
22:17ay nalocate natin yung bata sa isang hotel sa Calamba.
22:22Nakipag-negosyasyon pa sila hanggang makumbinsi ang tao sa loob
22:25na buksan ang pinto at harapin ang pulisya.
22:28Doon na pag-alaman na mag-isa lang ang estudyante sa kwarto
22:31at mag-isa lang siyang pumasok doon base sa CCTV ng hotel.
22:36Nabisto rin gawa-gawa niya lang ang kidnapping.
22:40Arestado ang suspect na aminado sa krimen.
22:42Gagamitin daw niya sana ang pera, pambayad ng utang sa sugal.
22:48Bako ang utang sa utang,
22:50gagawa ng lending up,
22:51and sobra akong natakot na hindi ang gabayaran nito,
22:55kaya iyon ang ginawa kung may parang malilang masolusyonan yung problema.
23:00Sinampaan siya ng pulisya ng reklamang paglabag sa Article 154
23:05ng Revised Penal Code o Unlawful Use of Means of Publication
23:09and Unlawful Otherances in Relation to Anti-Cybercrime Law.
23:13Sinusubukan ko na ng pahayag ang magulang ng suspect.
23:16John Consulta, nagbabalita para sa GMA News.
23:23Mainit na balita sa ikaapat na sunod na buwan,
23:26nagbumagal ang inflation o antas ng pagmahal ng mga produkto at serbisyo sa bansa
23:31ayon sa Philippine Statistics Authority.
23:34Ayon sa PSA, 6.1% ang inflation rate nitong Agosto.
23:38Bagyang mas mababa kumpara sa 6.2% inflation noong Hulyo.
23:42Sabi ng PSA, ilan sa mga nagambag sa pagbagal ng inflation
23:46ay ang pagbabaan ng presyo ng mga gulay tulad po ng kalabasa.
23:51Mumagal din ang pagtaas ng presyo ng seafood gaya ng bangus.
23:55Nakaambag din po sa mas mababagal na inflation
23:58ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng kuryente.
24:02Ang inflation nitong Agosto ay pasok sa 5.5% hanggang 6.5% rejection
24:07ng Banko Sentral ng Pilipinas.
24:09Ayon sa BSP, babantayan nito ang epekto ng masamang panahon
24:13at nagpapatuloy na gulo sa Middle East sa ekonomiya at inflation sa bansa.
24:24Sugatan ang driver ng isang kotseng bumangga sa isang truck sa Mandawi, Cebu.
24:28Ayon sa pulis ka, pakiat sa flyover sa barangay Giso ang kotse ng biktima
24:32nang lumipat ito ng lane at nabangga ang isang water tanker.
24:37Naipit ang driver sa nayuping bahagi ng kotse.
24:40Kinailangang gumamit ng hydraulic cutter para maalis siya sa pagkakaipit
24:44bago siya nadala sa ospital.
24:46Ligtas naman ang driver ng water tanker.
24:49Sinusubukan pang kuna ng pahayag ang parehong panig.
24:52Patuloy ang imbestigasyon.
24:57Arestado ang isang dayuhan at dalawang Pilipino
24:59na nakita umanong sinasakta ng isang babae sa Makati.
25:02Ayon sa mga otoridad, tangkang pagnanakaw ang nangyari.
25:06Balitang hatid ni Jamie Santos.
25:14Na-corner ng pulis sa panulokan ng Amorzolo Corner Arna Street sa Makati City
25:19ang tatlong umanoy robbery suspect kagabi.
25:22Kinordonan din ng mga otoridad ang bahagi ng kalsada
25:25habang iniimbestigahan ang sasakyan
25:27at kinukolekta ang mga posibling ebedensya na nasa loob nito.
25:31Bago maaresto ang mga suspect,
25:33nakatawag ng pansin sa mga tao sa lugar
25:35ang isang babaeng humihingi ng saklolo.
25:38Ayon sa isang saksi,
25:40una niyang inakala na away magkasintahan lang ang nangyari.
25:44Ay bigla po humihingi ng tulong yung babae
25:46tapos yung nakita ko nga po yung mga lalaki puro po nakaitim.
25:50Kaya po yung naisipan ko tumawag ng pulis
25:52at iturong nga po dito sa pangyayari.
25:54Nakita po po siya, tinagjakan po siya.
25:57Tapos pinagbinanon po siya para po papasok siya sa kotse na yun.
26:01Agad namang nakipag-ugnayan sa pulis
26:04ang mga security personnel na nasa lugar.
26:06Isang foiled robbery incident.
26:09Naharangan po itong mga suspect natin.
26:12So nagkaroon ng kunting habulan.
26:14So nakuha natin, nakuhorner natin yung suspect.
26:15Tatlo ang naaresto.
26:17Dalawang Pilipino at isang dayuhan.
26:20Narecover sa kanila ng pulisya
26:22ang dalawang baril.
26:23Isang pistol at isang revolver.
26:25Gayun din ang hinihinalang iligal na droga.
26:28Narecover din ang sasakyan
26:30kung saan nakasakay ang mga suspect
26:31ng sila ay maharang.
26:33Bukod sa tatlong naaresto,
26:34may iba paumanong nakatakas.
26:37Susuriin ang mga pulis ang CCTV sa lugar
26:39para matukoy kung saan nang galing ang mga suspect
26:42at matuntun ang iba pa nilang kasama.
26:45Inaalam din ang pulisya
26:46ang motibo sa pag-target sa biktima.
26:48May mga makapagbigay na information
26:51sa mga nakakita pa sa mga suspecto.
26:54Makakatulong sa investigation namin.
26:57So eventually para maaresto natin
26:59yung mga kasamahan nila na iba.
27:01Walang pahayag ang mga naaresto
27:03na nasa kustudiyan ng Makati Police Station.
27:05Pusibli silang maharap
27:06sa reklamong illegal possession of firearms
27:08at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
27:11Jamie Santos,
27:13nagbabalita para sa Jimmy News.
27:16Sa puntong ito,
27:18makakakapanayin natin
27:19si Palace Press Officer Yusek Claire Castro.
27:21Magandang umag at welcome po sa Balitang Hali.
27:24Yes, good morning Rafi.
27:26Good morning sa lahat na nakikinigit
27:27ang nanonood sa inyong programa.
27:28O po, unayin ko lang po muna
27:30yung epekto ng habagat.
27:31Maraming lugar pa rin po
27:32yung nananatiling lubog sa baha.
27:33Ano pong akbang na ginagawa ng pamalan
27:35para maibsan yung epekto nito
27:37sa mga apektadong lugar?
27:39Sa ngayon,
27:40hindi pa rin tumitigil po
27:41ang ating pamahalaan.
27:44At ang utos ng Pangulo
27:46sa lahat ng mga ahensyang concern
27:48ay dapat na maibigay lahat
27:51ang kailangang ayuda sa ating mga kakababayan,
27:54lalo-lalo na yung mga naapektuhan.
27:55Nandiyan po,
27:56inuuna po talaga ng Pangulo
27:57ay yung sa DSWD po.
28:00Hindi po po mapayag ang Pangulo
28:01na meron mga kababayan natin
28:03na maiiwan at magugutom.
28:05So, kailangan po
28:06na ang supply na pagkain,
28:08yung mga basic needs nila,
28:09ay maipaabot sa kanila.
28:11At ang sa DPWH naman po,
28:13ang inuutos po sa kanila,
28:15ay dapat na kung ano yung kailangan
28:17na madaanan,
28:18kung may baraman yan,
28:20ay dapat na mabilis
28:22na maaksyonan
28:23para po madaanan
28:24ng mga sasakyan.
28:26So, yun po.
28:27At sa DILG naman po,
28:29kung ano yung kinakailangan pa rin po
28:30na tulong ng ating mga kababayan
28:31para sa kanilang kaligtasan,
28:33ay dapat na gawin agad.
28:36So, maraming po ang inuutos ng Pangulo
28:37para po maibisan po
28:39yung mga naranasang kahirapan
28:41ng ating mga kababayan
28:42na sumasapit sa mga baha
28:45na ngayon ay talagang
28:47hindi humuhu pa sa ibang lugar.
28:49Bukod po sa pansamantalang ayuda,
28:51ano po tulong may bibigay ng gobyerno
28:52sa mga nawala naman po ng kabuhayan?
28:56Of course,
28:57nandiyan po ang DTI
28:58at yan naman po din
28:59ay pinapakita natin
29:00kung ano po ang pwede natin maibigay
29:02na maaari nilang pang kabuhayan.
29:04At maliban po dyan,
29:06may financial assistance din po
29:07na ibinibigay mismo
29:08sa lokal na pamahalaan.
29:10At para ito po ay
29:14maitulong mismo
29:15ng liderato ng LGU
29:17sa kanilang mga residente
29:18at mga constituents na na naapektuhan.
29:21Diretso pong ibinibigay
29:22ang tulong na ito.
29:23Financial na tulong
29:25para sa ating mga kababayan
29:28mula sa Pangulo.
29:30Bukod po sa mga tulong na ito,
29:31may mga utos na hubang Pangulo
29:34para naman sa talagang permanente
29:36kung po pwede
29:37na solusyon sa mga problema nito
29:38dahil sawang-sawan na rin po eh.
29:39Yung mga nakakatanggap ng ayuda
29:42taon-taon na lang
29:43nangyayari sa kanila ito.
29:45Of course,
29:45meron po yan
29:46at nakikipag-ugnayan po talaga tayo ngayon
29:49lalo-lalo na po
29:50sa DNR,
29:52sa DPWH
29:53at ipinapakita po ngayon
29:54kung saan po dapat na
29:57maisaayos yung mga infrastruktura.
29:59May mga pumping stations po kasi
30:01na nandiyan diyan,
30:02na nagawa noon
30:03pero hindi po kasi pala gumagana.
30:06So, ngayon po po
30:06ay inaasikaso po ito,
30:08pati po yung mga
30:12mga ibang mga tulay.
30:13Yung mga tulay po natin,
30:14mga kalsada po natin,
30:16agad-agad po yung ipinapaayos
30:18ni Pangulo po sa DPWH
30:21and yung pong
30:22pagpapatuloy na
30:24pagsasayos
30:25at paggawa ng proyekto
30:27para po doon sa mga
30:29yung major river basins natin
30:32at nakikipag-ugnayan po
30:35doon sa sinasabing
30:38major
30:39flood control master plan
30:42para sa infrastruktura
30:44para sa baha
30:45ay nakikipag-ugnayan po
30:47ang DPWH
30:47regarding po doon
30:48sa Aquino-Singson master plan.
30:51Ayun, abanggit niyo po
30:51yung master plan.
30:52Matagal na po itong hinihintay.
30:53May timeline na po ba
30:54kung kailan na ito
30:56may papatupad?
30:59Ngayon po ay
31:00inaayos na po ito
31:01at nakikipag-ugnayan po
31:02si Sekretary Vince Disson po.
31:05Kasi po,
31:05nung panahon po
31:06yung Sekretary Vince Disson
31:08siya po ay pumasok,
31:10ang ipinapatupad po
31:11at isinasayos
31:12ay ang major river basins.
31:15At yan po
31:15ay naaayos na po.
31:17Meron na po naayos,
31:19isinasayos
31:19at meron po iba matatapos
31:21nitong bago mag-Desember 2026.
31:24Mapunta naman po
31:25kung sa issue ng flood control nga.
31:27Ano po yung reaksyon
31:27ng Pangulo
31:28sa paglaya ni dating DPWH
31:29Sekretary Manuel Bonoan
31:30at pagiging state witness niya
31:32kaugnay sa
31:33manumalyang
31:34flood control projects?
31:37Kung ano po
31:38yung nagiging desisyon
31:38ng Korte
31:39at kung ano po
31:40ang isinasigawa
31:41ng Ombudsman
31:42hindi po kasi
31:43saklaw ng Pangulo
31:44kung ano po
31:45ang magiging proseso
31:46sa kanila.
31:46Ang nice lamang din po
31:48ng Pangulo
31:48kung ano po yung nasa batas
31:49kung ano yung nasa proseso
31:50ay dapat na hindi malabag.
31:52So,
31:53kung yan po
31:54ay napag-desisyonan
31:55ng Korte
31:55at
31:57yan po
31:57ay sa tingin nila
31:58ang naaayon
31:59para sa mga kasong
32:00katulad nito
32:01wala pong magiging
32:03mensahe
32:04ang Pangulo
32:05patungkol po
32:05dyan
32:06yan po
32:06ay mandato
32:07ng Sandigan Bayan
32:09at ng Ombudsman.
32:10Okay, maraming salamat po
32:11sa oras na binahagi nyo
32:12sa Balitang Hali.
32:14Maraming salamat, Rafi.
32:15Yan po si
32:16Palas Press Officer
32:17Yusek, Claire Castro.
32:21Binaha ang ilang lugar
32:22sa Zambales
32:23dahil sa malakas na ulan.
32:25May ulot on the spot
32:26si EJ Gomez.
32:27EJ?
32:32Connie, halos buong magdamag
32:34ang malakas na pag-ulan
32:36na naranasan dito
32:37sa Zambales
32:38at sa pag-iikot natin.
32:39Ilang bayan na
32:40kay gaya na lang
32:41ng Kastillejos
32:42ang binaha
32:43kung saan ilang bahay na rin
32:45o kabahayan
32:46ang pinasok na rin
32:47ang abot-bewang na baha.
32:50Halos buong magdamag
32:52ang malakas na ulan
32:53na naranasan
32:55sa ilang bayan
32:56dito sa Zambales.
32:58Walang tigil ang ulan
32:59na may kasamang malakas
33:00na hangin
33:01sa subdivision na ito
33:02sa bayan ng Kastillejos.
33:04Pasado alas dos
33:05ng madaling araw kanina
33:06nasa Orange Heavy Rainfall Warning
33:09ang buong Zambales
33:10ng mga oras na iyon.
33:11Tuloy-tuloy ang ulan
33:12sa aming biyahe patungo
33:14sa bayan ng San Marcelino
33:15bago mag-alas 6
33:16ng umaga.
33:18Nagmemenor ang ilang sasakyan.
33:20Pasado alas 8
33:21ng umaga naman
33:22kabilang nasa
33:23Red Heavy Rainfall Warning
33:24ang mga bayan
33:25ng Kastillejos
33:26at San Marcelino.
33:28Mabilis na binaha
33:29ang kahabaan
33:29ng Govic Highway.
33:31Ilang motorsiklo
33:32ang tumirik na lang
33:33sa kalsada.
33:33Ang mga rider at biker
33:36tinulak na lang
33:36ang kanilang motorsiklo
33:38at bisikleta.
33:39Ilang sasakyan din
33:40ang napayuter na lang
33:41at di natinangkang dumaan
33:42sa kalsadang lubog
33:44sa abot binti
33:45hanggang tuhod na baha.
33:46Ang baha
33:47mula sa kalsada
33:48Rumagasa naman
33:49papasok sa mga kabahayan
33:51sa Purok 7
33:52Barangay San Nicolás.
33:54May mga residenteng
33:55na pilitang suungi
33:56ng baha
33:57para lang makapunta
33:58sa bangko
33:59pero mismong empleyado rao
34:01hindi rin nakatawid
34:02kaya naantala
34:03ang operasyon.
34:04May ilang pamilya naman
34:05na binuhat na lang
34:06ang kasamang bata
34:07para di mabasa
34:08ng paha.
34:10Ilang tauha naman
34:10ng Castelliaos
34:11Municipal Disaster Waste
34:12Reduction and Management Office
34:14o MDRRMO
34:15ang nagmamando ng trapiko
34:17at nag-a-assist
34:18sa mga residenteng
34:19ngayong patuloy
34:20ang pag-uulan
34:21na nararanasan dito.
34:23Sa mga oras na ito
34:24kasama ulit
34:25sa red
34:26heavy rainfall warning
34:28itong bayan
34:29ng Castelliaos
34:30as of 11am yan
34:31at magtatagal
34:32hanggang alas 2
34:33ng hapon.
34:34At live situationer
34:35kita natin Connie
34:37baha pa rin
34:37dito sa aking kinatatayuan
34:39pero pag
34:39naglakad ka dun
34:40sa bandang dulo
34:41nagmamaandoan
34:43nagmemenor yung mga sasakyan
34:44kasi yung baha doon
34:45ay abot pa
34:46hanggang sa tuhod.
34:48Yan ang latest
34:48mula rito
34:49sa Castelliaos Zambales.
34:51Connie?
34:52Marami salamat
34:53EJ Gomez.
34:56Kumusta na natin
34:57nalagay ng panahon
34:58ngayong weekend
34:58makakausap natin
35:00si Benison Estareja
35:01weather specialist
35:01mula sa pag-asa.
35:03Benison?
35:05Yes, maganda tanghali
35:06Sir Rafi.
35:06Tuloy na po bang
35:07nakalayo itong
35:08dating Bagyong Pilandok
35:09at wala ng hatak
35:10sa habagat?
35:11Meron pa rin pong
35:12bahagyang impluensya
35:13sa paghatak
35:14ng habagat
35:14itong si Bagyong Pilandok
35:16and within the next
35:172 to 3 days
35:18ito po ay
35:18babalik
35:19or magkakaroon
35:20ng looping direction
35:21so maaaring kumilos
35:22ito pa timog
35:23sa mga susunod na araw
35:24at lumapit
35:25muli sa ating park.
35:26At tatagal pa po ba
35:27yung pag-ulan
35:27ngayong weekend?
35:30Yes, for Metro Manila
35:31at saka mga nearby provinces
35:33over Central
35:34and Southern Luzon
35:35we're seeing na
35:36hanggang sa araw po
35:37ng linggo
35:37meron pa rin tayong
35:38aasahan
35:38mga paminsan-minsang
35:39malakas po
35:40ng mga pag-ulan.
35:41Hindi pa makapaglaba
35:44makapagpulan.
35:45Yung tropical depression
35:46na nasa Pacific Ocean
35:47naman po
35:47gaano kalit
35:48o kalak yung chance
35:48ang pumasok po
35:49sa PAR?
35:51Yung general movement
35:52niya kasi
35:52is pahilaga
35:53hilagang kanuran
35:54so nandyan yung maliit na chance
35:55na napapasok po ito
35:56ng PAR
35:56kung pumasok man
35:57at tawag yung bagyong
35:58Queenie
35:58ay hindi rin naman
35:59ito magtatagal
36:00pero nandyan din yung
36:00influence po
36:01sa paghatap ng habagat.
36:02So talaga maghanda pa rin
36:04sa mga pag-ulan.
36:05Ayon po sa
36:05World Meteorological Organization
36:07100% likelihood
36:09na lalakas
36:09at magtatagal
36:10ang El Niño
36:11hanggang
36:11February 2027
36:13at sabi pa po
36:14ni United Nations
36:15Secretary General
36:15Antonio Guterres
36:16magiging supersized
36:18yung El Niño
36:19na nakikita nila.
36:20Ano po magiging
36:21epekto nito
36:21sa Pilipinas?
36:22For our country
36:24unfortunately
36:24kung sa ngayon
36:26meron na tayong
36:26El Niño
36:27na papalakas
36:28at eventually nga po
36:29last quarter
36:30and first quarter
36:31of next year
36:32is very strong
36:33na yung
36:33na-expect natin.
36:34Then malaking bahagi
36:35na po ng bansa
36:36hindi lang itong
36:36Visayas and Mindanao
36:37nakakaranas po
36:38ng mga tagtuyot
36:39kundi simula sa
36:41buwan ng October
36:41possibly
36:42even ng Luzon
36:43mararamdaman na rin po
36:44yung kabawasan sa ulan
36:45especially na
36:46tapos na po
36:46by that time
36:47yung ating habagat
36:48at magsisimula na
36:49yung panahon ng amihan
36:50ang nire-rely na lang
36:52natin ang mga
36:52magiging pagulan
36:53during those times
36:54ay yung
36:55tinatawag na
36:56easterlies
36:56yung tail end
36:57of frontal system
36:58or tail end
36:59of cold front
37:00plus itong
37:01shear line
37:02at saka po
37:02yung mga paparating
37:03pa ng mga kakaunti
37:04bagyo at low pressure area.
37:05So kahit na binabaha po tayo
37:07ngayon pa lang
37:08dapat magtipid na
37:09ng tubig?
37:10Actually no
37:11parang ironically
37:11yes
37:12dapat magtipid na po tayo
37:13at maging practice na
37:15yung simple paggamit
37:17lamang po
37:17ng gripo
37:19sa ating mga lababo
37:20kung iwasan na
37:21laging binubuksan siya
37:22at saka
37:22magtipid nga po
37:23sa paggamit na tubig.
37:25Extreme weather.
37:26Maraming salamat po
37:26sa oras na binahagi nyo
37:27sa Balitang Halik.
37:28Salamat din po.
37:29Yan po si
37:30Benison Estreja
37:30weather specialist
37:31mula sa pag-asa.
37:34Nagisa ng ilang senador
37:35ang mga
37:36taga Department of Health
37:37kaugnay sa proposed budget
37:39ng ahensya
37:39para sa 2027.
37:42May ulat on the spot
37:43at si Ian Cruz.
37:44Ian?
37:45Yes, Connie.
37:46Sa pagsisimula pa lang
37:47nagpagdinig
37:48ng Senate Committee on Finance
37:49patungkol sa 2027
37:51proposed budget
37:52ng DOH
37:52na habang sa
37:53354 billion pesos
37:55binakbakan agad
37:56ni Sen. Rafi Tulfo
37:57sa kanyang statement.
37:59Ang ukol sa mga
38:00nag-iexpire na gamot
38:02na ibinabaon pa daw.
38:03Dapat daw may managot.
38:05Ipinakita pa nga ni Tulfo
38:06ang larawan
38:06na ibinabaon sa lupa
38:08sa tala kalookan
38:09ang mga expired na gamot.
38:11Sabi ni Tulfo,
38:11may mga source siya
38:13na nagsabing
38:13kickback ang dahilan
38:15kung bakit ito nangyayari
38:16at nakakabili
38:17ng pa-expire na gamot
38:19ang pagawaran.
38:20Sabi ni Sekretary Edwin Mercado,
38:22noong 2025,
38:23nasa mahigit 200 million pesos
38:24ang nag-expire na gamot.
38:27Ginagawa naman daw ang lahat
38:28para hindi na ito mangyari.
38:30Pero nais pa-imbestigahan ni Tulfo
38:31sa Senate Blue Ribbon Committee
38:33ang usapin.
38:34Inusisa ni Tulfo
38:35ang gamot
38:36sa leptospirosis.
38:38Aminado si Mercado
38:39na marami pa
38:40ang nasa stocks nila.
38:42At sabi ni Tulfo,
38:44bakit daw hindi pa ipamahagi
38:45sa lahat
38:46para pakinabangan
38:47ng mga nagkatasakit
38:49ngayong laging
38:49nagkakaroon
38:50ng napagbaha.
38:51Galit din si Tulfo
38:52sa pagkakatalaga
38:53bilang OIC,
38:55Franklin Tabakin
38:56sa FDA
38:57na tauhan
38:58o malapit umano
38:59na sa dating
39:00director na si
39:01Paulo Teston,
39:02si Teston daw
39:02ang nagbitbit
39:03kay Tabakin
39:04na na-appoint
39:04kahit may kaso
39:06sa ombudsman.
39:07Maliraw
39:07ang appointment
39:08na ito.
39:09Ayon naman kay Tabakin
39:09may kaso nga siya
39:11sa ombudsman
39:11pero yun daw
39:12yung nangyari
39:12in the past
39:14at wala siyang kinalaman.
39:15Pero sabi ni Tulfo,
39:16hindi deserve
39:17ni Tabakin
39:18ang pwesto
39:18dahil marami pa
39:19ang mas mahuhusay
39:20sa kanya
39:21sa FDA.
39:22Inusisa ni Merant
39:23Senadora Pink Lacson
39:24ang implementasyon
39:25ng Universal Health Care.
39:27Aminado si Health Secretary
39:28Edwin Mercado
39:29na hindi pa nga
39:29ganap ang implementasyon
39:31dahil sa pandemia
39:32pero membro na raw
39:33ang bawat Pilipino
39:35ngunit
39:35ang EM Probe pa
39:36ay kung paano
39:37may bababas
39:38mga ospital
39:38ang marami pang programa.
39:41Connie,
39:41hanggang sa mga sandaling
39:42dyan ipapatuloy pa rin
39:43ang deliberasyon
39:44at pagdinig
39:45patungkol sa budget
39:46ng DOH
39:47dito sa Senado.
39:49Yan ang latest
39:49pali siya Connie.
39:50Marami salamat
39:51Ian Cruz.
39:54Dagdag detali tayo
39:55sa paglabas
39:56ni dating DPWA
39:57Secretary Manuel Bunuan
39:58sa PNP General Hospital
39:59sa ulat ng Super Radio
40:01DCWB
40:02pasado alas gis
40:02ng umaga
40:03nang lumabas
40:03ang sasakyan
40:04lulan
40:04ang dating kalihim.
40:06Sinundo siya
40:07ng kanyang pamilya.
40:08Ayon kay PNP
40:09CIDG NCR Chief
40:10Polis Colonel
40:10Jan Gyagi,
40:12masaya si Bunuan
40:12na nakalaya na siya.
40:14Hindi agad
40:14pinalaya si Bunuan
40:15kahapon
40:16dahil tiniyak parao
40:17muna kung may
40:17outstanding warrant pa siya
40:18sa ibang korte.
40:20Pinalaya ng PNP
40:21si Bunuan
40:21alinsunod sa utos
40:22ng Sandigan Bayan
40:235th Division
40:24matapos siyang alisin
40:25bilang isa
40:26sa mga akosado
40:27sa mga kasong
40:28plunder at graft
40:28kaugnay sa
40:29P573 million pesos
40:31na kickback
40:32kumano
40:32sa flood control
40:33projects.
40:34Kapalit yan
40:35ang pagiging
40:35state witness niya.
40:37May kinakaharapang
40:38kasong graft si Bunuan
40:39sa Sandigan Bayan
40:402nd Division.
40:41Nakapagpiansan siya
40:42para dyan.
40:48Set your countdown
40:50mga marites
40:51dahil this
40:52September 13 na
40:53ang pilot episode
40:54ng Sunday Chismisan
40:56dito sa GTV
40:58na
40:58Kalurks.
41:01Unexpected trio
41:02na magahatid
41:03ng latest
41:03at unexpected
41:05happiness
41:05si na Ashley Rivera
41:07DJ Jaiho
41:08at
41:09Boss Rufo.
41:10Si Ashley
41:11nakilala sa pagiging
41:12bubbly
41:12naging emosyonal
41:14sa media ko
41:14ng show
41:15kahapon.
41:16Dedicated daw
41:16kasi niya
41:17ang project
41:17na ito
41:18sa kanyang ina
41:19na Yumao
41:20noong June
41:20dahil sa cancer.
41:24First time
41:25ko magkaroon
41:25ng gantong
41:26klaseng show
41:26and it just
41:27sucks
41:28that I won't
41:28get to
41:30share it
41:30with my mom
41:31because she's
41:31my number one
41:32fan
41:32and like I
41:33always say
41:34I feel like
41:35I'm grieving
41:35for two people
41:36because I didn't
41:37just lose my mom
41:38I also lost
41:39my best friend.
41:42Yan ang mayinit
41:43na balita
41:44ngayong tanghali
41:44ako po si Connie
41:45Sison.
41:46Rafi Tima po.
41:47Nasama nyo rin po ako
41:48Aubrey Caramper.
41:49Ito po ang GMA News
41:50walang kinikilingan
41:51walang pinoprotektahan.
41:52Noon at ngayon
41:53servisyong totoo.
41:54Noon at ngayon nyo rin po.
41:54Noon at ngayon nyo rin po.