00:00Inula na naman ng ilang bahagi ng Zambales, problema yan sa isang barangay sa bayan ng Marcelino, na isang buwan
00:08nang nagdurusa sa lahar.
00:10Mula roon, nakatutok live, si EJ Gomez. EJ?
00:19Mel, sa pagbisita natin sa barangay Santa Fe kung saan patuloy na rumaragasa ang lahar,
00:24ngayong pabalik-balik ang malakas na ulan dito sa Zambales, ibinahagi ng ilang apektadong pamilya ang hirap na kanilang dinarana
00:32sa araw-araw nilang pamumuhay.
00:34Hiling nila, pangmatagalang tulong. Bahay na hindi na raw muling matatabunan ang lahar at ang magkaroon sila ng maayos na
00:44hanap buhay.
00:49Baku-bakung mga daanan ang bumungad sa aming news team sa pagbiyahe patungo sa barangay Santa Fe ng San Marcelino,
00:57Zambales.
00:58Isang buwan na mula nang ragasain nito ang lahar pero dama hanggang ngayon ang epekto sa mga residente.
01:05Mahigit 30 minuto po ang aming binyahe mula po sa munisipyo patungo lang sa bahaging ito ng barangay Santa Fe.
01:11Kailangang bumiyahe muli ng 30 minuto o higit pa para makatawid po sa tulay na iyon patungo doon sa south
01:18side ng barangay o yung ground zero na nangyaring pagragasan ng lahar.
01:22May piligro po sa pagbiyahe dahil sa baku-baku mga kalsada na sasabayan pa ng malakas na ulan para lang
01:28makapagbisita at makapagbigay ng tulong sa mahigit isang libong apektadong pamilya.
01:34Ang lahar, nagpaalala sa karanasan ng 66 anyos na si Nida sa ilang dekadang epekto ng pagputok ng Mount Pinatubo
01:44noong 1991.
01:45Yung mga kakabuhayan namin dyan, yung mga sinasaka na tabunan na o wala na, pati yung mga alaga namin dyan,
01:54yung iba-iba kong kababaryo ma'am, naanod yung ibang alaga nila, pati yung mga baboy nila, pati lahat ma
02:04'am.
02:05Sakay ng kolong-kolong, inilikas niya at ng 60 anyos niyang asawa na si Julius ang mga gamit nila.
02:11Hindi naman kami makakatawid kapag malalim ang tubig, lalo na itong nakaraan, lalo na sa Santa Fe, naputol na yung
02:19tulay namin, hindi kami makakuan, antayin namin na gaganda yung panahon.
02:25Hiling nila ang pangmatagalang tulong.
02:28Yung relief, pangkuan lang yun. Pero yung sa permamenting gawain namin, sana mabigyan kami ng kuan, maayos na hanap buhay.
02:45Puspusan na ang paglalagay ng sandbag sa binahang kalsada. Ang mga nilagay kasi nitong biyernes, tinangay na ng ragasan ng
02:53baha.
02:54Sa sobrang lakas ng tubig, ragasan ng tubig, kailangan ulit lagyan ng sandbag para di masirahin daan po kong parangay
03:02proper.
03:06Halos buong magdamag naman ang malakas na pagulan sa bayan ng Kastillejos.
03:12Halos 9 po ng umaga at wala pang kalahating oras na tuloy-tuloy ang talagang malakas na pagulan dito po
03:18sa barangay San Roque sa bayan ng Kastillejos.
03:22E ito po ang taas ngayon ng baha. Abot po yan sa binte at mas mataas pa doon po sa
03:27dulo.
03:28So, ilang rider po, yung natirikan na lang ng motosiklo, tinulak na lang nila at meron din po mga sasakyan
03:33kahit ilang delivery truck na hindi na nila pinilit o tinangka na suungin yung kalsada, umikot o nag-uter na
03:41lang po sila.
03:42Dito naman po sa aking gilid, ito pong baha. Nako, pumasok na po dito sa kalsadang ito, sa ilang kabahayan
03:47po yan, ang ragasan ng tubig, talagang malakas.
03:51Saan po kayo galing sir?
03:52Dito po sa bahay namin, lubog po, sobrang lakas ng tubig.
03:56Saan po kayo ba pupunta po?
03:57Dito po sa tinda namin, dito na lang po kami matutulog.
04:01Sarabong nalamin na po, hanggang dito na po. First time po namin mabaha dito eh.
04:04Bakit po tinulak na natin yung motosiklo?
04:07Namatayan po ako sa gitnang ang tubig.
04:08Mataas ang tubig.
04:10Hanggang saan po ba inabot?
04:11Dito po sa binte.
04:15Ang ilang sasakyan, napaatras na lang. Pero hindi ang ilang presidenteng napilitang suungin ang baha.
04:22Ma'am, saan po kayo pa pupunta? Ba't wala po tayong bota?
04:25Sa banko po, kukuha po ng pambayad ng mga bills. Wala pong bota eh.
04:30Hindi po ako nakadeposit, hindi po nakatawid yung teller po.
04:33Wala po, sayang lang din yung oras. Pero babalik na lang po. Siguro next week na lang din.
04:38Talagang sobrang lakas po yung buhos ng ulan natin.
04:41Kaya talagang yung ating mga drainage system,
04:44eh hindi na po nakakayanan yung volume ng tubig po na bumabagsak dito po sa ating bayan.
04:52Dahil din sa malakas na ulan, nagkabitak-bitak ang semento ng kalsadang ito sa Purok 11 sa Barangay Balaybay.
05:00Sa Purok 13 naman, nasira ang mga reprap at slow protection na ito sa gilid ng ilang kalsada.
05:07Na-wash out naman ang riverbank sa Sitsyo, Alindayat.
05:11Malakas na agos ng tubig naman ang sumira sa mga culverts sa Barangay Buena Vista
05:16na pansamantalang nilagyan ng sandbags para mainsan ang baha.
05:21Humiwalay naman ang semento sa lupa sa gilid ng Pamatawan River sa Barangay Del Pilar
05:25kasunod ng pag-apaw ng tubig sa ilog noong kasagsaga ng malakas na ulan.
05:36Mel, wala naman ng pag-uulan dito sa kinaroroonan namin sa San Marcelino.
05:40Yan yung eksena sa nakalipas na dalawang oras.
05:43Ganon din doon sa bayan ng Castillejos.
05:45Ang eksena kasi doon, basta wala namang malakas na ulan,
05:48ay yung baha, mabilis naman humupa.
05:50Dito kita naman natin na normal lang yung galaw ng mga tao,
05:54gayon din yung daloy ng trapiko.
05:56Yan ang latest mula po dito sa San Marcelino, Zampales.
06:01Mel, maraming salamat sa iyo, EJ Gomez.