Skip to playerSkip to main content
Binayaran na ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA General Manager Nicolas Torre III ang lahat ng multa para sa mga violation ng kanyang sasakyan.
Pero may iba pang posibleng parusa ayon sa Land Transportation Office lalo't dumaan ang sasakyan sa busway at gumamit pa ng plaka ng iba.
Nakatutok si Raffy Tima.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Binayaran na ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA General Manager Nicolas Torre III
00:06ang lahat ng multa para sa mga violation ng kanyang sasakyan.
00:11Pero may iba pang posibleng parusa.
00:13Ayon sa Land Transportation Office, lalo't dumaan ang sasakyan sa busway at gumamit pa ng plaka ng iba.
00:27Sa unang tingin, tila isang opisyal na sasakyan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA
00:32ang SUV na ito na naka-impound ngayon sa opisina ng Land Transportation Office.
00:37Kumpleto ito sa mga decollet sticker at may wang-wang pa.
00:40Pero ang plaka, pang-pribadong sasakyan.
00:43Ang sasakyan ito ang nakuna ng video na dumaan sa bus lane.
00:47Ang naturang video, inupload mismo ng MMDA General Manager Nicolas Torre III sa kanyang Facebook page
00:52na unang pino sa Facebook page na CamoteClub.ph.
00:56Sabi noon ni Torre, official MMDA patrol vehicle ito na kanyang ginagamit.
01:00Dumaan daw sila roon para makita kung bakit mabigat ang trapiko.
01:04Isinuko sa LTO ni Torre ang sasakyan na ayon sa LTO, inamin niyang personal niyang pag-aari.
01:10Sinabi pa ni LTO Chief Asek Marcos Lacanilaw,
01:13kinumpirma ni Torre na lulan siya ng SUV nang mahuling dumaan sa Edsa Busway kahit bawal.
01:18Nabisto rin ng LTO ang patong-patong na violation ng sasakyan,
01:21kabilang ang pagpapalit ng plaka.
01:24Ang violation niya, yung tampering of plates.
01:27Number two, yung imitation ng naglalagay ng mga sticker markings na bawal yun.
01:35And then yung accessories, illegal modification na naglagay ng accessories which is yung blinker.
01:40Sabi ng LTO, ang red plate na nakakabit sa sasakyan noong dumaan nito sa busway,
01:46plaka para sa truck na nasa imbentaryo ng MMDA.
01:49Ibinilik na lang daw ang orihinal na plaka nang isuko na ito sa LTO.
01:54May nakaschedule na hearing dapat ngayong hapon dahil sa subpina ng LTO sa driver ng sasakyan.
01:58Pero kaninang umaga,
02:00nagbayad na raw si Torre ng 14,000 pisong penalty para sa lahat ng violation.
02:05Inamin daw ni Torre na kanya ang sasakyan,
02:07pero may driver daw siyang nagmamaneho nito noong dumaan sa EDSA busway.
02:11Sabi ng LTO, bagamat tila mura lang ang kabuoang multa ng mga violation,
02:16matindi raw ang posibleng penalty sa lisensya ng driver.
02:19It's either ma-suspend po yan ang mahabang panahon or ma-revoke.
02:30Hindi pa rin pwedeng makuha ang sasakyan dahil kailangan tanggalin ang mga MMDA decal, stickers at wang-wang.
02:37Paalala ng LTO sa mga opisyal ng pamahalaan, sumunod sa batas.
02:41Ginagamit po natin yung batas para ipatupad ito sa mga sibilyan.
02:45So hindi po tayo above the law na tayo ay exempted doon.
02:49Tayo po ay saklaw din doon.
02:51Sinusubukan namin kunan ng pahayag si Tore, pero hindi pa siya sumasagot sa aming tawag.
02:56Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended